Paggising ni Jenny at nakita niya ang kanyang magandang kama,malawak na kwarto,at mga magagarang damit.Pagtingin niya sa bintana namangha siya sa nakita niya na nasa mataas at malawak na palsyo siya at napansin niya ang kanyang suot na magandang damit.
"Magandang umaga mahal na prinsesa Jenny handa na po ang inyong pagkain maaari na po kayong bumaba,"ang pagbati ng lalake Kay prinsesa Jenny."Sino?prinsesa?at nasaan ako?,"ang pagtatakang tanong ni Jenny sa lalake.
Walang kibo ang lalake at ang kanya lang sinabi ay ",Bumaba na po kayo at maghanda kana dahil darating ngayon ang prinsepe ng kaharian ng Parcio ." Wala ng magawa si Jenny kundi magpanggap na talaga bilang prinsesa.
Pagbaba niya namangha siya sa laki ng bahay. May biglang may sumundo sa kanya at pumasok sila sa isang silid at nakita niya ang mga taong nakaupo sa upuan at hinihintay na lang siya para kumain."Nandito na pala si ang aking anak ngayon pwede na tayong kumain ,"ani ng lalake na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa na punong puno ng ibat ibang pagkain.
Umupo siya sumabay na kumaina at bigla siyang tinanong ng babaeng na nasa kabilang dulo ng mesa ",Masarap ba ang pagkain anak."Nagtataka si Jenny bakit tinatawag siyang anak pero di naman niya kilala ang mga taong ito.
Pagkatapos niya kumain lumabas siya at nagulat siya na nakita niya na ang bahay na tinutuluyan niya ay Isang malaking palasyo.Pagkatapos nilibot niya ang buong palasyo dahil sa laki nito napagod siya sa kakalakad kaya umupo siya sa isang bato.
Gabi na nang siya ay bumalik sa loob na palasyo." Mahal na prinsesa saan po kayo galing?kanina pa po kayo hinahanap ng mahal ba reyna at hari,"ang tanong ng tagasunod na lalaki.
Bago pa siya makaalis nag salita uli ang tagasunod ",Prinsesa maghanda kana sa iyong masusuot para mamaya dahil darating nga ang mga taga Parcio yun ang sabi ng reyna."
Dumating na ang mga taga Parcio sakay ng mga karwahe sa palasyo ng Floranta.
"Maligayang pagdating sa palasyo ng Floranta," bati ng hari at reyna.
Pababa na si Jenny na nang nakita niya si prisepe John ng Parcia.Nagulat siya nang makita ang prinsepe sapagkat kamuka niya si David na kaklase niya.
Pinakilala siya ng hari at reyna sa magulang ng prinsepe.Pagkatapos nagusap ang mga magulang ni jenny at John at iniwan silang dalawa.
"Labas tayo prinsesa...," anyaya ni John.
"Prinsesa Jenny ang pangalan ko at ikaw na man si....," pagpapakilala ni Jenny.
"Prinsepe John ng kaharian ng Parcia," ani ni John.
Pagkatapos naglakad na sila sa labas ng palasyo.Ngunit habang sila at naglalakad bigla silang tumigil at unti-unting lumalapit si John kay Jenny.Hinawakan niya ang kamay ni Jenny at sinabi",Ma............."
Biglang nagising si Jenny mula sa pagtulog at naisip niya is a lang pala iyong panaginip.
Tiningnan niya ang orasan at nagulat siya dahil maleleyt na siya sa eskwelahan.
Nagmadali siyang naligo at kumain pagkatapos lumabas na siya ng bahay.Hinabol siya ng nanay niya at pilit na tinatawag si Jenny ngunit hindi siya nito narinig.Kumuha ng maliit na bato ang nanay niya at ibinato sa kanya."Araaayyy! bakit mo naman ginawa yun nay?,"tanong ni Jenny.
"Jenny ano ka ba sabado ngayon," sagot ng nanay niya.
Natulala si Jenny at hindi na siya gumalaw dahil sa hiya.
YOU ARE READING
Prince from the Book
FantasyNaranasan niyo na ba, minsan parang gusto mong pumasok sa libro? O kaya naman ay lumabas ang tauhan sa kuwento? Tungkol ito sa isang babaeng may kakayahan na pumasok sa libro. Siya ay may misyong dapat tapusin.