Ruby:
"Maraming salamat po sa masarap na hapunan tata Jose." Sabi ng asawa ko.
"Tuloy na po kami salamat po." Sabi ko naman.
"Nako iho iha walang ano man. Ikaw Jacob alagaan mo ang asawa mo maswerte ka at nakabingwit ka ng malaking isda kumbaga sirena." Pag loloko nito.
Natawa naman ako sa sinabi ng matanda maging ang asawa ko.
"Oho tata wag kayong mag alala aalagaan ko ang sirena ko." Wow bagong tawag sakin haha!
"Paano ho aalis na kami ng sirena ko tata. Ikaw Iscah wag mong papasakitin ang ulo ni tata ah. Osige na aalis na kami." Paalam ng asawa ko.
Akmang maglalakad na kami at nakaakbay saakin si Jacob ng hatakin ni Iscah ang laylayan ng damit niya dahilan para mapahinto kami.
"Oh Iscah bakit ano yon?"
"Jacob bukas ng 9pm may sayawan na gaganapin sa plaza pumunta ka ha hihintayin kita." Sabi nito.
"Nako Iscah masiyado ng gabi yun ayokong mapuyat ang sirena ko eh." Wow sirena padin ang tawag ng loko loko pero pogi kong asawa.
"Eh sino naman ba kasing may sabi na kasama si Tisay? Syempre ikaw lang kaya nga iniimbitahan kita eh hihintayin kita ha."
"Nako ikaw talagang bata ka nakakahiya sa kuya Jacob mo oh halatang may iba pa silang gagawin ni Sirena niya."
Sumimangot naman si Iscah.
"Bahala ka Jacob kapag hindi ka pumunta magtatampo ako wag mo na akong kausapin non." Pagmamaktol nito.
"Okay okay easy ka lang Iscah pupunta na po ako kami ng sirena ko okay lang ba yun Sirena?" Tanong sakin ni Jacob. Aba at pinanindigan akong tawaging sirena.
Tumango naman ako at ngumiti ng matamis.
"Opo Mister shokoy." Sabi ko at tawa ng tawa si tata dahil sa biro ko.
"Nako Sirena ang guwapo ko namang shokoy." Pagloloko muli ni Jacob.
"Osiya sige na lumalalim na ang gabi pauwiin mo na ang mag asawa Iscah at tulungan mo na ako sa gawaing bahay."
Binitawan na ni Iscah ang damit ni Jacob .
"Hihintayin kita ha." Sabi nito at umalis na kami ni Jacob habang siya ay nakatayo lamang habang papalayo na kami.
...
"Wife bakit ang lalim ng iniisip mo?"
"Wala po Shokoy."
"Eto naman Hub na itawag mo sakin oh sige ka yayariin kita mamaya." Sabay tawa nito ng malakas.
"Ewan ko sayo. Nakakainis ka todo dikit na nga sayo si Iscah na yon gustong gusto mo pa yata eh!"
"Hey Wife seryoso? Nagseselos kaba sa batang yun? E kapatid lang ang turing ko don at parang lolo ko nadin si Tata Jose." Hmp if I know hindi naman kapatid ang tingin sayo ng Iscah na yun.
"Ako nagseselos? Sa ganda kong to? Nako Jacob wag ako." Di ko na mapigilan puriin ang sarili ko bakit ba?
"Haha really di ka nagseselos? E bakit namumula kana? Tisay talaga ohhh." Pang aasar pa niya sakin habang pinipisil ang pisnge ko.
BINABASA MO ANG
Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔
RomanceLOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamuhi at puot sa puso at uhaw na uhaw sa pag hihiganti. Labis labis ang pagkagalit nito sa asawa niyang...