Ybarro's POV
Ako ay pinabalik na ng Reyna kung saan kami nagtipon-tipon, ako ay nababahala dahil nakita ko si Amihan na umiiyak kahit itinatago niya pa ito. Wala rin si Alena. Ako ay nagtanong, "Nasaan si Alena?" sagot ni Amihan "Nag-alsa balutan" habang umiimik, aking isinambit "Ngunit bakit siya maglalayas lalo pa't siya ang pinakamasyang tao sa araw na ito?". "Itanong mo sa kanya kung siya ay iyong matatagpuan" kanyang mga sinabi sa akin. Ngunit nakakapagtaka, nagkaroon ba ng alitan ang dalawa?, dahil sa aking kaba sa nangyayari ay aking inimbita ko si Amihan upang makipag-usap sa akin ng kaming dalawa lamang, siya ay pumayag at kami'y pumunta sa isang sulok ng palasyo para roon ay mag-usap. Itinanong niya sa akin "Anong dahilan at nais mo akong makausap?", ito ay aking sinagot "Bakit ka umiiyak, Sang'gre at nawawala si Alena? May nangyari ba?" kanyang isinambit sa akin "Alam mo na tiyak ang sagot, hindi pa ba iyon halata na umiiyak ako at nawawala siya?". Ako'y nababahala na sa mga pangyayaring ito kaya't aking itinanong kung ano ang dahilan ng kanilang alitan "Ano't nagkaroon kayo ng alitan, mahal na Sang'gre? Nais kong malaman dahil ako ang kasintahan ni Alena." Kanyang isinagot "Sundan mo ang hangin na aking inutusan para itungo ka kay Alena at doon ay matatagpuan mo siya. Sa kanya ka magtanong lalo pa't sa kanya ka pinaka nagtitiwala." Si Amihan ay umalis at sinundan ko ang hangin na gawa niya, ngunit ng sinundan ko iyon ay may mga kawal na nagbabantay sa pintuan, ito marahil ang kwarto ni Alena. Aking sinabi sa mga kawal "Mga kawal, maari niyo ba akong papasukin? Ako ay may pahintulot galing kay Sang'gre Amihan." ako ay hinayaan nilang makapasok at doon ay nakita ko si Alena na umiiyak."
Alena's POV
Hindi pa rin ako nakakalimot sa nangyaring pinagtulungan ako ng aking Ideya at Ada. Narinig ko ang boses ni Ybarro, ako nalang ay nanalig na hindi siya pumasok, ngunit narinig ko ang pangalan ni Amihan sa kanyang mga isinambit, ako ay mas lalong naluha pa dahil siya ang dahilan kung bakit ako nagmumukmok dito. Ako ay nakita ni Ybarro na lumuluha. Tinanong niya ako "Bakit ba nagkaalitan kayo ng iyong ideya?" aking isinambit "Dahil hindi sila pabor sa iyo bilang aking kasintahan, at si Amihan, siya ang nagsabi sa akin ng mga iyon." Kanyang isinambit "Ngunit bakit nila iisipin iyon?" aking isinagot "Hayaan mo nalang ang tubig ang magpaliwanag sa iyo"
Nang makita niya lahat ng pangyayari, sinagot niya ako "Kaya ako umaalis dahil sa bilis ng tibok ng aking puso dahil nararamdaman kong- aking sinundan "Mahal na mahal mo ako? Ngunit bakit ka umalis?" kanyang sinagot ang aking katanungan " Alena, patapusin mo muna ako, ako ay umalis dahil nararamdaman kong may peligrong paparating, ngunit nang ako'y nagmatyag sa labas ay wala niisang senyales ng kalaban, kaya ako nanahimik, dahil inisip ko kung bakit ako nakaramdam ng ganoon, hindi naman siya ugnay sa iyo." ako'y nagtaka kung bakit ang bilis ng tibok ng kanyang puso, alam kong sa aming mga engkantado, tatlo lamang ang ibig sabihin nito, una, may sakit ka sa puso, pangalawa, ika'y nahulog at nagmahal na, pangatlo, may peligrong paparating. Ngunit hindi raw ito ugnay sa akin at napakakisig niya para magkasakit sa puso at wala namang niisang senyales ng peligro, kaya't siya ay aking itinanong "Ano kaya marahil ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng iyong puso? Ikaw ba ay nahulog na sa iba?" Kanyang mga sinabi "Ano ang dahilan at naisip mo iyan?" aking isinambit "May napusuan ka bang iba?" Kanyang mga sinabi lamang "Alena, ikaw ang nag-iisa kong mahal" Akin nalang hiniling na umalis siya at dumating naman si Danaya, "Ano ang ginagawa mo rito? Maari ka bang umalis? Nais kong mapag-isa" Kanyang sinabi "Alena, may punto si Amihan at si Ynang Reyna" ako'y nainis kaya't siya ay aking sinigawan "Sinabi nang iwanan mo ako!"
Ybarro's POV
Nag-usap kami ni Alena at nakita ko ang mga pangyayari, ako ay nagpaliwanag kung bakit ako umaalis at tumahimik, dahil bumilis ang tibok ng aking puso, kanyang itinanong "Ano kaya marahil ang dahilan ng pagbilis ng iyong puso?" Ako ay kinabahan ng sinabi niyang "Ikaw ba ay nahulog sa iba?" Dahil baka nga nahulog na ako sa iba, at mukhang alam ko na kung kanino, para makatakas sa aking sitwasyon sinabi ko kay Alena na "Ano ang dahilan at naisip mo iyan?" at tuloy ang kanyang katanungan na "May napusuan ka bang iba?, para kami ay di na mabahala aking sinabi "Alena, ikaw ang nag-iisa kong mahal" Pinaalis niya ako, ako ay nanatili sa labas, ilang minuto palang akong nasa labas ay tila sumigaw siya kaya't nabingi ako ng saglit, dahil ang kanyang boses ay makapangyarihan".
Ako ay lumisan papunta sa kuta namin, at inisip ang mga nangyari sa akin. Bakit tila nahulog ako kay Amihan, ngunit labag ito sa aking kalooban at sa kalooban ng lahat, ako ay may sinisinta at hindi maaari ang nangyayaring ito, ngunit hindi ko na mapigilan.
Amihan's POV
Ako ay inimbitahan ni Ybarro para mag-usap kaming dalawa, wala siyang ibang bukang-bibig kundi ang nangyari. Ako ay takot na magsabi lalo na baka madulas pa ako, tila bumibilis ang tibok ng aking puso, kaya't inutusan ko nalang ang aking brilyante na itungo siya kay Alena, ako ay nagtaka dahil wala namang peligro at wala namang akong sakit sa puso, di kaya ako ay nahulog sa kanya? Di dapat magpatuloy ang aking nadarama.
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanfictionDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...
