Kabanata 3: Tadhana

1.2K 28 0
                                        

Amihan's POV

Kinagabihan, umalis si Ybarro at ako ay nagtungo sa aking silid para magpahinga, ngunit ako ay inimbitahan ni Danaya na mamasyal sa labas ng Lireo. Pumayag ako ngunit akin munang inihanda ang aking espada at namasyal kami sa Ayleb, ang hilaga ng Lireo. May mga nakita kaming engkantado roon at sila ay aming kinamusta. Namasyal pa kami at napadpad sa isang kanlurang bahagi Sapiro, at nakita naming ang kuta ng mga mandirigma. Nakita ko roon si Ybarro,  ipinagsawalang-bahala niya ang aking pagdating, hindi ko alam kung bakit ngunit tila siya ay galit. Kami ni Danaya ay nagpaalam sa mga mandirigma at bumalik sa Lireo.

Ybarro's POV

Kakatapos lang namin kumain, at pag-uusapan sana namin nila Wantuk ang mga naganap. Ako ay naglakad-lakad muna ng nakita ko na naglilibot sina Amihan at Danaya. Nakita ako ni Amihan at nagpahalata nalang akong walang nakikitang nilalang dahil ako ay nababahala sa kung ano pa ang maaring itakbo ng aking damdamin. Kami ay nag-usap-usap nila Wantuk at ang aking ama ang kumausap sa mga Sang'gre. 

Pagkatapos naming magkuwentuhan ay magpapahinga na sana kami. Ako ay nagmatyag muna sa paligid, ngunit sa aking pagmamatyag ay tila aking iniisip na nawa'y dumating si Amihan dito. Sa aking bawat pagtapak sa lupa ay aking iniisip na dadating siya. Upang mawala ito sa aking isipan ay pumunta na ako sa loob ng aming kuta para magpahinga, ngunit aking pagpikit palang ay di ko na maalis si Amihan sa aking isip, naiisip ko ang bawat kinilos niya kanina, at ang kanyang maamong mukha, tila hindi ko siya maalis sa aking isipan, pinilit ko nalang matulog dahil rin sa pagod.

Amihan's POV

Pagbalik namin sa Lireo ay naghanda na akong magpahinga, sa aking paghiga ay nagdasal muna ako kay Bathalang Emre sa kanyang mga ipinagkakaloob. Ako ay humimbing ngunit di ko maalis sa aking isipan si Ybarro. Pinilit kong matulog ngunit mukhang ito ay imposible ngayong gabi dahil sa kanya. Ako ay pumikit na lamang na nahimbing na sa wakas.

Ybarro's POV

Nagising ako kinaumagahan, napanaginipan ko si Amihan na kami ay nagkakahulugan para sa isa't isa. Mahabaging Emre, bakit ako ay nanaginip ng ganoong pangyayari? Ngunit ang puso ko ay nasa iba na, hindi ko ito maaring bawiin dahil aking ibinigay na ito. Ako ay nagtungo sa dalampasigan upang mapag-isa at wala naman akong ginagawa.

Amihan's POV

Nagising ako pagkagat palang ng araw at naghanda na para sa pagsasanay naming magkakapatid kasama si Mashna Aquil. Kami ay madalas nagsasanay sa dalampasigan at ngayon ay doon pa rin kami. Inutusan kaming pumunta roon ng kami lamang mag-isa kaya ito ay nakakapagtaka, hindi papayag si ina na kami lang mag-isa ang tutungo roon. Tinignan ko ang bawat silid namin at mukhang ako ang nauna magising. Ako ay tumungo roon hindi gamit ang Ivictus kundi sa paglalakad. Ilang metro nalang at nasa dalampasigan na ako nang may mga umatake sa akin na hindi ko alam kung ano sila. Ako ay medyo nahirapan sa rami nila, sa palagay ko sila ay humigit-kumulang isang daan. Ako ay gulat na gulat sa pangyayaring ito, ako nalamang ay napapasigaw sa rami nila.

Ybarro's POV

Ako ay malalim na nag-iisip nang may narinig akong isang sigaw na pamilyar. Ang pinagmulan ng boses na iyon ay aking sinundan hanggang nakita ko ang napakaraming nilalalang at doon ay nakita ko si Amihan na nakikipaglaban suot ang pangsanay na kasuotan. Tinulungan ko siya dahil hindi ko kayang hindi tumulong sa nangangailangan lalo pa't mukhang di niya inaasahan ang ganitong pangyayari. Nang maubos na ang kalaban, siya ay tinanong ko "Ayos ka lang ba Mahal na Sang'gre?" sinagot niya ako "Maayos ako ngunit hindi mo naman ako kailangang tulungan." Kanya namang tinanong "Bakit ka nga pala narito sa dalampasigan, di mo ba batid na dito kami nagsasanay?" aking sinagot "Pasensya na mahal na Sang'gre ngunit ito ay ngayon ko lamang nabatid, pasensya na mahal na Sang'gre ngunit ako ay babalik na sa aming kuta." Kanyang isinigaw habang ako'y papalayo sa dalampasigan "Avisala Eshma! Ingat!" at ako ay napangiti.

Amihan's POV

Pagkatapos lumisan ni Ybarro ay nagpahinga muna ako sa dalampasigan dahil sa pagod. Hindi ko napansin ay nahimbing na pala ako.

Ginising ako ni Danaya na kasabay pumunta ni Pirena galing sa isang paglalakbay at ni Alena na galit pa rin sa akin. Ako ay nagulat sa paggising ni Danaya sa akin, sinigawan pa nga ako ni Pirena na "Amihan! Bumangon ka na riyan, magsasanay na tayo!" Ako ay bumangon na nakita sina Gurong Aquil at ang mga kawal. "Mahal na Sang'gre ikaw yata ay pagod na pagod sa pagsubok ninyo kanina." sabi ni Aquil. Ito ay aking sinagot "Pagsubok? Ngunit napakarami nila, paano iyon naging pagsubok?" Sinabi ni Alena "Anong napakarami? Bilang ko ang mga nakalaban ko, ano ang marami roon?" ng pagalit. Nagsalita si Aquil "Mga Sang'gre, iba-iba kayo ng bilang ng kalaban, pinakamarami kay Amihan dahil siya ang pinakamagaling, at pinakakaunti sayo Sang'gre Alena dahil batid kong ayon lamang ang bilang na kaya mo. Tayo ay bumalik sa pag-eensayo!" Kami ay nag-ensayo gamit ang mga sandata kung saan kami mas nagpakahasa. 

Kinagabihan, kami ay naghapunan kasama ng aming Ynang Reyna, at siya ay may sinabi sa amin, "Mga anak, mahusay na raw kayong humawak ng mga sandata." Nagngitian kami at aking isinambit kay Alena "Alena, nawa'y tayo ay magbati na, hindi ko na kaya itong mga nangyayari." Siya ay ngumiti at lumuha "Ako rin, Amihan." at kami ay nagyakapan, nagsalita si Ynang Reyna at sinabing "Mga anak, bukas na bukas ay dadaan kayo sa isang pagsubok para humalili sa akin bilang Reyna, nagkaalitan ng kaunti sina Pirena at Danaya dahil sa kanilang kagustuhan maging isang reyna. Kami ay kumain at maagang natulog para sa magaganap bukas.

YbraMihan | Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon