Amihan's POV
Sa aking paggising, narito parin sa aking puso ang poot na aking nadarama. Sa aking panaginip ay siya na naman ang aking napanaginipan, may ibig sabihin ang sunod-sunod na pananginip ko tungkol kay Ybarro, hindi ko batid kung ano ngunit ako ay mababahala kung ito pa ay aking malalaman lalo pa't mukhang nangyari ang aking inisip noong isang araw. Bakit tila ganito ang aking nadarama ngayon? Kalahating poot at kalahating ligaya, dapat ay lumbay ang aking nadarama at hindi kaligayahan gaano man kaliit ang bahagdan nito sa aking puso. Nakita ko si Ybarro na natutulog pa rin kaya't akin siyang iniwan muna at bumalik sa Lireo.
Ybarro's POV
Ako ay sa wakas ay nagising na mula sa aking malalim na pagtulog. Masyado akong napagod kagabi. Nang ako ay bumangon, hindi ko nakita si Amihan sa kanyang higaan at mukhang bumalik siya sa Lireo. Inihatid ko na ang tubig sa aming kuta at sila ay nagtaka na umaga na ako dumating. Akin nalang sinabi ay naglibot muna ako at nakatulog sa daan. Nang naibaba na ang mga lalagyanan ng tubig sa alaga naming pashnea ay kinausap ako ni Wantuk, mukhang batid niya na ako ay nagsisinungaling. Kanyang itinanong "Ybarro, saan ka ba talaga galing kagabi? Kitang kita sa iyong mga mata na may ikinukubli ka sa amin, ano ito?" Ito ay aking sinagot "Wantuk! Huwag ka nalamang magtanong, maari? Aaminin ko, hindi nga iyon ang nangyari ngunit hindi ko sasabihin ang katotohanan kahit kanino sapagkat ayokokng mag-alala kayo sa akin." Kanyang sinabi "Ngunit Ybarro! Ako ay nag-aalala na sa iyo ngayon! Maari mong isambit sa akin ang mga nangyari sa iyo kagabi." Dahil sa aking pagkapuno ay nainis ako sa kanya "Wantuk! Iwan mo muna ako!" at ako ay bumalik sa ilog para mapag-isa.
Amihan's POV
Ako ay pasikretong tumungo sa aking silid sa Lireo. Aking ginamit ang Ivictus para magawa iyon, ngunit ang aking nadatnan ay si Danaya sa aking silid. Kanyang itinanong "Amihan, alam kong maunawain kang tao ngunit iyong sautin ang ang aking katanungan. May namamagitan ba sa inyo ni Ybarro?" ako ay gulat at nabahala sa sinabi niyang iyon at ako ay takot na madulas na masabi kong "Oo." kaya't pinag-isipan kong mabuti kung ano ang aking isasambit sa kanya. Pasalita pa lamang ako nang sinabi niyang "Amihan!" at aking sinabi na "Ano ang pumasok sa isip mo at naisipan mong sabihin sa akin iyan!" hindi ko napigilan ang aking sarili at aking naisambit "Walang namagitan sa amin ngunit aaminin ko, nagkaroon ako ng nararamdaman kay Ybarro at hindi ko mabatid kung bakit ito pinahintulutan ni Bathalang Emre! Sa tingin ko ay maliwanag na sa iyo ang lahat kaya't maari bang iwan mo muna akong nag-iisa rito?" Siya ay umalis ngunit nang kanyang pagtapak sa pagitan ng pintuan ay humrap siya sa akin at sinabing "Amihan, parehas ko kayong mahal ni Alena ngunit ako ay naguguluhan kung sino ang aking papanigan." Aking isinagot "Danaya, batid kong ikaw ay nababahala ngunit maiintindihan ko kung si Alena ang panigan mo dahil siya ang tama at hindi ako. Danaya, nakikiusap ako sa iyo na hindi ito makalabas kahit kanino man kahit sa ating ina." At siya ay tuluyan ng lumisan sa aking silid at nagpahinga.
Danaya's POV
Ako ay nagtungo sa kwarto ni Amihan para maghanap ng mga ebidensyang may namamagitan sa kanila ni Ybarro. Aking natagpuan ang kanyang talaarawan at binasa ko ang mga pangkasalukuyan niyang mga isinusulat. Aking nabasa na nahulog siya kay Ybarro ngunit ito ay pinigilan niya at siya rin ay gabi-gabing nananaginip tungkol sa kanya. Ako ay nabahala, tinago ko na lamang ang kanynag talaarawan hangga't wala pang nakakakita sa akin. Ako ay naghahanap pa ng mga ebidensya ng dumating si Amihan. Dahil sa aking nabasa ang kanyang mga damdamin ay tinanong ko siya kung may namamagitan ba sa kanila ni Ybarro dahil nais kong malaman kung siya ay maglilihim o hindi. Siya ay nagtagal sa pagsagot sa akin kaya't sinigawan ko siya ng "Amihan!". Sinagot niya ako na ano raw ang pumasok sa aking isipan at naisip ko ang ganyang katanungan. Siya ay napaamin ngunit tugma ito sa nakasulat, na walang namamagitan sa kanila ngunit may nararamdaman siya para kay Ybarro. Pinakiusapan niya akong iwan siya at ako ay nababahala sa mga nangyayari dahil di ko batid kung kanino ako papanig. Pinakiusapan niya rin ako na sa amin munang dalawa ito. Ako ay lumisan at sinubukan kong hanapin si Alena.
Amihan's POV
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ako sa ilog para maligo para maalis ng konti ang aking mga nararamdaman. Ako ay nagtungo roon at nakita kong wala si Ybarro kaya't ako ay naglinis muna roon. Pagkalublob ko sa tubig ay may naramdaman akong humaplos sa aking paa at aking tinignan iyon. Nakita ko si Ybarro na naliligo rin ngunit ako di niya napansin sapagkat nakapikit siya. Ako ay pumunta sa kabilang dulo ng ilog at doon naligo upang di makita ni Ybarro.
Ybarro's POV
Naligo muna ako sa ilog at nag labas ng damdamin roon sa pamamagitan ng mabilis na paglangoy. Mababahala lamang ako kung makikita ko ang aking bilis kaya't pumikit ako. Sa aking paglangoy ay may nahawakan akong bagay, sa tingin ko iyon ay bato lamang at ako ay nagpatuloy sa paglangoy. Ngunit nang umahon na ako ay nakita ko si Amihan na naliligo sa kabilang dulo. Akin siyang kinawayan at ako ay lumisan. Nabawasan ang aking lumbay nang aking ibuhos ang lubos na kalungkutan ko sa paglangoy at nang aking makita si Amihan.
Amihan's POV
Pagkarating ko sa kabilang dulo ay kinawayan ako ni Ybarro at siya'y umalis. Ako ay napangiti ng kaunti dahil napansin niya ako. Pagkaraan ng ilang minuto ay umahon kaagad ako at nagpalit ng kasuotan. Bumalik ako sa Lireo para magpahinga dahil sa aking lubos na pagod at para rin ako ay makalimot sa mga nagaganap ngayon.
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanficDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...