CHAPTER 8

12.3K 353 47
                                    

Jacob:

"Kuya ano ba? Wag ka nga magpakatanga ginagawa ka ng alila ni Ruby. Hindi ka na niya mahal."

Sabi sakin ni Megan ang kapatid ko ng tumawag ito. Alam na rin niya ang katotohanan maging ang lahat ngunit wala ni isa ang gustong makialam.


"Alam mo kung nabubuhay lang ang mga magulang natin hindi nila magugustuhan ang ginagawa mo."



"Choice ko to Megan at gusto ko ang ginagawa ko. Gusto ko ng bumalik sakin ang asawa ko alam mo naman kung gaano ako nag tiis at gano kahirap ang naranasan ko simula ng mawala si Ruby."



"Alam mo kuya ang tanga mo hindi ako makakapayag na magpaka martir ka alam mo naman tayong dalawa nalang ang natitira mahal kita kuya at ayokong nasasaktan ka."




"Shhhh tama na alam mo naman na kahit ano pang sabihin mo hindi ako makikinig diba? Pabayaan mo nalang ako sa desisyion ko."



"Hay nako lahat na nasayo ang katangahan at pagkamartir mo."




"Okay lang magpakatanga at magpakamartir hanggat alam kong may pinaglalaban ako."




"Okay pinaglalaban mo nga ang tanong diyan mananalo kaba? Nako ayoko ng makipagtalo di ka naman nakikinig. Osige na may meeting pa ako bye."



Ibinaba na ng kapatid ko ang tawag at kasalukuyan akong nag hahanda dahil maglilinis ulit ako ng bahay ni Ruby.


....

Nakarating na ako at magsisimula na ng marinig kong may kausap siya sa phone. Alam ko ng si Arthur yon at kahit na nasasaktan ako pilit ko paring tinitibayan ang loob ko.


Kita ko ang pagsaya ng mukha niya habang kausap niya to. Rinig ko din ang pagkamalambing na boses niya na kay tagal ko ng hinahangad na marinig muli.


Natapos ang tawag at tumingin siya kung san ang kinaroroonan ko.


"Anong tinatanga tanga mo diyan? Maglinis ka at magluto nagugutom na ako." Ngumiti naman ako sakanya dahil ang ganda padin niya kahit na galit.



"Wag mo akong ngitian umiinit lang lalo ang ulo ko sayo." Pagkasabi niya ay umakyat na ito.


Ako naman ay nagsimula ng magluto para may makain siya bago maglinis.


Pinagaralan ko mabuti ang lulutuin ko at nagdarasal na sana magustuhan niya.



Fried rice with basil flavor na may egg at sausage pati narin spam. Nag search pa talaga ako para dito gusto ko kasing magustuhan niya ang niluto ko kahit ngayon lang.



Maya maya pa ay bumaba na siya at inihanda ko na sa mesa ang mga pagkain.


"Kain kana alam ko gutom kana. Lilinisin ko na ang kuwarto mo." Sabi ko sakanya na may malaking ngiti sa labi ko.


Inirapan niya lang ako at tumungo na sa table.


Kumuha na siya ng fried rice at sinimulan ng kainin. Natuwa naman ako dahil hindi na siya nag react kaya umakyat nako para linisin ang kuwarto niya.


Pag akyat ko ay tumambad sakin ang napakadaming labahin at magulong kuwarto. Sinikap kong linisin ito at inilagay ko na sa basket ang labahan para ilagay sa washing mamaya.



Natapos din ang nakakapagod kong ginawa at bumaba na ako.



Nagulat ako sa nakita ko.




Itinapon niya ulit sa sahig ang pagkaing niluto ko ang pinaghirapan ko.



"Ang panget ng lasa nakakasuka. Wag ka na nga magluto nasasayang lang ang pagkain."



Lumapit ako at lumuhod para linisin na ang kalat. Parang dinudurog ang puso ko sa ginagawa niya ngunit wala akong choice. Gusto ko to ako ang pumili nito at paninindigan ko to.



Umalis na siya at umakyat marahil ay magaayos na siya.



Habang ako ay nililinis at mina'mop ang sahig pagkatapos ay huhugasan ko ang lahat ng pinggan.


Ng matapos ay nakita ko na siyang bumaba at nagsalita.


"Don't be late madami akong ipapagawa sayo sa opisina."


Pagkatapos ay umalis na siya.




Ako na ngayon ang Secretary niya at masaya ako dahil kahit na pinapahirapan niya ako ay araw araw ko siyang nakikita.



Nagcocommute nalang ako ngayon dahil ibenenta ko na ang kotse ko. Kasalukuyan akong nasa bus station at naghihintay ng bus ng bigla akong mahilo.



Napakapit ako sa poste na katabi ko. Baka marahil ay pagod lang ako.


Naglakad na ako ng biglang mandilim ang paningin ko at natumba na ako.

...

Nagising ako na nasa hospital na ako. Nakita naman ako ng doctor.


"Doc ano ho ang nangyare?"



"Nag passed out ka kanina Mr.?"



"Aguierre." Sabi ko.



"Yeah Mr. Aguierre I have something to tell you regarding to your health."



Nakinig lamang ako sa doctor labang nagsasalita siya.



"You're suffering with leukemia Mr. Aguierre. At alam mo naman na serious matter ito."




Di ako nakapagsalita sa sinabi niya. Di ko alam ang isasagot ko. May Leukemia ako? Pano? Nagiingat naman ako. Di pa ako pwedeng mamatay paano na si Ruby? Hindi pa niya ako napapatawad.



Mahaba ang ginawang examine sakin ng doctor at dumating si Nikko dahil tinawagan ko siya at manghihiram sana ako ng pambayad.



Nalaman niya ang sakit ko at gusto kong itago namin yon hanggat sa handa na ako.



....

"Namumutla ka Jacob wag kana pumasok ako na ang bahala kay Ruby." Sabi niya. Maging siya ay alam na ang katauhan ni Deviree.



Umiling ako sakanya.
Hindi pwede baka isipin ni Ruby na sumusuko na ako sakanya. Kailangan kong pumasok.




"No. Kaya ko na ang sarili ko."





"Sigurado ka? Binili ko na ang gamot mo na nireseta ng doctor inumin mo palagi yan."




Tumango lang ako sakanya dahil may masakit sakin na di ko alam kung san dahil halos buong katawan ko ay masakit.




Inihatid na ako ni Nikko sa kompanya at nagpasalamat ako sakanya.




Dali dali akong pumasok baka kasi magalit pa sakin si Ruby.



Pagpasok ko ay pinatawag niya agad ko.




"Sabi ko wag kang malelate! Anong oras na! Wala ka talagang kwenta! Sana nawala ka nalang sa mundo!"




Masakit man ang mga salita niya ngunit pilit kong tinitibayan anh sarili ko. Dahil kung mawala man ako gusto ko munang mapatawad niya ako bago ko sukuan ang sakit ko.






______________

Hi guys please comment and vote. And please respect my story thanks! Abangan kung ano ang susunod:)

Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon