CHAPTER 12

12K 331 13
                                    

Jacob:

"Baby bakit tahimik ka?" Bungad ko kay Lucy habang nakayakap sa likuran niya. Siya naman ay walang imik at nakatitig lamang sa malaking bintana.

Huminga ito ng malalim bago magsalita.


"Jacob tapatin mo nga ako. Bakit ayaw mo ako dalhin sa master bedroom ng mansiyon mo? Bakit dito pa sa katabing kuwarto? Yon ba ang naging kuwarto niyo ni Ruby?"



"Hey wag na nga natin pag usapan yan. Pagaawayan nanaman ba natin to?" Halos lagi kaming nagaaway sa pagiging paranoid ni Lucy.



"Tinatanong kita sagutin mo nalang para walang away."



Tinanggal niya ang pagkakayakap ko at humarap sakin.


"Ano? Bakit di ka makapagsalita diyan?"



Tila na pako ang dila ko ng mga oras na yon.



"Nakakainis." Rinig kong bumulong ito at ngumuso na parang bata.


"Shh baby wag kana mainis okay? Past na yon at di na dapat pang balikan."



"Kasi naman hanggang ngayon di mo padin ako inaaya magpakasal. Seryoso kaba talaga Jacob?"



"Lucy wag mo naman tanungin sakin yan so nagdadalawang isip ka pala kung mahal kita?"




"Ano pa nga ba? Di kapa nga nagpopropose."



Himinga naman ako ng malalim.




"Baby alam mo namang darating din tayo diyan diba?"



"Jacob tumatanda na tayo. 34 kana at ako 29 na tingin mo ba nagmamadali pa yon?"




Napaisip din ako sa sinabi niya. May balak din naman akong pakasalan siya ngunit di na muna sa ngayon dahil kailangan ko pang ayusin ang annulment.



"Alam mo naman kung bakit hindi pa pwede diba?"




"Oo nga yung annulment niyo nga pala." Walang buhay at lambing na sabi nito.



"Baby."


Ngumiti naman ito ng mapait.




"Okay lang baby makakapagantay naman ako jan. Basta ako lang ha?"
Paglalambing niya sakin at niyakap niya ako.




"Oo naman ikaw lang Lucy." Sabi ko na parang malamig nanaman ang boses ko.



Bakit ba ako nagkakaganto? Bakit parang may mali sa mga ginagawa ko?


Habang nakayakap siya sakin ay nag flash sa isip ko ang mukha ni Ruby. Ano nga ba ang mangyayare kapag muling nagkrus ang landas namin?




"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Pukaw sakin ni Lucy.




"Siya nanaman ba?"





"Huh? Baby wag na nga natin pagusapan yan syempre hindi. Bahagi nalang siya ng nakaraan." Madiin kong tanggi kahit na nagsisinungaling lang ako.



"Talaga?" Tumitig na sakin si Lucy.



"Oo bahagi nalang siya ng nakaraan na hindi na dapat buhayin pa kasi patay na ang nakaraang yon okay?"





Tumango tango naman ito habang nakangiti sakin. Nakahinga nadin ako ngaluwag dahil nawala na ang pagkaparanoid niya. Madalas kasi kami nag aaway dahil sa ugali niyang yon pero mabait naman si Lucy at ramdam ko na mahal na mahal niya ako kaya siya nagkakaganon.

....

Maaga akong bumalik sa kompanya ko at nag pa welcome party pa ang mga dati kong empleyado.


"Welcome back sir!"

"Yes bumalik na si Sir!"


"Hi Sir long time no see."


Mga ingay at mga pagbati sakin ng mga ito ngumiti na lamang ako at nag tuloy tuloy sa opisina ko habang sila ay nagkakasayahan sa labas.



Maya maya pa ay pumasok si Megan.



"Hay nako nagpawelcome party pa ako kung mag mumukmok ka lang dito."


"Not now Megan medyo sumama kasi ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko nalang.



"What?! Nako kuya bumalik ba ang sakit mo? T-teka tatawag ako ng doctor! Oh my God!"




Tsk eto nanaman siya sa pagiging OA niya. Di naman talaga masama ang pakiramdam ko at magaling na ako sa sakit ko noon na Leukemia. Himala nga at nabuhay pa ako.



"Pwede ba pagod lang ako at sumasama lang pakiramdam ko kapag nandito ka. Lumabas kana lang at marami pa akong aasikasuhin."




"Ewan ko sayo! Kahit kelan talaga ang cold mo kainis ka alis na nga ako che!"



Hay nako eto nanaman kami isip bata talaga ang isang yon kaya di ko lubos maisip kung bakit pinatulan ni Nikko noon yon.



Knock knock...




Come in.
Tipid na sabi ko.





"Hi good morning Sir eto na po pala ang mga files na hinihinge niyo."



Si Jane ang nagsasalita.



"Okay ilagay mo nalang diyan." Sabi ko habang nakatitig sa bintana.




Akmang aalis na ito ng pigilan ko.




"Ah Jane wait."




"Yes Sir may iba pa po kayong ipaguutos?"



Di ko alam kung itatanong ko pa ito ngunit hay bahala na.




"Ahm kamusta si Mam Montero mo?" Ang tinutukoy ko ay si Ruby. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Jane.




"Sige wag mo ng sagutin you may go." Sabi ko na may labis na pagkadismaya.




"Okay naman po si Mam Ruby ahm may baby napo siya mga nasa 1year po siguro yon. And sad to say po namatay na po si Mr. Fajardo yung kasintahan niya. Naaksidente po kasi ito nong lumipad patungong London"




Nagulat ako sa lahat ng nalaman ko ngunit mas nagulat ako na may anak na pala si Ruby. Malamang anak ito ni Arthur. Patay na pala siya tsk sayang di ko man lang nasuntok ang pagmumukha niya.




"Alam mo ba kung san nakatira si Ruby?"




"Ang alam ko po kasama na niya ang mga magulang niya sa dati po niyang bahay Sir."





"Okay you may go thanks for the info."




Pagkatapos ay umalis na si Jane.



Ako naman ay puro katanungan ang nasa isip ko. Ruby may anak kana pala pero bakit may nagtutulak sakin na makita ka at ang anak mo? Ano nga ba nangyayare sakin?







__________________

Hi guys pasensiya na ngayon lang nakapag update busy kasi. Please vote ang comment kayo ha gusto ko malaman opinion niyo ahahahah! Abangan ang susunod :)





Ruxandra:)

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon