Wicked Queen

11 1 0
                                    


     Araw ng Huwebes, nakaupo ang grupo nina Angelica sa upuan.

     " Angelica, kumusta ka na sa nangyari noong isang araw sa library? "  , tanong ni Mae.

    " Okay lang ako , nahimatay lang ako sa sobrang pagod at init.", sagot niya.

    " Gusto niyo bang pumunta sa mall bukas para mamimili ng mga damit? ",tanong ni Jade.

    " Sige! ", sagot nilang lahat.

     Tumunog ang bell ng school. Nagsipag pasok na silang lahat sa kani-kanilang room. Habang ang team popstar ay naglalakad nakita ni Angelica si Edward na kasama si Jenny.  Nagalit siya sa kaniyang nakita. Biglang may pumasok sa isip ni Angelica. 

    Nakapasok na ang lahat sa kanilang room. At dumating na rin ang kanilang guro na si Mr. Douglas.  

    "Good morning!...",masungit na bati ng guro. " Ngayon ay magkakaroon tayo ng pagsusulit tungkol sa tinalakay natin noong isang araw. Siguraduhin niyong hindi kayo babagsak kung hindi... alam niyo na ang mangyayari."

       Pagkatapos ng kanilang pagsusulit. "Oh my gosh! babagsak ako sa exam,wala akong alam sa mga tanong na ibinigay ni sir sungit.", sabi ni Lyla.

      "Sinabi mo pa..." sagot naman ni Jade. "...Tuloy pa yung lakad natin bukas no?" tanong niya.

     "Syempre naman tuloy pa..." sagot ni Angelica. "...tuloy na tuloy na talaga ang plano ng reyna." bulong niya .

      "May sinasabi ka ba Angelica? " tanong ni Sara.

     "Wala,ang sabi ko tuloy na tuloy na talaga ang pamimili natin." sagot ni Angelica. Pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa paglalakad at umuwi na sa kani-kanilang bahay.

      Sumapit na ang gabi , lumabas ng  bahay si Angelica at pumunta siya sa lumang library. Nakita niya ang matandang nagbabantay sa library na lumabas na para umuwi. Palihim na siyang pumasok si Angelica sa library. Sa kanyang pagpasok naglakad-lakad lang siya ng ilang sandali.

       "Magbigay pugay! sa reyna ng mga reyna." sigaw niya. Biglang may lumabas na usok. "Anong maipaglilingkod namin sa iyo ,aming makapangyarihang reyna? " tanong ng isang itim na usok na may bungo ng isang nilalang.

      Sumagot si Angelica ," Kailangan ko ang aking black book, kaya hanapin ninyo ito ngayon na!".

     Nawala na ang mga usok at umalis na rin si Angelica. Sa kanyang pag-uwi tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan.At sinabing magkikita nalang sila sa lumang library.

     "Sa wakas! unti-unti ko ng maisasakatuparan ang plano kong paghihigati sa dalawang iyon.",sabi niya sa kanyang sarili.

      Habang si Angelica ay nagsasaya at tumatawa , si Jenny naman ay nakakita ng isang pirasong papel na isa sa mga pahina na nawala sa libro.

Dumating ang kapatid ni
David na si Charlie.
Si prinsepe Charlie
ang nakakabatang kapatid
ni David.
Bumati si Charlie kay
prinsesa Jenny.
"Kinagagalak kitang makilala
prinsesa Jenny.", sabay
yuko nito sa kanya.
Pagkatapos nagpasya na
silang bumalik sa loob ng
palasyo.
Sa kanilang pagbalik , mga
sigaw ang narinig nila.
Mga sigaw na humihingi
ng saklolo.
Mabilis silang pumunta at
nagtago sa isang tabi.
Nakita nila ang isang babae na
may korona at damit
na kulay itim.
"Magbigay pugay kayo! sa reyna
ng mga reyna .",sigaw
ng babae.
Naghalong takot at lungkot
ang nararamdaman
ni prinsesa Jenny.

Prince from the Book Where stories live. Discover now