CHAPTER 7

13.4K 340 31
                                    

Ruby:

Kinaumagahan...



"Hi good morning."




"Anong ginagawa mo dito?"




Nakita ko si Jacob na naglilinis ng buong mansiyon at ngayon ay nasa kusina ito at nagluluto.




"Pinagsisilbihan ka." Nakangiting sabi niya.



Inirapan ko siya at naupo na ako para kumain.



"Pagkatapos mo diyan linisin mo kuwarto ko." Walang emosiyon kong sabi sakanya.



Ngumiti naman ito at sumunod sakin.




What's with him? Naiinis lang ako lalong makita siya. Talagang paninindigan niya ah well humanda siya.




Matapos kong kumain ay umakyat na ako aa kuwarto ko. Nakita kong malinis na ito at wala na si Jacob. Nagtungo ako sa banyo at tulad ng inaasahan ay malinis na ito. Kaya naman naligo na ako.




Pagkatapos kong maligo ay ginlulo ko ulit ang kuwarto ko. Pati ang banyo na talagang magulong magulo.




Nagayos na ako ng sarili at nagbihis na pang opisina.



Bumaba ako at nakita ko siyang naglilinis padin ng sala. Ngayon ay nag mamop na siya.


Kumuha ako ng orange juice at uminom. Di ko naubos ito at itinapon ko sa sahig kung san siya nagmamop.




"Ops sorry ulitin mo nalang." Sabi ko.



Ngumiti lamang ito sakin at nagtungo sa kusina para hugasan ang mop na dala niya.



"At oo nga pala Jacob pakilinis ulit ng kuwarto ko ah magulo e bilisan mo diyan wag pakupad kupad." Sabi ko at tuluyan na akong umalis.




....

Pumasok na ako sa opisina na walang ngiti sa mga labi ko kaya iniiwasan ako lahat ng mga empleyado ko. Alam nila kung paano uminit at magalit ang isang tulad ko.


Naiinis ako bakit ba ang bait niya? Si Jacob ang tinutukoy ko.



Hindi ako pwedeng maniwala sakanya. Alam kong pakitang tao lang ito. Poor Jacob papahirapan pa kita kaga humanda ka.



Napangiti nalang ako habang inaasikaso na ang mga gagawin sa opisina. Maya maya pa ay tinawagan ko si Nikko dahil nakaisip nanaman ako ng plano.

....

"Okay clear I'll send him to your company tomorrow."



Kinuha ko si Jacob bilang assistant ko. Hindi para mapalapit dito kundi para pahirapan to.



Natapos ang buong araw ko sa trabaho at nagsimula na akong umuwi.



Habang nagdadrive ako ay naisip ko nanaman siya kung paano nga ang ginawang linis niya sa bahay ko. Because knowing him hindi siya marunong maglinis.




Nakauwi na ako ng mansiyon.




Napaupo ako sa malaking sofa ng bahay at initaas ko ang dalawa kong paa sa table at nasandal.



Napapikit ako ng ilang minuto ng maramdaman kong may nagmamasahe sa paa ko.



Nagulat ako ng makitang siya. Siya nanaman.



Inilayo ko ang paa ko at nagsalita.




"Ikaw? Bakit nandito kapa? Maaga kang pupunta dito bukas dahil lilinisin mo itong mansiyon ko kaya umuwi kana."




"Okay lang maaga padin akong papasok dito bukas wag kang magalala." Ngumiti ito at kinuha nanaman ang paa ko at minasahe.




"Puwede ba umuwi kana? Kasi gusto ko ng magpahinga."




"Okay lang saglit nalang to gusto ko din gumaan ang pakiramdam mo."




"Pwes lalo lang bumibigat at nabubwiset ako dahil nakikita ko pa yang pagmumukha mo kaya alis! Lumayas ka sa paningin ko!"




Tila nagulat siya sa sinabi ko at bahagyang nalungkot ang mukha. Ngunit ngumiti parin siya kahit na bakas ang kalungkutan sa mga mata.




"Sige Ruby tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng katulong." Nakangiti niyang sabi at nagsimula ng tahakin ang daan palabas ng bahay.




Shit bakit ako naaapektuhan? Bakit nasasaktan din ako pag nakikita siyang malungkot? Hay huwag kang magpapadala Ruby magaling lang mag umarte yan.




Umakyat na ako ng kuwarto para magpahinga.



May nakita pa akong sticky note na nakalagay sa table ko at galing sakanya.




"Sweet dreams my Wife I love you."


Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tila hindi tama ito dahil sa naramdaman kong pumatak ang mga luha ko.




Pilit kong inaalis siya sa isip ko kaya pinunit ko na ang papel at nagbihis na ako ng pantulog para makapagpahinga na.

....

Kinabukasan ay ganon ulit ang eksena.



Naabutan ko siyang nag luluto sa kusina habang naka longsleeve na itong pampasok.




"Buti gising kana. Tara kumain kana."




Pinagsilbihan niya ako at ngumiti ito.




"Umalis ka sa harap ko." Walang prenong sabi ko. Ngumiti lamang ito at akmang aalis na ng magsalita ako.





"Ano ba tong niluto mo hindi masarap nakakasuka ang lasa." Itinapon ko sa sabig ang sinangag at sausage pati narin ang itlog na niluto niya.





Nakita kong nakatitig lamang ito sa baba at malungkot nanaman ang mga mata.



"Linisin mo yan. Sa labas na ako kakain wala ka pading pinagbago. Wala ka na ngang kwenta pati sa pagluluto wala ka pading silbi." Sabi ko sakanya.



Ngumiti naman siya at nagsalita.




"Pasensiya kana yan lang ang nakayanan ko. Sige lilinisin ko na yan at magaaral na ako para naman may kwenta na ako." Dahan dahan siyang kumuha ng walis at sinimulang linisin ang kalat.





Tama lang yan mahirapan ka. Wala kang kwentang tao. Puro puot at galit ang namayani sa puso ko. Nakita ko siyang may butil ng luha na pumatak sa kanang mata niya ngunit di ko pinansin ito at dinaanan lamang siya sabay tapon ng tissue sa nililinis niya. Bastos na kung bastos. Nararapat lang yan sa kagaya niya.







______________________________________

Hi guys please vote and comment. Abangan ang susunod na mangyayare:)

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon