Golden key and the first door

7 1 0
                                    

       Binuksan nga ni Jenny ang libro gaya ng sinabi ng kanyang lola.

    At nagsalita," Sa pagitan ng dalawang mundo buksan ang lagusang tatawid hanggang sa dulo."

    "Anong ginagawa mong babae ka?",tanong ni Alexandria.

     Lumiwanag pa ng husto ang libro hanggang sa....

  "Papaano ako nakauwi sa bahay?",tanong ni  Jenny.

    Nagulat si Jenny kung bakit nakauwi siya ng kislap mata lang. Hindi tumigil sa kakaisip si Jenny. Hanggang sa nakatulog siya.

     Kinaumagahan, natutulog pa rin si Jenny sa kanyang higaan.

    "Jenny,gumising ka na, unang araw mo ngayon sa school.",sabi ng kanyang ate.

     Biglang napagising si Jenny sa narinig niya.
 
     "Anong unang araw ko ngayon sa school?",tanong niya.

     "Hindi mo ba naaalala? Unang araw mo ngayon sa Royal University,hindi ba?",sagot ng kanyang ate.

     Lumabas na ng kwarto ang kanyang ate. Nagulat si Jenny sa naging sagot ng kanyang ate. Sa kanyang pagtayo,nakita niya ang lumang libro sa ibabaw ng mesa. Lumapit si Jenny at hinawakan ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang libro.

      "Imposible ito!",sigaw niya.
"Ang mga sulat sa bawat pahina ay bumalik sa libro."

      Kinuha niya ang libro at inilagay sa loob ng kanyang bag.

    Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok na si Jenny sa R.U.

    Nakarating na nga si Jenny sa royal university.

    "Bakit ang lahat ng mga bagay na ito ay para bang bumalik ako sa nakaraan?",sabi ni Jenny.

      Habang siya ay naglalakad papunta sa loob ng R.U. biglang may nakabangga sa kanya.

     " Aray ko! Mag ingat ka naman.",sigaw ni Jenny.

    "Sorry miss, hindi ko sinasadyang mabangga ka.",sabi ng lalakeng nakabangga kay Jenny.

     "Wait nga lang, si David ito,bakit hindi niya ako nakikilala?",ang tanong ni jenny sa kanyang isip.

     "Miss, are you okay?",tanong ni David.

     Ngunit parang walang narinig si Jenny.

     "Miss...miss...are you  okay? Miss..."
   Tinanong uli siya ni David ngunit parang lumulutang ang isip ni Jenny.

    "Ay! I'm sorry, yes! I'm okay.",sagot ni Jenny.

     Ngumiti si David sa nangyari kaya napangiti na lamang rin si Jenny.

     " Ako pala si David, and you are?",pakilala ni David.

      "Ako si Jenny,nice to meet you David",sagot ni Jenny.

      " Gusto mo bang sumabay? Para hindi ka mag-isa at ganun din ako.",tanong ni David.

      " Sige ba, ano tuloy na tayo.",sagot ni Jenny.

     Tumuloy na nga sila sa paglalakad. Nagkataon na naman na pareho ang kanilang section sa R.U.

     "Akalain mo yun ,Jenny. Pareho pala tayong papasukang section.",sabi ni David

     "Oo nga eh!",sagot ni Jenny.

     "Pero alam ko na,na magkaklase tayo dahil bumalik lang naman ako sa nakaraan.",sabi sa isip ni Jenny.

      Pumasok sa silang dalawa sa kanilang room. Nakita ni Jenny silang lahat,sina Edward,Charlie, Sara,at ang team popstar.

      "Jenny,doon may bakanteng upuan.",sabi ni David.

Prince from the Book Where stories live. Discover now