Alexandria

7 2 0
                                    

     Sa kasuluksulukan ng gubat ay may nakatirang  dalaga na ubod ng ganda. Isang araw dumalaw ang kasintahan ng dalaga. Nagmamadaling umalis ang lalake kasama ang babae, sa 'di malamang dahilan...

     Binasa iyon ni Jenny sa lumang libro.

    "Bakit ayaw parin kaya bumukas itong ikalawang pinto?",tanong niya habang hawak ang love letter (second door).

   "Bukas ko nalang pag-iisipan kung anong gagawin ko sa ikalawang pinto.",pasya niya.

   
Charlie's house

     Mahimbing na natutulog si Charlie sa kanyang kama ng bigla siyang naglaho na parang bula.

Jenny's house

    Tulog na si Jenny noong panahong nawala si Charlie,kaya 'di rin niya nakita ang sumunod na nangyari...

   Lumiwanag ang libro at bigla niyang kinuha si Jenny papasok sa mundo ng libro.

  

   Ayun!

  Ayun ang mangkukulam...

Kinukulam niya ang binatang kasama niya.

Habulin siya,habulin sila...

Bitayin ang mangkukulam

Tama!

   Narinig ni Jenny ang mga sigaw ng mga tao kaya napagising siya. Tinanong niya ang kanyang sarili kung anong nangyayari. Noong una hindi niya napansin na wala siya sa kanyang kwarto,pero napansin rin niya ito kinalaunan.

    "Kailan tulog na ako, dun naman bumukas ang pinto..."
   "Nakakainis naman",sabi niya.

   Pagkatapos, sinundan niya ang mga taong sumisigaw.

   Pagkatapos, nahuli ng mga tao ang babae.

Hindi magawang lapitan ng lalake ang babaeng tinutugis,dahil pinipigilan siyang makalapit sa babae.

'Wag niyo siyang sasaktan,hindi siya masama",pagmamakaawa ng lalake.

"Hinde! Isang masamang mangkukulam ang babaeng iyan,isang kampon ng kadiliman",sigaw na sagot ng isa sa mga nagtutugis.

   Nakapalibot ang lahat sa babae,upang hindi siya makatakas pa.Lahat ay may hawak na kahoy na gagamitin sa babae upang sunugin.

   "Sunugin ang babaeng iyan ,para tumigil na siya sa mga masasamang gawain niya",sigaw ng isang nantutugis.

   
  
  Nakita ni Jenny ang babaeng tinutugis at pagkatapos  ay nagulat siya.

   Bakit parang kamukha ni Angelica ang babaeng iyon. Tanong sa isip ni Jenny.

   Sandali lang lumihis ng tingin si Jenny  at bigla niyang nakita si Charlie na nakatingin sa babae. Mabilis siyang pumunta kay Charlie upang kausapin.

   "Char! Charlie!",tawag niya.

   "Jenny...",sagot ni Charlie,"Nandito ka rin?"

    "Mahabang paliwanag,kaya mamaya ko nalang papaliwanag...",sagot niya"Char, hindi ba parang kamukha ni Angelica 'yung babaeng iyon?"

    "Napansin mo rin pala iyon? Kaya nandito ako kase sinundan ko siya para malaman kung siya nga",sagot niya.

     Hindi sila masyadong nakalapit,dahil sa maraming tao ang nakaharang.

    "Ayun! Sa puno, umakyat tayo dun para makita siya",sabi ni Charlie.

    "Huh?! Ayoko Charlie,dito nalang ako",sagot ni Jenny.

Prince from the Book Where stories live. Discover now