Ang misteryosong libro

32 5 0
                                    


Kinabukasan, pagkatapos ng klase ni Jenny nagmadali siyang pumunta sa library ngunit biglang humarang si Tony habang galit na galit siyang tinanong si Jenny ng,"Bakit hindi mo nagawa ang takdang-aralin namin?kanya napagalitan kami dahil sayo ,kaya akin ang pera mo".Binigay niya ang kanyang baong pera ngunit ang iniisip niya ang misteryosong baul sa library.Pumunta siya ng may kunting kaba at takot na nararamdaman.Pumasok siya sa library at dahan-dahang pumasok sa kwarto.Ngunit napansin niya na nakandado ang baul kaya hinanap niya ang susi.Habang hinahanap ang susi laking gulat niya nang nakita siya ng matanda.Nagpaliwanag siya sa matanda na may parang bumubulong sa kanya.Naniwala ang matanda sa sinabi ng dalaga."Sandali lang at may kukunin ako",ang sabi ng matanda.Padating ng matanda nakita ng dalaga na may hawak siyan lumang libro at inilagay sa mesa at tinawag siya."Iuwi mo ito at basahin mo ,ito ang makapagbabago sa iyo."ang sinabi ng matanda sa dalaga.Iniuwi nga niya ito .

7:00 ng Gabi

   Napagalitan si Jenny sa kanyang ina dahil sa gabi na siyang umuwi.Pagpasok sa kwarto niya inilagay sa mesa ang lumang librong ibinigay ng matanda sa kanya.Binasa niya ang pamagat nito na ANG PRINSEPE.Binuksan niya ito at binasa ang unang pahina

"Darating na ang iyong prinsepe na may dalang bulaklak na rosas sa iyo prinsesa."

  Pagkatapos niyang binasa ang unang salita biglang humangin ng malamig at isinara ni Jenny ang libro at natulog na.

Prince from the Book Where stories live. Discover now