CHAPTER 19

12.8K 325 7
                                    

Ruby:

"Ruby? ahm I mean ate Ruby pwede ba tayo magusap?" Bungad sakin ni Megan kasalukuyan kasi akong nasa garden habang nagdidilig ng mga halaman. Si Jacob naman ay maagang pumasok dahil araw ng lunes ngayon at tambak nanaman ang mga trabaho.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sakanya.

"Sure." Ngiti kong sabi sakanya.

"I don't know where to start but I'm sorry okay? Hindi ko man lang nalaman ang side mo at aminado akong jinudge agad kita. Alam mo kasi ate noong mga panahong nasa America kami akala ko talaga mamamatay na si kuya kasi naman ayaw niyang inumin yung mga gamot ni binibigay ng doctor and ayaw niyang magpa exams hanggat sa one day dumating sa buhay namin si Ate Lucy. Oooops." Napatakip siya ng bibig na halatang nagulat sa sinabi niya.

"It's okay Megan go ahead." Sabi ko naman sakanya at nakangiti parin akong nakikinig.

"Kasi Ate si Ate Lucy kasi is pamangkin mismo ng doctor ni kuya Jacob at nag vovolunteer siya sa hospital hanggat sa nakilala niya ang kuya at mukhang tinamaan nga siya kay kuya kasi siya talaga ang nanligaw non. Alam mo bang ilang beses ng binusted ni kuya si ate Lucy dahil ikaw padin ang mahal niya. Kaya nga ate naiinis ako sayo noong di ko pa alam ang lahat kasi akala ko si Kuya lang ang nagmamahal. Si kuya kang ang nasasaktan. Na si kuya lang ang nahihirapan di ko naisip na mas mahirap pa pala ang dinanas mo noon dito lalo pa at nalaman kong wala dito ang mga magulang mo non. Kaya ate Sorry na ahh gusto ko maging masaya na kayo ni kuya." Mahabang sabi sakin ni Megan at nagulat ako dahil sa yun pala ang kalagayan ni Lucy at Jacob hindi ko alam kung kikiligin ako dahil malakas nga talaga ang impact ko kay Jacob.

"Okay lang yun Megan ang importante okay na kami ng kuya mo. Okay nadin tayo."

Ang masayang mukha ni Megan ay napalitan ng malungkot.

"Ate umuwi pala dito sa pinas ang papa ni ate Lucy at gustong makausap si Kuya nag aalala ako dahil baka anong gawin niya kay kuya."


"Shhhh wag ka mag alala walang mangyayari kay kuya mo mag uusap lang sila." Pagpapalubag loob ko kay Megan.

Hay bakit ba umuwi dito ang papa ni Megan? Panigurado alam na nito ang lahat na nagkabalikan kami ni Jacob. Sana naman matanggap na nila.

...

Nagpaalam muna ako kay Megan at pinuntahan ko na ang baby ko. Nilaro ko muna si Gav bago siya pakainin ng tanghalian.

Siguristang ina ako kaya naman lagi kong sinisiguro na masustansiya ang kinakain ng anak ko.

Kasalukuyan ko siyang pinapakain ng gulay at prutas.

...

Gabi na at hinihintay ko na lamang dumating si Jacob. Sana maalala niya ang araw na to dahil anniversary namin ngayon.

Nagluto ako ng kaunti para sa dinner date namin at nag handa nadin ako ng sarili ko. Isinuot ko ang dress na color red na may slit sa gitna kung saan makikita ang cleavage ko.


8pm ng marinig ko ang makina ng sasakyan niya. Dali dali akong lumabas para salubingin siya. Maaga kong pinatulog si Gavin at pinaakyat si Jen para naman kaming dalawa lang ng asawa ko.



Sinalubong ko agad siya ng yakap at halik at gumanti naman siya sakin.



"You're look so gorgeous my Wife happy anniversary." Sabay abot sakin ng box na pahaba.

Masaya ako dahil nauna pa niya akong batiin at naalala talaga niya ang wedding anniversary namin.


"Open it." Sabi niya.


Seeking for Revenge | Book3[Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon