Kabanata 9: Misyon

1K 32 4
                                    

Amihan's POV

Pagkamulat ko ay nakita ko ang isang lupain na napakawalak at maaliwalas ang hangin. Ako ay nagtaka kung nasaan ako at kung bakit ako mag-isa. Inalala ko ang mga nangyari, ako ay nasaksak at pumanaw. Sinubukan kong ilabas ang aking brilayante ngunit wala ito, tunay ngang nawalan na ako ng buhay. Sa lupain na ito ay wala akong makitang nilalang. Habang ako ay naglilibot ay naalala ko si Alena, hindi man lang ako tuluyang nagkapagpatawad sa kanya. Habang iniisip ko ang mga ito ay biglang dumating ang isang nakagintong kalasag at may mukhang nagliliyab at napakaliwanag. Nakasisigurado ako na siya si Emre, akin siyang nilapitan at sinabing "Mahal na Emre, sasamahan niyo na po ba ako papuntang Devas?" Sinagot ni Emre ang aking tanong "Sa mga sandaling ito ay ihinahanda na ng iyong ina at mga apwe ang pagluluksa sa pagkamatay mo, ngunit ako ay walang ipapadalang mga retre sa labi mo." siya'y aking tinanong "Ano pong ibig sabihin ng hindi kayo magpapadala ng mga retre, ngunit paano po ako makakapunta sa Devas? At sino po ang hahalili kay ina lalo pa't ako ang nagwagi?" isinambit ni Emre ang mga bagay na ito "Amihan, kaya kita hinayaang mapaslang dahil ikaw ay may misyon na kailangang gawin, at may mga katanungan ka rin sa akin tungkol sa iyong nararamdaman. Ang katanungan sa iyong mga nararamdaman ay masasagot na sa isang iglap ngayon. Ngunit ikaw rin ay mayroong misyon na dapat gampanan na iyong makikita maya-maya. Ngunit alam kong ika'y naguguluhan, ngunit ang iyong misyon at katanungan ay may isang sagot." Ako ay lubos na naguluhan kaya't aking sinabi "Emre, ako po ba ay inyong bubuhayin muli?" at kanyang isinagot "Oo, Amihan, kaya't paalam na at maya-maya'y gising ka na" at nawalan ako ng paningin."

Ybarro's POV

Sa aking pagtulog ay nagkaroon ako ng isang panaginip. Nakita ko si Amihan sa panaginip na iyon at siya'y aking nilapitan. Binati ko siya ng "Avisala, Sang'gre Amihan" at patuloy akong naglakad patungo sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Nagdikit ang aming mga palad at akin siyang pinunlahan. Patuloy naming ginawa ang pagpupunla, aking unti-unting iginalaw ang aking kamay mula sa ibabang bahagi ng kanyang baraso papuntang kanyang kamay. Ito ay aking hinawakan at ipinatong ko ang aking isa pang kamay sa magkahawak na kamay namin. Kanya namang ipinatong ang kanyang isa pang kamay sa aming magkakapatong na kamay at iyon ay aking hinalikan. Nagpatuloy lang iyon hanggang sa ako ay magising.

Ako ay nagising na nabigla sa aking napanaginipan. Nalungkot dahil muli ko na naman siyang naalala, ngunit bakit ganoong panaginip, tungkol na naman sa amin, at ngayo'y ang tradisyon ng mga diwatang pagtatalik. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito ngunit inisip kong mas sinasaktan lamang ako ni Emre. Ngunit sa pagkakaalam ko na ang mga dugong bughaw lamang ang maaring makaranas ng ganoong mga pangyayari, o panaginip. Ngunit ako ay isang mandirigma lamang, wala akong karapatan na magkaroon ng panaginip na ganoon. Ako ay nabigla sa pangyayari kaya't aking itinanong kay ama sa aking paglabas sa aming silid "Ama, ano ba ang aking pinagmulan?" at siya nanahimik at nginitian na lamang ako. Ako ay lumisan sa kagubatan para kumuha ng mga prutas.

Amihan's POV

Naramdaman ko ang aking puso na muling tumibok ulit ngunit ako ay tulog pa noon. Ako ay nanaginip. Nagtalik kami ni Ybarro sa panaginip na iyon, ngunit ako ang nagwagi sa pagsubok kaya't ako na ang namamahala sa Lireo ngayon kung hindi ako napaslang, kaya't ito ay aking napanaginipan. Hindi ko batid kung ano ang ibig nitong ihayag sa akin. Ano ang aking misyon at ang kasagutan sa aking mga katanungan.

Ako ay nagising nakapalibot ang marami sa akin. Napahinga ako ng malalim. Ako'y nagulat sa aking nadatnan ngunit sila ay sumigaw ng "Hasne Ivo Live, Amihan!" at ako ay bumangon mula sa aking pagkakalatay. Hinawakan ni Alena ang aking mukha at niyakap niya ako, mukhang ako ay napatawad na niya at lubos ko itong ikinasaya. Sumunod si Danaya at si ina. Sabi ni Danaya "Kaya pala't walang sumusundong retre dahil ikaw ay muling mabubuhay."  at ako ay ngumiti sa kanyang sinabi." muli silang sumigaw ng "Hasne Ivo Live, Amihan! Hasne Ivo Live, Encantadia!" Muling ipinagkaloob ni ina sa akin ang brilyante ng hangin at sila ay pumalakpak. Hindi naglaon ay umalis rin ang mga tao sa palasyo at iniwan muna nila kami ni Alena para mag-usap. Napatunayan kong napatawad niya na ako at kami ay muling nagyakapan. Iniwan muna nila ako sa aking silid at bukas na bukas ay kokoronahan na ako bilang bagong pinuno ng Lireo. Ako ay nagpahinga ng saglit at inisip ang nangyari kanina, batid kong iyon ang misyon at kasagutan ngunit ano ang ibig-sabihin nito? Aking tinawag si ina kung ano ba ang mga nagaganap sa reyna. Kanyang isinambit sa akin ang sagot at ako ay nakinig mabuti "Sa pagiging reyna, hindi ka maaring mag-asawa ngunit ikaw ay puwedeng magkaanak katulad ko. Kayo ng engkantadong may dugong bughaw na napili ni Emre ay makakatagpo mo sa panaginip at doon kayo bubuo ng anak. Pagkalipas ng ilang oras pagkagising mo ay may tanda na babakas sa iyong palad. Marami pang responsibilidad ang pagiging reyna kaya ikaw ay maghanda mabuti, anak." Ako ay nabigla roon sa sinabi ni ina na sa panaginip magtatagpo ang inilaan ni Emre para sa iyo, at ito rin ay dugong bughaw. Dahil sa di ako makapaniwala sa mga nangyayari ako ay nagpaalam na magtungo sa ilog dahil doon ko matatagpuan ang katahimikang aking nais. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon, ang aking misyon ay tukuyin ang nawawalang dugong bughaw o ang prinsipe ng Sapiro, at ang kasagutan sa aking tanong ay dahil sa misyon na ito. Biglang may bumakas na tanda sa aking palad, mukhang ito na ang tanda at kasagutan. Ako ay may tagapagmana na, at ang minamahal ng aking kapatid ang ama. Ngayon ay hindi ko na pinipilit na ako ay may kasalanan nito dahil ito ay ang binigay na misyon ni Emre. Mabigat man sa kalooban ay ito ay aking tinanggap na lamang.

Ybarro's POV

Habang nasa daan para pumitas ng prutas ay napadpad ako sa ilog at nakita ko si Amihan. Aking sinigurado na hindi ako nananaginip at hindi nga. Ako ay nagulat dahil siya ay pumanaw na. Tiniyak ko ulit na siya si Amihan at siya nga. Nakita ko na may lumabas na tanda sa kanyang palad. Sa pagkakaalam ko ay sa mga dugong bughaw ay ito ang palatandaan na sila ay nagdadalang-diwata. Ngunit ako pa rin ay nagtataka kung paano siya nabuhay muli lalo na't naipasa niya sa kanyang ina ang brilyanteng hawak niya, at ako rin ay nababahala dahil sa napanaginipan ko kanina dahil tugma ang aking panaginip at ang nakita kong tanda sa palad ni Amihan. Sa aking sobrang pagkabigla ay bumalik na ako sa amin. Sa aking daan pabalik ay may mga nakasalubong akong mga hathor at akin silang kinalaban.

YbraMihan | Worth The WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon