Amihan's POV
Nang aking ginamit ang Ivictus para makatakas ay ako'y tumungo sa ilog at doon ay aking isinigaw ang aking mga nararamdaman. Ako ay nalulumbay sa nangyayari ngayon, sa akin, sa aking damdamin, at sa amin ni Alena. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari, pakiramdam kong ako ay may pasan na isang dambuhalang pashnea na gusto akong patayin. Isinigaw ko ang mga salitang ito para aking mailabas ang aking mga damdamin "Pashnea!" nang may inilabas akong hangin na nakasira sa ilang mga puno, "Bakit nangyayari ang mga ito! Ano ba ang aking mga kasalanan!" ang aking iba pang mga sinabi habang ako ay lumuluha, at ako ay sumigaw ng sumigaw at ito ay aking di napigilan dahil sa labis na galit at lumbay.
Ybarro's POV
Ako ay inutusan ni Ama na kumuha ng tubig sa ilog para aming ipanglinis sa mga maduduming muwebles. Ako ay naghanda ng mga lalagyanan na aking inilagay sa aming alagang pashnea, at habang ikinakarga ko ang mga lalagyanan ay naalala ko na ngayong gabi ang paligsahan ng mga Sang'gre, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong isipin. Habang ako ay nasa aking daan papunta sa ilog ay aking naalinigan ang mga salitang "Pashnea! Bakit nangyayari ang mga ito! Ano ba ang aking mga kasalanan!" Galing sa isang binibining pamilyar ang boses. Akin itong tinunguhan at nang aking natagpuan ang pinagmulan ng mga sigaw na iyon, nakita ko si Amihan na lumuluha at mukhang siya ay dumaan sa isang delubyo na pangyayaring di niya ginusto. Sinigaw ko sa kanya "Amihan!" at akin siyang dinamayan sa pamamagitan ng pagyakap at akin siyang pinakalma. Hinaplos ko ang buhok niya at ang mukha niya, aking naramdaman na labag ito sa aking kalooban ngunit hindi ko ito mapigilan, kailangan ko siyang pakalmahin at gawing magaan ang loob niya, tila tuluyan na akong nahulog sa aking pagyakap.
Amihan's POV
Pagkatapos ko sumigaw ay umupo muna ako sa bato at doon ay magmukmok. Narinig ko na may sumigaw sa akin na pamilyar ang boses "Amihan!" at ako ay napatingin sa nagsalita ng aking ngalan, si Ybarro. Ako ay tumayo at siya'y lumapit sa akin at niyakap niya ako nang napakahigpit. Pinakalma niya ako at ang yakap na iyon ay alam kong mali ngunit di ko mapigilan ang aking sarili, sa tingin ko ay ito'y tama ngunit sa mata ng kalahatan ay hindi. Aking dinama ang paghaplos niya sa aking buhok at ang kanyang pagkalmsa sa akin. Ako ay naginhawaan ng ginawa niya iyon.
Alena's POV
Ako ay nagtungo sa ilog at ang aking nadatnan roon ay lumapit si Ybarro kay Amihan at niyakap niya ito. Napakasakit ng makita kong siya pa ang yumakap kay Amihan, ngayon ay kasing linaw na ng tubig lahat, sila ay may ugnayan at sila ay nagmamahalan ng lubusan. Hindi ko kinaya ang mga panyayari kaya ako ay napaupo habang pinagmamasdan silang nagyayakapan at tila pinapakalma pa ni Ybarro si Amihan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na isigaw ang aking nais na ipahayag sa kanila. "Decan!" ang aking naisigaw dahil ito ang katotohanan na pinagtaksilan nila ako! Ako ay sumigaw "Mga taksil kayong dalawa, Pashnea! Isinusumpa ko na kayo ay aking kinasusuklaman kailanman!" at ako ay lumisan papuntang Adamya dahil doon ko lamang matatagpuan ang pag-iisang aking nais.
Amihan's POV
Nagyakapan kami hanggang narinig namin si Alena na sumigaw ng "Decan!" na ang ibig sabihin ay taksil ang tingin siya sa amin, at sinundan niya pa ito "Mga taksil kayong dalawa, Pashnea! Isinusumpa ko na kayo ay aking kasusuklaman kailanman!" Ako ay nagulat at sobrang nalumbay ng aking mga narinig ang kanyang mga isinambit. Sa tingin ko ay nasugatan ako ng malubha at malapit nang maalisan ng hininga dahil sa pagkamuhi niya sa akin.
Ybarro's POV
Aming narinig si Alena na sumigaw na taksil daw kami at kami ay kinasusuklaman niya. Ako ay nabigla at tila ako ay nakaramdam ng bigat ng loob dahil sa kanyang mga isinambit. Kami ay nakita niya ni Amihan na nagyakapan at iba ang naisip niya, ngunit ito ay may halong katotohanan. Ako ay sobrang nabahala sa mga nangyari at ako ay napaupo na lamang. Aking dinamayan si Amihan at pareho kaming pinakalma ang isa't isa. Hindi ko malaman ngunit nabawasan ang aking pagdadalamhati ng makatabi ko si Amihan. Ano ang ibig sabihin nito? Mas higit ko na ba siyang mahal kaysa kay Alena? Hindi ko ito malaman ngunit iyon ang aking nadarama. Akin siyang inalok na matulog muna kami sa ilog dahil hindi niya pa kayang bumalik sa Lireo at hindi ko pa rin kayang makita ako nila Ama na nagdadalamhati ako ay kumuha ng ipangsasapin sa higaan namin at sa kabilang dulo siya natulog at ako naman ay malapit sa isang tipak ng bato.
Amihan's POV
Pinakalma namin ang isa't isa at tila ako ay napapaklma niya, sa tingin ko ay ito ang aking nadarama para sa kanya. Ako ay inanyayahan niyang matulog at natulog ako sa isang sulok ng ilog at siya ay natulog malapit sa tipak ng bato.
Alena's POV
Napakaraming adamyan ang aking natagpuan, ngunit hindi ko natagpuan doon ang aking nais na mapag-isa kaya't ako ay bumalik sa ilog at inasam na umalis na sila roon. Ngunit sila ay aking natagpuan na roon humimbing at ako ay nainis pa roon, ako ay pumunta sa Sapiro at inasam na roon ko matatagpuan ang nais kong mapag-isa.
Danaya's POV
Sila ay hindi pa bumabalik sa palasyo, o si Amihan ay hindi pa bumabalik sa palasyo. Nagpaalam akong sundan sila ngunit hindi pumayag si Aquil. Kanyang sinabi sa akin "Mahal na Sang'gre Danaya, hayaan mo muna ang dalawa na mapag-isa dahil iyon ang nais nila. Ako na lamang ay napaisip sa mga naging kaganapan at nagkaroon ako ng kakaunting pagkasuklam kay Amihan sa pagkakaroon niya ng ugnayan kay Ybarro.
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanficDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...
