May proyektong ibinigay si Mr.Douglas sa kaniyang klase. lahat ay may kaniya-kaniyang pangkat. Charlie,Angelica,Sara at si Lyla ay naatasang gumawa ng isang ''timeline" ukol sa nakaraang dikasyon. Habang sina Jenny,David,John at Edward ay naatasang magsaliksik.
Masaya si Charlie,dahil makakasama niya si Lylasa isang proyekto. Kung meron man ang 'di natuwa,si Angelica na iyon.Alam niya kaseng nasa ibang pangkat si Edward at kasama pa si Jenny.
Tumingin si Jenny kay Charlie,pagkatapos,nginitian siya nito na para bang may gustong sabihin.At alam na ni Jenny kung anong gustong ipahiwatig ni Charlie sa kaniya.
Bakit kase sa akin pa napunta itong tatlong lalakeng ito.Tanong sa sarili ni Jenny.
"May araw ka rin sa akin,Jenny", bantang bulong ni Angelica.
7 hours later...
Hapon na at sisimulan na nina Jenny ang kanilang gawain,upang matapos na agad. Pumunta sila sa lumang library,dahil mas marami silang makukuhang impormasyon doon. Kinabahan si Jenny,kase sa tuwing pumupunta siya doon ay laging may mahiwagang nangyayari. Ngayon, inaasahan na niya na may mangyayari na naman sa library.
Alam ni Jenny na may kakayahan siyang kausapin ang libro.
Nagsimula n sila sa paghahanap ng impormasyon,para sa kanilang gawain. Naghiwa-hiwalay ang apat,upang makahanap agad.
"Alin kaya sa mga libro ito ang kailangan namin?",tanong ni Jenny.
Patuloy lang sa paghahanap si Jenny,hanggang sa napagod na siya.Ganoon din ang tatlong lalakeng kasama niya,napagod sila sa kakahanap.
"No choice,gagamitin ko na ang kakayahan ko,ngayon lang naman", sabi ni Jenny.
Itinaas ni Jenny ang kaniyang kanang kamay at naghintay sa mangyayari.
Pagkatapos,laking gulat niya niya na makita ang sangkatutak na libro ang lumapit sa kaniya.
Naglahinga muna ng tatlong kasama nI Jenny. Dumating siya na may buhat n sampung libro. Nainis si Jenny nang makita niyang nakaupo at nagpapahinga ang tatlo,habang siya'y hirap na hirap.
"Aham!", parinig ni Jenny.
"Jenny", sabay na sabi ng tatlo.
"Ako na ang magbubuhat diyan", boluntaryo ng tatlo.
"No thanks! Kunin niyo nalng ang iba doon sa dulo,mahigit pa sa sampu ang nandoon",sagot ni Jenny.
Mabilis silang umalis ,upang kunin ang mga libro.Inumpisahan naman ni Jenny ang pag-aayos at pagbabasa sa mga libro.
"Ang tagal naman nika", sabi niya.
Sa sobrang pagkainip ni Jenny,ginamit uli niya ang kanyang kakayahan.Lumipad ang mga libro papunta sa mesa ni Jenny.
Bumalik ang tatlo na walang dala.
Nagulat sila ng makita na nasa mesa na ang mga libro.
Nangatwiran si Jenny,"Ang tagal niyong kunin,kaya ako ng kumuha."
Malapit ng gumabi ,nagpasiya na si Jenny na umuwi at magpahinga.At nagboluntaryo si Edward na siya na ang tatapos sa kanilang proyekto.
"Hatid na kita sa pag-uwin,Jenny", sabi ni David.
"Okay lang, kaya ko ang sarili ko, thank you, ingat din kayo",sagot ni Jenny.
YOU ARE READING
Prince from the Book
FantasyNaranasan niyo na ba, minsan parang gusto mong pumasok sa libro? O kaya naman ay lumabas ang tauhan sa kuwento? Tungkol ito sa isang babaeng may kakayahan na pumasok sa libro. Siya ay may misyong dapat tapusin.