Kabanata 7: Sugat

948 33 7
                                    

Danaya's POV

Sa aking paghahanap kay Alena, halos nalibot ko na ang buong Sapiro at Lireo. Hindi ko pa rin siya natatagpuan kaya't baka siya'y nasa Adamya. Nagtungo ako roon at nakita ko siya sa tabi ng dalampasigan na natutulog. Siya ay hinawakan ko at aking ginamit ang Evictus para makabalik kami sa Lireo. Inihatid ko siya sa kanyang silid at labag man sa aking kalooban ay pinosasan ko siya para hindi siya magtangkang makawala. Ako ay umalis sa kanyang silid at hinanap si Amihan. Nilibot ko ang buong palasyo ngunit wala siya roon. Maaring siya'y umalis upang mapag-isa. Naghintay na lamang ako at nakita ako ni ina. Itinungo ko siya kay Alena upang makita niya ito. Akin muna silang iniwan nang biglang dumating si Amihan hawak-hawak ang kanyang basang damit. Hindi ko alam kung saan siya nagtungo ngunit may kutob akong nagkita na naman sila.

Alena's POV

Pagkagising ko ay nakita ko si ina at Danaya sa aking harapan. Napansin ko rin na wala na ako sa Adamya at nakaposas pa ako. Sinabi kong "Ano ito? Bakit ako nandito? Ayokong maparito!" at kanila namang sinabi "Alena, itutuloy pa ang pagsubok kaya't isantabi mo muna ang iyong galit." Labag man sa aking kalooban ay sinunod ko na lamang sila. Maya-maya, ipintawag kami, tila itutuloy na ang pagsubok. Kami ni Danaya ay pumunta roon at nakita ko si Amihan. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil nang siya'y aking nakita, naalala ko ang mga pasakit na idinulot niya sa akin."

Amihan's POV

Pagkadating ko sa Lireo ay nakasalubong ko si Danaya. Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako sa aking silid. Ako ay nag-ayos ng aking ga gamit nang makita ko ang aking talaarawan na hindi nakalagay sa tamang puwesto. Batid kong may nakabasa nito kaya't ako'y kinabahan. Nawa'y ito ay sanhi ng pagkakagalaw ng lalagyanan lamang. Ako ay naglibot sa buong palasyo ng ipinatawag kami ni ina. Si Danaya na lamang ang hinihintay namin. Nang dumating siya ay kasama niya si Alena. Ako ay nagulat. Nailang ako kaya't mas tumabi ako kay Pirena. Kinausap kami ni ina "Mga anak, nabalitaan ko ang pangyayari, bakit kailangan niyong magkaroon ng sigalot? Maari bang palipassin niyo muna ang mga nagaganap na ito? Ngayon ay ipagpapatuloy natin ang pagsubok. Maghanda kayo mamaya." at kami ay bumalik sa kanya-kanyang silid.

Maya-maya ay ipintawag na kami at ipinakilala ulit kami, ngayon ay iba-iba namang paglalaban ang ipinakita. Muling dumating ang nilalang na aming makakatunggali at nagsimula na ang laban. Nauna si Alena. Kitang-kita ang kanyang palaban na ugali ngayon. Ngunit siya ay nadaig ng aming kalaban. Sumunod si Danaya, malapit niya nang makuha ang susi ngunit siya'y natalo pa rin. Sumunod ako, nang kinalaban ko ang nilalang ay lubhang napakalakas niya. Dumating si Pirena at kami ay nagtulungan. Napalipat kami sa palasyo at roon ay ipinagpatuloy ang laban. Natamaan ako ni Pirena at muntikan ng mahulog. Nasagip niya ako ngunit binitawan rin. Sinalo ako nang babaeng nakatunggali namin, siya si ina, at nagpasalamat sa kanya.

Nang i-aanunsusyo ang panalo, sinabi na isang bugtong na pagsubok ang aming napagdaanan. Ang reyna ay ang susi at hindi ang kwintas. Ako ang nakadiskubre ng pagbabalat-kayo kaya't ako ang nagwagi. Nagalit si Pirena, hindi niya natanggap ang panalo ko kaya't itinakwil niya si ina. Si Alena rin ay nagalit kaya't lumisan siya. Siya ay aking sinundan.

Sa aking pagsunod kay Alena ay napadpad kami sa Sapiro at roon ay may mga nakalabang hathor. Kinalaban namin ang mga hathor. Sa palagay ko ay isang hukbo sila kaya't nahirapan kami.

Ybarro's POV

Ako ay naglibot muna nang makita ko si Alena at Amihan na nilalabanan ang mga hathor. Nakita ko si Alena na mabibihag na ng mga hathor at si Amihan na nahihirapang lumaban sa rami ng nakapalibot sa kanya. Hindi ko batid kung sino ang aking pipiliin, ang babaeng aking unang minahal o ang sa babaeng minahal ko sa unang pagkikita namin. Nahirapan ako sa pagpili ngunit aking sinagip si Alena. Aking kinalaban ang mga hathor na nakapalibot sa kanya ngunit pagkaharap ko kay Amihan ay siya'y nasaksak ng isang hathor. Lumaki ang aking mga mata at napasigaw ng "Amihan!" habang lumuluha. Nilapitan ko siya habang siya'y nag-aagaw-buhay sa pagkasaksak ng hathor sa kanya. Siya ay lubhang nanghihina at sa panghihina niyang iyon ay nanghihina rin ako. Sa bawat hirap niya sa paghinga ay tinatamaan ang aking puso. Ako ay lubhang tinamaan sa pangyayaring ito at naluha nalang ng naluha. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nakokonsyensa ako dahil nailigtas ko nga si Alena ay hinayaan ko namang mapaslang si Amihan. Napakabigat sa kalooban ko ito. Dumating sina Danaya at ang Reyna. Akin ipinaubaya muna sa kanila si Amihan. Sa aking pagbitaw sa kanyang kamay ay napakabigat sa aking kalooban lalo na't baka ito nalang ang aking huling-alaala sa kanya. Ako ay bumalik sa aming kuta bakas pa rin ang lubhang kalungkutan at pagsisisisi sa aking mukha.

Alena's POV

Ako ay hinabol ni Amihan ngunit siya ay binabalewala ko lamang ng may makalaban kaming hathor. Muntik na nila akong mabihag nang dumating si Ybarro at sinagip niya ako. Pagkaligtas ko ay nakita namin si Amihan na nasaksak ng isang hathor. Ako ay nagulat sa pangyayari, sa kabila ng alitan namin ay may pagmamahal pa rin akong natitira para sa kanya. Ako ay napaluha at iniwasan na lamang tignan siya. Nilapitan sya ni Ybarro at aking napatunayan na mahal niya rin si Amihan. Dumating si Danaya at ina, dahil sa ayokong masisi ay naglaho ako at bumalik sa Lireo at roon ay inilabas ang aking mga damdamin. Ako ay nagsisisi dahil namatay siyang may galit ako sa kanya. 


YbraMihan | Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon