Love letter

6 1 0
                                    

  Umaga na, maagang nagigising si Charlie araw-araw. Kahit isang beses lang hindi pa nalelelate si Charlie,kaya nagulat ang lahat ng kanyang kaklase ng nalate  ito sa pagpasok.

  Patay! Nalate na ako. Kinabahan si Charlie,dahil nandyan na ang kanilang professor.

   "Mr. Morgan, maupo ka na ,alam ko namang may dahilan ka kaya papalampasin ko muna ito",sabi ni Mrs. Corazon.

    Buti nalang si Mrs. Corazon ang professor  namin ngayon. Nakahinga ng maluwag si Charlie ,dahil si Mrs. Corazon at hindi ang masungit na professor na si Mr  Douglas.

    Umupo na si Charlie sa kanyang upuan. Pagkatapos may kinuha ito sa bulsa niya,isang letter.

   Buti nalang hindi niya ito nabasa, kung hindi baka 'di ko na alam anong gagawin ko.

    Nagbugtong hininga si Charlie.

   "Salamat",bulong niya

   
Yesterday,morning at  R.U.

     Kalahating oras bago magsimula ang kaniyang klase. Nakaupo si Charlie  sa isang upuan habang may tinitignan ang isang myembro ng team popstar. Si Charlie ay nakatulala sa isang bagay na para bang 'yun lang ang nag-iisang bagay na nakikita niya at wala ng iba kung 'di si Lyla.

     Matagal ng tinatago ni Charlie  ang kanyang pagmamahal kay Lyla.Hindi lang niya ito kayang sabihin,dahil natatakot siya na masaktan. Natatakot rin dahil si Lyla ay myembro ng team popstar at siya ay hamak na nerd lamang.

    Napansin naman ni Jade na nakatingin si Charlie kay Lyla. Kaya agad niyang itong nalaman,na may gusto si Charlie kay Lyla.

  Hmmm. May binulong si Jade kay Lyla.

  "Lyla, may nabihag na naman ang kagandahan mo",bulong ni Jade.

   "Ano?! Anong pinagsasabi mo?",tanong ni Lyla.

    "Tumingin ka kaya dun",sabi ni Jade.

    Tumingin si Jade kung nasaan si Charlie. Kaya tumingin rin si Lyla kay Charlie. Nagtagpo ang kanilang paningin nina Lyla at Charlie. Agad na umiwas ng tingin si Charlie.

   "Ayieee... Lyla, alam mo na kaya alam mo na rin ang dapat mong gawin", asar ni Jade.

    "Manahimik ka nga,Jade",sabi ni Lyla.

    Napatingin uli si Lyla kay Charlie ngunit sandali lang ito.

   
  Tumingin si Lyla sa akin. Ang sabi niya sa isip ni Charlie.

   Tiningnan uli ni Charlie si Lyla. Biglang may lumapit na lalake kay Lyla at may sinabi ito sa kanya.

    Napaisip si Charlie kung sino ang lalaking lumapit kay Lyla.

   "Sana may lakas ako ng loob para sabihin na mahal ko siya...",bulong niya.

   "Pero kahit na alam na niya hindi naman niya ako magugustuhan kailanman"

    Tumayo si Charlie at umalis papunta sa kanyang room habang siya ay nakayuko ng kaunti. Namumula ang kanyang mga mata na para bang iiyak.

    Pagdating ni Charlie sa kanyang room, umupo na ito at kumuha ng libro. May parang naisip si Charlie,pero nagdadalawang isip ito.

     Kumuha siya ng papel at ballpen.

Ano kaya? . Nag-iisip si Charlie ng kung ano.

   "Dear Classmate..."

    "Ay! Mali ,ang pangit naman"

     "Tama! 'yun nga",bulong niya

    Nagsulat na si Charlie sa papel. Pagkatapos,natapos na rin niya ang kanyang sinusulat.

Prince from the Book Where stories live. Discover now