Ruby:
Kasalukuyan kong inihahanda ang kama namin ni Jacob dahil gabi na habang siya naman ay nasa banyo at naliligo.
Ng matapos ako ay naboring ako dahil hinihintay ko pa siya kaya naman naisipan ko munang buksan ang laptop niya para maglaro dahil may mga games dito na nilalaro ko.
Nakabukas ang WiFi ng buong mansiyon kaya naman automatic na nacoconnect agad ito sa laptop.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng paglalaro ay biglang tumunog ang yahoo mail niya at may nagpadala ng mensahe. Hindi ko agad pinansin yon kaya lang ay naka apat na sunod sunod na ito kaya naman ay nagpasiya ba akong tawagin siya.
"Hub may nag pm sayo sa ym mo." Sabi ko ngunit hindi sumasagot si Jacob na halatang hindi ako naririnig.
Kaya naman ay agad kong binuksan ito at laking gulat ko na tumambad sakin ang mga larawan ni Jacob habang nakikipagsex sa babaeng di ko kilala kung sino.Hindi ko na alam ang gagawin ng mga oras na yon kaya naman ay kinuha ko agad ang USB ko at kinopya ko lahat ng mga larawan. Hinayaan ko na lamang bukas ang laptop niya kung saan makikita ang kahayupang ginagawa niya. Blonde hair ang babae at halatang sa America naganap ito.
Nagnamadali na akong kinuha ang maleta ko at isa isa ko ng inilagay ang mga damit ko ng matapos siyang maligo at lumabas na ng banyo.
"Wife? Anong ginagawa mo?" Hindi ko siya pinansin at tuloy padin ako sa ginagawa ko.
Narinig kong napamura siya alam kong nakita na niya ang mga pictures dahil sinadya ko talagang hindi burahin yon.
"Ruby magpapaliwanag ako please matagal na yan. I was drunk that time ng nasa America ako. Ikaw lang nasa isip ko maniwala ka."
Hindi padin ako kumikibo habang nag eempake. Agad naman siyang nag bihis ng mabilis at isa isang tinanggal ang mga damit na pinapasok ko sa maleta.
"Please hindi ka aalis. Don't leave me again my Wife hindi ko na makakaya pa."
Itinulak ko siya ng malakas ngunit tila hindi siya natinag.
"Of course you can live without me! Madami ka namang babae! Madaming magpapasaya sayo! Alam mo Jacob mukhang tama nga si Lucy maghiwalay nalang tayo!"
"No no no no no." Paulit ulit na sabi niya at ngayon ay nakaluhod na siya sakin. "No Ruby please pakinggan mo naman ako. I don't know who is that slut nameet ko lang sa isang club yan so please Ruby wag mo naman akong iwan." Ramdam kong umiiyak na ito.
"Jen! Jen! Ihanda mo na ang mga gamit niyo ni Gav aalis na tayo pamibilisan." Sabi ko kay Jen at ng matapos na akong mag empake ay pinigilan ako ni Jacob.
"Ruby please wag mong gawin sakin to. Kayo nalang ang buhay ko ng anak natin. Kayo nalang ang lakas ko please kung gusto mo ipapapatay ko agad yang babaeng yan na nasa picture wag mo lang akong iwan please mababaliw na ako kapag nawala kapa ulit." Pagmamakaawa niya habang nakayakap ng mahigpit sakin. Hindi dapat ako magpadala sakanya ayoko na naglolokohan lang kami. Dapat ay matagal na akong nakipaghiwalay sakanya simula ng mamatay ang panganay namin. Dapat ipinaubaya ko na siya kay Lucy hindi na dapat pang ipilit dahil masakit lang. Masasaktan lang ako.
"Tama na Jacob. Pagod na ako. Hindi na dapat pa nating ipilit dahil nasasaktan lang ako."
"Ikaw lang ba ang nasasaktan?! Napakamakasarili mo naman! Ruby ano paba ang kulang! Pinalayas ko na si Lucy dito dahil ikaw ang pinili ko! Mahal na mahal kita alam mo ba yon?! Tapos dahil lang sa putanginang pictures na yan na matagal ng nangyare noong maghiwalay tayo iiwan mo nanaman ako?! Ano ba?! Pinaglalaruan mo ba ang puso ko?! Hindi paba sapat tong kabayaran sa lahat?! Ako padin ba ang sinisisi mo sa pagkamatay ng anak natin? Hindi ko ginusto yon Ruby hindi ko gusto mawalan ng anak! Mahirap din para sa amang katulad ko ang mawalan ng isang munting anghel!"
Tuluyan na akong napaiyak sa lahat ng sinabi ni Jacob. Gulong gulo ang isip ko.
"Mahihirapan lang tayo kapag pinilit pa natin."
"Bullshit!" Sigaw niya sakin.
"Sarili mo lang ang iniisip mo! Paano naman ako na asawa mo?! Kelan mo pakikinggan ang side ko kung puro ka ganyan! Nabubuhay ka sa puro nakaraan Ruby! Puro mali ko lang ang nakikita mo!"
Sinampal ko siya ng malakas.
"Wala kang alam Jacob! Wala kang alam! Dahil mas gugustuhin ko pang maghiwalay tayo at magpabugbog na lamang kay Arthur para hindi ka niya patayin! Ganyan kita kamahal! Hindi lang ikaw ang nahihirapan! Labis na latay at suntok ang natamo ko kay Arthur kapag nahuhuli niya akong gumagawa ng sulat para sayo! Wala kang alam! Kaya wala kang karapatan sabihin sakin ngayon yan!" Napaupo na ako at napayuko habang umiiyak.
Si Jacob naman ay nakatulala sa nalaman niya.
"Hayop siya! Putangina niya! Walang sinuman ang pwedeng manakit sa reyna ko!"
Lumuhod siya at iniangat ang mukha ko.
"Patawarin mo ako Ruby hindi ko alam na yon pala ang tunay na dahilan para iwanan mo ako. Hindi ko alam na sinakripisiyo mo ang sarili mo para sakin. Please patawarin mo ako. Babawi ako sayo pakasalan mo ko ulit please I'm begging you please marry me again."
Tumango naman ako sakanya. Hindi ko nga kayang mawala pa si Jacob sakin kaya agad ko siyang niyakap.
....
Ng mahimasmasan na kami ay inalalayan niya akong tumayo.
"May tatawagan lang ako my Wife. Aalamin ko kung sinong putang inang may gawa nito." Ang tinutukoy niya ay ang mga larawan na nasa laptop niya.
Pinigilan ko siya. "Tama na Jacob wag mo ng pagkaabalahan yan. Sorry din at nauna ang galit ko. Nagselos lang talaga ako."
"Shhhh dapat magbayad kung sinu man ang may gawa nito."
"No Jacob please pabayaan na natin."
Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Hay pasalamat siya ikaw lang ang susundin ko kung hindi papatay ako Ruby." Mabuti na lamang at napakiusapan ko siya at naging maayos din ang sitwasiyon naming dalawa.
Ngunit pala-isipan padin sakin.
Sino nga ba ang nasa likod ng mga larawang to?
Sino nga ba ang may gawa nito?
____________
Hi guys please vote and comment abangan ang susunod:) thanks!
BINABASA MO ANG
Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔
RomantikLOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamuhi at puot sa puso at uhaw na uhaw sa pag hihiganti. Labis labis ang pagkagalit nito sa asawa niyang...