Ruby:
Maaga akong nagising dahil kailangan ko ng pumasok sa opisina ko. May meeting mamayang 1pm kaya kailangan kong pumunta.
"Mam nandiyan na po ang mga investors." Sabi sakin ng assistant kong si Jane. Si Jane ang dating Secretary ni Jacob at ng ako na ang bagong may ari ng kompanyang to ay ginawa ko siyang personal assistant.
"Sige pakisabi susunod na ako."
Tumango ito at lumabas na sa opisina ko.
Di ko maisip ngunit bakit si Jacob padin ang iniisip ko? Nahihibang lang ako.
...
Jacob:
"Bakit ako pa ang CEO's representative mo Nikko? Bakit hindi nalang iba?" Sabi ko kay Nikko dahil alam kong ako ang papupuntahin niya sa meeting.
Makikita ko nanaman si Deviree. Hindi ko alam kung papano haharap sakanya matapos ang gabing may nangyare samin.
Hindi lang isa , dalawa, tatlo o apat to dahil paulit ulit ng paulit ulit na may naganap saming dalawa.
Napaupo ako habang hinihilot ang noo ko habang si Nikko na ang boss ko ay nakatayo at nakatingin lang sakin.
"Kailangan mong pumunta Jacob dahil ikaw ang Secretary ko."
Wala naman akong magawa dahil siya naman talaga ang boss ko.
"I know mahirap Jacob. Kahit ako ng makita ko si Ms. Shantal lubos akala ko rin na si Ruby ito."
Nakikinig lamang ako habang nagsasalita siya.
"Pero hindi siya si Ruby Jacob ibang tao siya."
Napatayo na ako at napatingin kay Nikko.
"Alam ko nahihirapan kang tanggapin ang lahat. Malalagpasan mo rin to. Kung talagang mahal ka ni Ruby kusang darating ito para sayo." Napaisip ako sa sinabi sakin ni Nikko.
Oo nga kung talagang mahal niya ako dapat noon pa bumalik na siya sakin.
Agad namang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ng ama ni Ruby na may iba na itong mahal.
Napangiti nalang ako ng mapakla at umiiling.
Mukhang wala na ngang pagasawa. Mukhang nakalimutan na nga ako ng mahal ko.
"Tama ka Nikko. Mukhang kailangan ko ng mag move on."
Nakakalungkot isipin na hindi man lang ako binigyan ng asawa ko ng pagkakataong makapagpaliwanag sakanya.
(Flashback)
Jacob:
"Pano naman ako Jacob? Paano kami ng anak mo? Kailangan ka namin.
Mahal na mahal padin kita please bumalik kana sakin."Ano bang nangyayare sa babaeng to? At ngayon umiiyak na siya habang nakayakap sakin.
"Bianca please nahihirapan nadin ako. Akala ko ba napagusapan natin to? Ang bata lang ang pananagutan ko Bianca hindi ikaw." Hindi ko naman talaga siya maaaring panagutan dahil mahal na mahal ko ang asawa ko.
Akala ko ay naintindihan na niya ako dahil bumitaw na siya sa pagkakayakap. Ng bigla pa siyang magsalita.
"Hindi mo naba ako mahal Jacob? Oh c'mon apat na taon Jacob. Apat na taon tayong nagmahalan hindi ako naniniwalang wala ka ng nararamdaman para sakin. Ikaw ang una ko alam mo yan. Ako din ang una mo. So please answer me?"
What? May gana pa siyang sabihin yon? Nababaliw naba ang babaeng to? Mahirap na kapag di ko pinili ang sasabihin ko baka mapahamak ang anak ko.
"Kung wala ba si Ruby ako pa din ba Jacob? Please answer me. Yes or no?"
Nahihibang na ata ang babaeng to. Kahit naman wala si Ruby ay hindi ko na pipiliin to lalo na at nalaman kong may relasiyon sila ng ama ko. Tsk ang slut talaga pareho niya kaming inakit ng ama ko. Di ako tanga Bianca alam ko ang baho mo.
Kung hindi lang to buntis ay baka napagbuhatan ko na ito ng kamay. Nakatitig lamang ako sa maruming babaeng ito.
"Yes or no? I'm waiting." Dagdag pa niya.
Tsk mukhang mapapasubo pa ako.
Magsasalita na sana ako ng magsalita nanaman ulit ang nakakasukang babaeng to.
"Ako parin ba Jacob? Yes or no?"
Yes ikaw padin dahil gustong gusto na kitang patayin ng mga oras na to. Ikaw padin ang babaeng kinasusuklaman ko matapos mo akong lokohin. Nasabi ko sa loob ko.
"Yes." Sabi ko at dudugtungan ko pa ito ng makita ko nalang na biglang tumakbo si Ruby papalayo.
"Fuck not now my Wife." Nasabi ko habang hinahabol si Ruby at nakapasok na agad ito sa sasakyan niya at pinaharurot ito.
Hinabol ko siya ngunit agad nalang siyang nawala.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw ako ng sigaw sa loob ng kotse ko habang hinahagpas ko ang manibela ko.
Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number niya. Nag ring ito ng nagring hanggat sa di ko na siya macontact pa.
"Putang ina mo Bianca!" Sigaw ko habang nasa loob lamang ako ng kotse at hinahampas hampas ang ulo ko.
Agad akong umuwi ng mansiyon at tuwang tuwa si Bianca na salubungin ko.
"Magsimula tayo muli Jacob. Tutal wala na si Ruby wala ng manggugulo. Tsaka sabi mo naman kanina diba mahal mo padin ako."
Naginit ang ulo ko sa sinabi niya.
"Fuck you! Ang sabi ko ay "yes." Hindi mo ako pinatapos. Galit ako sayo dahil alam ko ang baho mo at pinagsabay mo pa talaga kami ng ama ko! Gago ka! Wag mong binibilog ang ulo ko! Akala mo ba nong mga panahong nasa business trip ako sa Europe at naiwan ka sa bahay ko ay wala akong alam? Alam ko Bianca! Alam na alam ko ang ginagawa mong kababuyan! Sinend sakin ni Jonas (assistant ni Jacob) lahat ng mga sex video niyo ni Dad. Nakakadiri ka alam mo yon? Sukang suka ako sayo! Ang dumi dumi mo may sakit kana ata eh! Nakakadiri ka! Nakakadiri!"
Sinampal niya ako ng malakas matapos ang sinabi ko.
"How dare you!"
"No. How dare you?!" Pabalik na tanong ko sakanya.
"At oo nga pala, yes ang sagot ko pero hindi dahil mahal padin kita. Dahil di ka naman siguro tanga o bobo diba? Alam mo naman siguro na ang reyna ko na si Ruby ang kinababaliwan ko at mahal na mahal na mahal ko higit pa sa buhay ko at sa pesteng pagmamahal ko sayo noon. YES ang sagot ko dahil oo gusto kita Bianca, gustong gusto kitang patayin!"
"Pasalamat ka nalang at buntis ka. Pero eto ang tatandaan mong hayop ka dahil sa oras na malaman kong ginagago mo nanaman ako at hindi talaga ako ang ama niyan at lalong lalo na sa oras na malaman laman ko na may nangyareng masama sa magina ko maghanda kana. Dahil papatayin kita!"
Pagkasabi ko ay agad akong umakyat ng hagdaan paakyat at naiwan siyang luhaan habang nakaupo sa sahig. Wala akong pakealam sakanya dahil nababaliw ako kakaisip kung papano ko mahahanap ang asawa ko.
(End of flashback)
______________________________________
Hi guys! Ayan alam niyo na ang side ni Jacob at kung ano ba talaga ang meaning ng "yes" na sagot niya kay Bianca. Ano kaya ang mangyayari sa susunod? Please keep on voting and comment! Abangan ang susunod ahahahahha!
Author
BINABASA MO ANG
Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔
RomantikLOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamuhi at puot sa puso at uhaw na uhaw sa pag hihiganti. Labis labis ang pagkagalit nito sa asawa niyang...