Power of a Book reader

7 1 0
                                    

   Umaga,nagising na si Jenny at lumabas sa kanyang baro-barong.

   Nag unat unat siya at nilanghap ang sariwang hangin. Kahit na hindi pa rin niya alam ang gagawin para mabawi ang libro nanitili pa ring kalmado si Jenny.

   Nakaramdam ng pagkagutom si Jenny. Naghanap siya ng pwedeng makakain sa paligid. Nanghihina nasi Jenny ,dahil sa kanyang pagkagutom at pagod. Umupo muna siya sa tabi ng bato. Halos matagal-tagal na rin siyang naglalakad sa kakahuyan.

   May isang ibon ang lumapit sa kanya at lumipad ito paikot-ikot sa kanya. Habang lumilipad ang ibon ay umaawit ito sa kanya. Naramdaman ni Jenny na para bang nawawala ang kanyang pagod sa tuwing naririnig niya ang awit ng ibon.

   "Ang sarap pakinggan ng awit ng ibon. Parang may mahika ang bawat tonong nalilikha ng ibong ito ",sabi ni Jenny.

   Agad nakabawi ng lakas si Jenny dahil siguro sa awit ng ibon. Bumaba sa balikat ni Jenny ang munting  ibon.  Dahan-dahang tumayo si Jenny upang maipagpatuloy ang paghahanap ng makakain pati na rin sa libro.

    May napansin si Jenny sa lupa,mga munting langgam na may buhat-buhat na mga maliliit na pagkain. Napaisip siya,kung susundan niya ang mga langgam kung saan sila nagmumula.Kung ang mga langgam ay sinundan niya ,maaaring mayroong may mga  pagkain na makukuha si Jenny.

    Kasama ang munting ibon, sinundan nila ang mga langgam.Subalit hindi pala ganoong kadali ang pagsunod sa mga langgam. Dahil ang daang papunta sa mga pagkain ay puno ng mapahanib na pagsubok.

    Habang sila ay naglalakad,biglang may isang nakita si Jenny na kakaibang bulaklak na kulay pula. Dahan-dahan niya itong nilapitan. Habang papalapit siya rito bigla namang lumipad ang ibon papalayo at bumaba sa isang sanga ng puno. Hindi niya alam ang nangyari sa ibon para bang takot na takot ito .

     Nakalapit na si Jenny sa bulaklak. Pagkatapos, unti-unting inilapit ang kanyang palad upang hawakan ang pulang bulaklak.Bago pa man niya mahawakan ang bulaklak napansin niya na para bang gumalaw ang ugat ng bulaklak. Mabilis niyang inilayo ang kanyang kamay at dahan-dahan siyang naglakad patalikod.

   "Bakit pa kasi ako lumapit dito? Isang halamang gumagalaw? Hindi ito imposible sa mundong ito."

    Napatigil si Jenny sa pag-atras,dahil napansin niya ang bulaklak na unti-unti lumilitaw ang apat niyang mga mata. Biglang napatingin sa kanya ang nilalang,kaya hindi makagalaw sa sobrang takot niya. Nakikita ni Jenny ang mga matatalas na ngipin ng halimaw at nagninisig na mga mata nito.

     "Please! huwag mo akong sasaktan,alam kong mabait kang nilalang. "

     Nakakatakot naman nito,bakit kasing sa lahat ng nilalang na makita ko ,isa pang nangangain ang nakaharap ko. Ang iniisip ni Jenny habang nakatingin sa halimaw.

     "Alam mo ba? Hindi ako masarap ,kapag kinain mo ako maaaring kang mamatay. Kaya please don't eat me",babala ni Jenny.

      Bakit ko ba ito kinakausap? Hindi ko nga alam kung may utak ba ito. Tanong niya  sa isip.

      Unti-unting lumalapit ang halimaw kay Jenny. Nanginginig na sa takot si Jenny.  Hindi na niya alam kung paano na niya ito malalampasan.

     "Lumayo ka! Huwag mo akong kainin. ", sabi ni Jenny.

     Sana may tumulong sa akin. Sabi sa isip ni Jenny.

      Binukas ng halaman ang kanyang bibig,naghahandang kainin si Jenny. Pinikit  ni Jenny ang kanyang mga mata.

     "Kailangan ko ito harapin kung hindi ,hindi ko matatalo ang iba pang mga banta sa aking misyon",sabi ni Jenny.

       Kumuha ng isang pirasong kahoy si Jenny, upang gawing sandata laban sa halimaw.Dahang-dahan siyang tumayo at huminga siya ng malalim. Sumugod ang halimaw mula sa kanya. Buong tapang rin ni Jenny na sinugod ang halimaw. Ang tapang niya ay parang isang leon na umaapoy ang mga mata sa galit.

Prince from the Book Where stories live. Discover now