The Diary

22 4 0
                                    

Afternoon,in the house of Jenny

      Binabasa ni Jenny ang mahiwagang libro

     "Oras na upang malaman ang nasa puso ng prinsesa ,at oras narin upang siya ang gumawa sa kapalaran niya"

Nagtataka siya sa binasa niya sa libro.Nang biglang naisipan niyang bumalik sa library kasama ang libro.

Library

  Pagkapasok ni Jenny sa library hinanap niya ang matanda.Ngunit hindi niya ito nahanap kaya pumasok siya sa misteryosong silid.Nang makita niya ang isang lumang notebook sa mesa.Binuksan niya ito at nalaman niya na isa pala itong diary at may nakasulat na pangalan na Maria Joanna  L. Batis .Kinuha niya ito na may napansin uli itong isang pintuan.Nang makita niya ang mga kagamitan at mga letrato sa pader.Laking gulat niya ng makita ang letrato ng isang babae na kahawig ng kanyang lola at nakita niya ang isang papel na nakaipit sa letrato.Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat sa papel.

    Iniibig ko ikaw ay aking mamahalin
       Puso mo'y aking iingatan
      Ang pag-ibig ko sayo'y hindi ko
                    makakalimutan
    Habang buhay kitang pagsisilbihan

    Napaluha si Jenny sa kanyang nabasang tula.Kinuha niya ang letrato at papel na may tula at pagkatapos ay umuwi na.

Jenny's House

    Sa kanyang pag-uwi binasa niya ang diary

  
Pebrero 2,1871

              Sa aking pag-uwi nakasalubong ko ang isang makisig na binata na aking pinagmasdan.Sa aking tahanan dumating ang nakita kong binata na may balak manligaw sa akin at siya si  "John Eric David S. Batis". Siya ay makisig at magalang.Pinagsilbihan niya ako sa lahat iutos ko.Ngunit ayaw sa kanya ng aking magulang dahil siya ay hamak magsasaka at ako'y isang anak ng mayaman .Inilayo kami mula isa't isa .Sinubukan naming tumakas noong Mayo 20,1868ngunit kami'y nahuli.Ikinulong nila ako sa silid subalit di ko na alam ang nangyari kay John Eric David.Kaya noong Septembre 6,1868 hanggang Marso 16,1869 ginawa ko ang aking libro na alay ko sa lahat ng nagmamahalan ang pamagat ay Ang Prinsepe.

Prince from the Book Where stories live. Discover now