Ybarro's POV
Ang mga hathor ay aking nakalaban at sila naman ay aking napaslang sa tulong ng isang nilalang na nakapang-sapirong kalasag. Ako ay nagtamo ng mga ilang sugat ngunit ito ay gumaling agad. Hindi ko batid kung ano anng kapangrayihan ko na ito. Sinabi niya sa akin "Ikaw rin pala ay isang sapiryan, mukha ka lamang mandirigma ngunit ikaw pala'y kalahi ko ring dugong bughaw dahil tayo lamang ay mga may kapangyarihang ganyan." at ako ay naguluhan kaya't ako ay nagpaalam sa kanya "Pasensya na ako ay isang mandirigma lamang." at ako ay lumisan na.
Amihan's POV
Bumalik ako sa Lireo gamit ang aking Evictus para makabalik sa palasyo ngunit sa aking paglitaw ay naroon si ina. Nakita niya ang tanda sa aking palad at lumapit siya sa akin at sinabing "Hindi ka pa namin kinokoronahan ay may tagapagmana ka na Amihan, kailan ka nanaginip? Nang pumunta ka ba sa iyong pinuntahan kanina?" Aking sinabi "Bago, bago ako magising sa aking pagkagapi." Sinabi ni ina "May dahilan si Emre rito, kinausap ka ba niya?" sa ayaw kong mabunyag na si Ybarro o ang nawawalang eredero ng sapiro ang ama ay akin nalang sinabing "Hindi ina, hindi ko rin batid kung sino siya, ang alam ko lang ay nagulat ako kung ano ang aking nakita sa aking palad kaya't ako ay bumalik dito kaagad." Sinabi ni ina na "Binabati kita anak sa napakagandang balita na ito!" at hiniling ko munang mapag-isa. Sa aking daan papuntang aking silid ay nakasalubong ko si Danaya, at kanyang nakita ang tanda sa aking palad. Pinagmasdan niya ito mabuti at sinabing "Hindi ko batid na may hadiya na pala ako. Ngunit paano ito nangyari at wala ka namang karelasyon lalo pa't hindi ito puwede sa reyna?" Aking sinabi sa kanya "Kay ina mo na lamang itanong ang mga ito dahil ako rin ay nagulat at naguguluhan." at siya'y aking nginitian at iniwan. Sa kabila ng mga naganap ay kinakabahan ako sa kung anong puwedeng mangyari sa amin ni Alena sa oras na malaman niya ito. Pumasok si Alena sa aking silid at nakita niya ang tanda sa aking palad. Ako ay nagulat sa kanyang pagpasok lalo na't siya ang dapat na hindi makaalam rito. Sinabi niya sa akin "Kapatid, ano ang nasa iyong palad?" at biglang pumasok si ina "Yan ang tanda na mayroon ng tagapagmana na nasa sinapupunan ng iyong kapatid, Alena." at ako ay nanahimik saglit. Medyo nasimangot si Alena kaya't sinabi niyang "Ngunit kanino, Amihan?" at aking sinagot "Hindi ko batid Alena dahil si Emre ang naglalaan ng isang magpupunla sa isang Reyna ngunit sa aking panaginip lamang." at binati niya ako sa balitang ito. Imbis na ako ay malugod sa isang supling ay ako pa ay nababahala dahil baka siya ang maging dahilan ng pagbubuklod namin ni Alena.
Alena's POV
Aking binisita si Amihan sa kanyang silid nang may makita akong bagay o marka sa kanyang palad. Itinanong ko kung ano iyon at sinabi ni ina na iyan ang tanda ng kanyang pagdadalang-diwata. Ako ay nagulat lalo pa't nagkaroon sila ng ugnayan ni Ybarro kaya't baka siya ang ama, aking itinanong "Ngunit kanino, Amihan?" at kanyang sinabi na hindi niya batid dahil si Emre ang naglaan nito. Binati ko siya sa balitang ito at umalis sa kanyang kwarto. Hindi pa rin ako mapalagay dahil may hinala akong noong gabing natapos ang paligsahan ay bumalik ako sa ilog at nakita kong magkasama sila roon. Hindi kaya't doon sila bumuo ng anak? Ngunit siya'y namatay pagkatapos nito. Hindi, Alena, hindi maaari ang iniisip mo. Magkaayos na kayo ni Amihan at huwag ka nang gumawa ng dahilan para ikaw ay magkaroon ng pagkasuklam sa kanya. Ngunit ako ay nalulugod sa isang hadiya.
Ybarro's POV
Nagsabi si Alena na magtatagpo raw kami pagkagat ng dilim. Kami ay nagkita sa gilid ng kagubatan. Niyakap niya ako agad at kami ay umupo sa isang tabi. Kanyang sinabi sa akin sa akin "Ybarro, nagkaroon ka ba ng pagtingin kay Amihan?" at aking sinabi sa kanya "Alena, bakit mo pa ibig na malaman gayon pumanaw na siya?" at sinabi niya sa akin "Ybarro, hindi mo ba nabatid, muling nabuhay si Amihan." Totoo nga ang nakita ko kanina, na siya ang nasa ilog. Aking itinanong "Ngunit paano ito nangyari?" at kanyang isinagot "Hindi ko batid, Ybarro. Ngunit may dahilan si Emre kung bakit siya nabuhay muli, at isa na dito ang kanyang pagiging reyna, at pagkakaroon ng tagapagmanang anak. Napakasaya ko dahil ako ay magiging ashti na. Oo nga pala, ayun din ang kaugnay sa aking tanong, may nangyari ba sa inyo, Ybarro? Sa panaginip?" at ako ay nabigla sa kanyang mga isinambit sa akin dahil sa tingin ko ay ako ang ama ng nasa sinapupunan ni Amihan. Aking sinabi sa kanya "Ano na naman at naisip mo iyan? At bakit ba lahat ng nangyayari ay may kaugnay kay Amihan?" kanyang sinabi "Sagutin mo nang maayos ang aking tanong, nagkaroon ka ba ng pagtingin kay Amihan?" aking sinabi "Alena, ikaw lamang ang aking minahal." Mukhang di pa rin siya naniniwala kaya't sinabi niyang "Ngunit bakit nung nasaksak si Amihan ay bigla kang lumapit sa kanya at lumuha? Bakit tila ika'y lubhang apektado sa mga naganap na iyon?" aking sinabi sa kanya para matapos ang usapan "Alena, iwaksi mo na lamang ang mga nangyari sa iyong isipan." at ako ay bumalik na sa aming kuta.
Pagkabalik ko ay itinanong ko kay ama kung bakit napakabilis kong maghilom ng sugat. Inamin niya sa akin na ako ang nawawalang prinsipe ng Sapiro. Ako ay nagulat at nagalit sa pangyayaring iyon kaya't nagkaroon ako ng pagkamuhi sa kanya. Umalis ako sa aming kuta at bumalik sa dalampasigan upang doon magpalipas ng gabi.
Amihan's POV
Bukas na ang araw ng pagkorona sa akin at tila wala si Pirena. Tunay ngang kinamuhian niya na kami. Hindi ko alam kung nasaan siya ngunit hindi ko na nais na malaman ang kinaroroonan niya ngayon lalo pa't baka kami ng aking anak ay mapahamak lamang. Ako ay natulog na ng mahimbing sa aking silid.
Kinaumagahan, kumain kami ng almusal at pinaghanda kami dahil maya-maya ay kokoronahan na ako. Inihanda ko na ang aking sarili sa seremonya at nagsimula na ito. Napagkaloob na sa amin ang mga brilyante, at ninakaw ni Pirena ang brilyante ng apoy. Ako ay tinawag ni ina bilang kanyang tagapagmana at inilipat ang korona sa akin. Nagpalakpakan ang lahat at nanalig kaming mapanatili ko ang kapayapaan rito sa Encantadia bilang isang reyna.
Ybarro's POV
Pagkagising ko ay pumunta ako kaagad sa Dakilang Moog ng Sapiro para kilalanin ito. Nilibot ko ito at nakitang nabubulok na ang mga haligi nito. Ako ay nagpasyang muling bubuhayin ang bumagsak na kaharian ng Sapiro bilang tagapagmana nito.
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanfictionDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...
