Twin

6 2 1
                                    

   Sa R.U., nagkukuwentuhan sina Jenny at ang iba habang hinihintay nila ang kanilang klase. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa kanilang love life.

   "Charlie, ano 'tong nababalitaan ko na nagkakagusto ka daw kay Layla?," tanong na asar ni Edward.

   "Huh?!...",gulat ni Charlie.
"Anong pinagsasabi mo,Edward? Hindi totoo 'yun?"

   "Oh? Bakit namumula pisngi mo?", asar uli ni Edward.

   "Hindi ah!", tanggol sa sarili ni Charlie.

   "Easy lang, nagtatanong lang naman",sagot ni Edward.

    "Itigil niyo na nga 'yan baka saan pa mapunta",singit ni David.

   Tinitigan ni Edward si David at ngumiti. Kinabahan si David,dahil alam niya na may binabalak si Edward.

   "Ano na pala ang status niyo ni Jenny?," ang tanong ni Edward.

    "Ah?!," para bang nagulat si David sa tanong sa kanya.

    Kumuha si Jenny ng libro at inihampas ito kay Edward.

    "Aray ko!"

    "Bakit ako nasali diyan sa usapan niyo?,"tanong ni Jenny.
"Kapag sinali mo pa ako d'yan ,hindi lang 'yan ang gagawin ko."

     "Oh tara na, oras na para susunod nating klase,"sabi ni Charlie.

    
    Habang papasok na sila sa kanilang klase, naramdaman ni Jenny ang libro na para bang may gusto itong sabihin.

   "Guys, mauna na kayo,may kukunin lang ako sandali sa library.",ani ni Jenny.

   "Samahan na kita,Jenny.", sabi ni David.

  " 'Di na, ako nalang.",sagot ni Jenny.

"Osige, Ingat ka.",sabi ni David.
 
   Library, pumunta si Jenny sa pinakadulo upang walang makakita sa kanya. Kinuha niya ng libro at binuksan. Nanginig ang libro at nagtaka si Jenny. At pagkatapos ay lumiwanag 'yun.

   "Anong gusto mong sabihin libro? Sabihin mo sa akin.",tanong ni Jenny.

   Isang pinto ang lumabas sa harap niya. Naisip ni Jenny na baka ito na ang ikatlong pinto. Tumayo siya at lumalit s pinto upang sana buksan iyon. Nang biglang bumukas ang pinto at tinamaan si Jenny kaya siya ay napa-atras at biglang napa-upo.

  "Nasaan ako?",tanong ng lalake.

  Hindi makita ni Jenny ang mukha ng lalake,dahil sa sobrang liwanag. At biglang may sinabi ang lalake,"Prinsesa ko?"

   Ang prinsepe. Ang sinabi sa isip niya,pagkatapos makita ang mukha nito.

   Tumayo si Jenny at tinitigan ang prinsepe.

   "Prinsesa ko",sabi uli ng prinsepe sabay yakap kay Jenny.

   Bakit mo pinapunta dito itong prinsepe?. Tanong ni Jenny sa libro sa kanyang isip.

   "Masaya ako na nakita muli kita,prinsesa.",sabi ng prinsepe.

   "Hindi ka pwede dito, bumalik ka dun,sige na.",sagot ni Jenny.

   Tinutulak tulak ni Jenny ang prinsepe, ngunit huli na ang lahat ,nagsara na ang pinto.

   Papaano naman kita maitatago kay David at sa iba, Sa oras na makita ka nila magtataka sila kung bakit dalawa kayo ni David.Ang tanong sa sarili ng gulong-gulong si Jenny.

    "Halika!",sabi ni Jenny sabay kuha sa kamay ng prinsepe at hinila niya ito upang maitago.

    "D'yan,pumasok ka d'yan.Babalikan babalikan kita mamaya,kaya 'wag kang aalis,okay?",sabi ni Jenny.

   Itinago ni Jenny ang prinsepe sa isang kuwarto kasama ang mga panglinis na mga gamit. Pagkatapos,pumunta na siya sa kanyang klase. Huli na siya sa oras nang pumasok siya.

   "Jenny, nakita mo ba si David?",bulong na tanong ni Charlie.

   "hindi ba kasama niyo siya?",balik n tanong ni Jenny.

   "Sumunod sayo si David,kase nag-aalala siya ata sayo.",sagot ni Charlie.

   Kung sumunod si David,bakit 'di ko siya nakita?,Tanong Jenny sa kanyang sarili.

  Hindi kaya...,imposible naman mangyari 'yun,pero 'yung prinsepe nagawa niya,Ang iniisip ni Jenny.

   

 

  "Ang tagal naman niya,hanggang kailan ba ako nandito?",tanong ng prinsepe.

   Binuksan niya ang pinto at lumabas. Hinanap niya si Jenny. Bumalik siya sa library,baka nandoon lang si Jenny.

  Nang biglang...

  Nagkita ang dalawa,ang prinsepe at si David.

  "Sino ka?",tanong nila sa isa't isa,"Bakit magkamukha tayo?"

  Nagulat silang dalawa at nagtaka.

"David? Prince?",sabi ni Jenny.

  Kinausap sila ni Jenny at ipinaliwanag ang lahat.

  
  Kinabukasan sa RU, Dumating ang kanilang guro na si Mrs. Corazon na may dalang balita.

"Good morning,class c, may sasabihin ako sa inyo, may bago tayong kasama dito sa klase natin.",sabi niya.

   Napa-isip at nagtatanong ang buong klase sa sarili nila,kung ankng ugali, babae o lalake, o mayaman ba siya.

  "Pumasok ka na, mr. Rivera.", sabi ni mrs. Corazon.

  Nagulat ang lahat sa nakita nila.

" Class, meet John Rivera, brother of David, he is your new classmate for this year.",pakilala ni mrs. Corazon.

  "Hello, kinagagalak ko kayong makilala.", bati ni John.

   Pinaupo ni mrs. Corazon si John sa tabi ni Lyla.

  Buti nalang,ang sabi sa isip ni Jenny.

 

Yesterday

   Ikinuwento ni Jenny ang nangyari kay David. Hindi makapaniwala si David sa kaniyang naring.

  Pagkatapos, nagmakaawa si Jenny para maitago ang katauhan ni Prince John.

   "Please, kailangan ko ng tulong mo",sabi ni Jenny.

   Sinabi ni David kay Jenny na magpapanggap sila na magkakambal,at titira muna si John sa bahay ni David.

  Kinausap ni Jenny si John tungkol sa plano.

 

Present

  "Hi, John", bati ni Jade.

  Ngumiti si John sa kaniya.

  "Huy!Jade, kilala kita,mukhang type mo yung kakambal ni David," bulong ni Mae.
 
" Hindi, binati ko lang ,kase bago lang siya, nakikipag-kaibigan lang naman,"sagot ni Jade.

 

Prince from the Book Where stories live. Discover now