Amihan's POV
Pahimbing na ako, akin na namang nadama ang mga nangyari sa akin kagabi, hindi ko na naman siya maalis sa aking isip. Napag-isip-isip ko na tila ako ay nahulog na sa kanya, hindi ko ito napigilan, at mas lalong di ko na ito nahabol nang tinulungan niya ako kanina. Aking napag-isip-isip na kung hindi sila ni Alena at kami nalang, papayag ba ako maging reyna? Tumigil ka Amihan, masyado na malalim at di tama ang iniisip. Mas pipiliin ko ang Lireo kaysa sa isang lalaking pagmamay-ari ng iba.
Alena's POV
Ako ay tumakas sa Lireo upang makipagkita sa aking mahal. Ako ay tumungo sa kanya at siya ay aking kinausap. Sinabi ko sa kanya ang balitang pipili na ang aming ina ng hahalili sa kanya. Aking sinabi "Ybarro, pipili na ang aming ina bukas, ngunit gusto ko maging reyna, at gusto ko ring mapangasawa ka, paano na ito?" kanyang isinagot "Alena, kung ano ang tadhana ay iyon ang ating susundin kaya huwag ka na mabahala, ang Bathlang Emre na ang bahala." Kami ay nag-usap pa nang kaunti tungkol sa mga nangyayari sa amin, ngunit kitang-kita ko sa mata ni Ybarro ang kaba at paglilihim, kaya't siya ay aking tinanong "Bakit tila ika'y mukhang kinakabhan at may inililihim sa akin?" kanyang sinabi "Alena, wala! Katotohanan ang aking mga sinasabi!" Pinabayaan ko na lamang siya ngunit alam ko parin na may inililihim siya sa akin. Ako ay nagpaalam sa kanya at bumalik na sa Lireo at naghimbing.
Ybarro's POV
Binisita ako ni Alena, ibinalita niya sa akin ang pagpili sa isa sa kanilang magkakapatid upang humalili bilang isang reyna. Kanyang sinabi sa akin na gusto niya maging reyna ngunit gusto rin niyang ako ay mapangasawa, ako ay nag-alangan lalo na't may nararamdaman ako kay Amihan at baka masira ang ugnayan namin ni Alena dahil hindi niya pagmamay-ari ang aking buong puso. Ako ay dumepende sa tadhana dahil hindi ko alam ang aking kapalaran, maaring ako ay tuluyan ng mahulog kay Amihan. Nagpaalam siya sa akin at naisip ko na naman siya, sinusubukan kong di ito mangyari ngunit hindi ko siya maalis sa aking isipan. Laging naaantala ang aking tulog, dahil sa kanya.
Amihan's POV
Kinaumagahan, ako ay nagising, napanaginipan ko siya, kami ay nagkakahulugan sa isa't isa, bakit ito nangyayari? Anong kamalasan ito? Bakit labag sa kalooban ng nakakarami ang ipinapahayag ng aking panaginip? Hindi ko maitatanggi, oo, nahulog na ako, ngunit sinusubukan kong hindi ipakita ang mga pasa na aking natamo sa aking pagkakahulog. Ako ay nanalig kay Bathlang Emre para ipaliwanag ang mga kaganapang ito.
Ybarro's POV
Paggising ko ay kinabahan na naman ako dahil muli ko na naman siyang napanaginipan, katulad parin ng kahapon ngunit iba ang pangyayari, kami ay nasa isang napakakipot na tulay at doon ay muntik na siyang mahulog ngunit siya ay aking sinagip. Ako ay nababahala na sa mga nangyayari sa akin, bakit ako ay unti-unting nahuhulog kay Amihan, sa realidad at sa panaginip. Ano ito! Sinusubukan ko mang pigilan ay ang aking damdamin ang pumipigil sa aking ginagawang tama.
Amihan's POV
Ako ay nanatili sa aking silid buong araw dahil sa pag-iisip ng mga kaganapan at mga magaganap, ako'y nababahala sa nangyayari sa aking damdamin. Para makalimutan ngayong araw si Ybarro ay inisip ko nalang ang pagsubok mamaya. Ngunit sa pag-isip ko sa pagsubok ay pumapasok parin siya sa aking isipan. Ako ay talagang nababahala, ito ang aking nadama hanggang kumagat ang dilim.
Kami ay pinapunta na roon sa lugar sa palasyo kung saan kami magtitipon-tipon ng mga kawal, tagapayo, at ng aking mga kapatid. Nagmalaki si Pirena at dumating na ang aming makakatunggali, siya ay nakakulay puting kasuotan, aking itinanong "Kilala ka ba namin?" at si Pirena ay nang-insulto kay Danaya at Alena. Kami ay ipinakilala sa konseho, at nang ako ay ipinakilala ay ipinakita ang labanan namin kahapon, nakita nila na tinulungan ako ni Ybarro at nagyakapan pa kami roon sa ipinakita. Ako ay nabahala kaya't aking sinabi "Alena, huwag mong sundin ang iyong iniisip dahil hindi iyan ang nangyari." kanyang sinabi ng lumuluha "Maliwanag na sa akin ang lahat, may namamagitan sa inyong dalawa!" aking sinubukan magsalita "Alena, siya ay nasa dalampasigan, nang ako ay atakihin ng mga nilalang, at kusa siyang nagpakita at tinulungan niya ako, nagpasalamat ako kaya't niyakap ko siya." Hindi siya naniwala "Sinungaling!" at kanyang itinapat ang kanyang espada sa akin. Ako ay nakiusap na itigil niya na ito at pinigilan rin ng aking mga kapatid si Alena, kaya't ng aatakihin niya na ako ay sumigaw si Imaw ng "Ivictus, mahal na Sang'gre" at iyon ang aking ginawa.
Alena's POV
Dadaan na kami sa pagsubok, sana ay gabayan ako ni Emre dito. Ako ay naghanda saglit at nag-usap-usap kaming magkakapatid habang dumating na ang aming makakatunggali, nang ipinakilala na kami, si Amihan ang kasalukuyang ipinapakilala, at doon ay nakita ko na tinulungan siya ni Ybarro at niyakap niya pa ito. Naliwanagan na ako, kaya bumilis ang tibok ng puso ni Ybarro. Ako ay nagalit sa kanya at siya ay aking inaway, at nang tumakas siya gamit ang kanyang Ivictus, ako ay napasigaw "Pashnea!" at ako ay naglayas papuntang ilog para mapag-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/91269994-288-k382319.jpg)
BINABASA MO ANG
YbraMihan | Worth The Wait
FanfictionDate Created: Nov. 26, 2016 Avisala mga Encantadiks! Ako gumawa ng isang storya tungkol sa YbraMihan. Ito ang storya ng dalawang Engkantado na nahulog sa isa't isa kahit sila ay nakakulong na sa isang puso. Hanggang kailan kaya sila maghihintay pa...