Kapitulo Uno: Pilipinas

1.6K 44 2
                                    

TroyRamos

Namulat at lumaki ako sa kahirapan. Nakapagtapos ako ng high school ngunit hindi naka abot kolehiyo. Nais ko sanang makapag tapos pero sadyang hindi kaya ng magulang ko dahil hindi lang ako ang anak nila.

Panganay ako sa walong magkakapatid, sa akin sila umaasa. Nanay kong wlang inatupag kundi ang paglalasing at ang tatay kong nakaratay na lang sa higaan dahil inatake sa puso at na stroke.

Ako si Troy Ramos. Bente-dos anyos. Pang ho-holdap, pang loloko, pang gagangtso at pag akyat ng bahay ang pinangkukunan ko ng ibinubuhay sa buong pamilya ko. Katulong ko ang dalawa kong kapatid dito, alam kong masama ngunit wala na akong magawa.

"Kuya, doon ako sa kanto, ipasa mo sa akin. Doon si Joey sa loob ng iskinita." tinanguan ko ang kapatid.

"Gamitin mo ang mata mo, Gerald. Maging alisto ka!" tumango sya. "Mag ingat ka." sabay takbo ko upang akyatin ang bahay na tatlong araw na namin minamataan. Alam kong delikado pero malaki ang kikitain ko dito. Alas tres na ng madaling araw, patay na oras.

Dahan dahan akong umakyat ng bakod. May CCTV dito pero sisikapin kong hindi makita ang mukha ko. Nang makaakyat ako sa bakod, dumaan ako sa backdoor nila. Patay ang ilaw. Walang tao. Tinahak ko ang pasilyong patungo sa sala kung saan nandoon lahat ng alahas ng asawa ng may ari ng bahay sa ilalim ng sofa.

Dahan dahan akong lumiko pakanan para maka punta kung nasaan ang sala. Napangiti ako nang nakita ko ang sofa nila. Agad kong inusod ito, alam kong nasa ilalim 'yun. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit anong ingay. Hinalungkat ko ang ilalim ng sofa.

"Bingo!" bulong ko nang makita ko na ang mga alahas. Kinuha ko yung pouch bag ko at inilagay lahat ng alahas doon. Pero nagulat ako nang mag bukas bigla ang ilaw.

"Magnanakaw!" sigaw ng dalagang nakakita sa akin.

"Shit!" bulong ko sa isip ko. Nagulantang lahat ng tao sa loob ng bahay. Hindi ako tuminag ng maramdaman kong tinutukan ako sa likod ng baril. Unti unti kong itinaas ang dalawa kong kamay hudyat ng pagsuko.

"Isoli mo lahat ng kinuha mo at makakaalis ka ng payapa." ani ng lalaking may hawak ng baril.

Ngumisi ako. "Paano ako makakasigurado?" tanong ko. Alam kong nilolokoi kang nya ako. Maglokoha kami dito!

"Asahan mong hindi ko ito irereport--" bigla kong inagaw ang baril nya ngunit mabilis din syang naka layo. Hawak ko pa din ang bunganga ng baril, nakatutok iyon sa akin. Mabilis ang pangyayari, kinalabit nya ang gatilyo. Kitang kita ko ang balang papunta sa akin.

Parang nag slow motion 'yon papunta sa akin. Nanginig ang buong kalamnan ko at nag init ang buong katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, Diyosko, katapusankona 'to?

Tumama sa akin ang bala ngunit wala akong naramdamang kahit ano. Nanlalaki ang mata ko nang bigla nya ang bitawan ang baril

Nag aapoy 'yon! At nanggaling 'yon sa sarili kong kamay! Hindi ako makapaniwala! Pati ako'y nabitawan na din ang baril at pinagmasdan ang dalawa kong kamay na nagliliyab sa apoy.

"D-Demonyo!" aniya. "Demonyo ka!" sigaw nya habang umaatras. Naramdaman kong may tao sa likod ko at agad 'yon hinarap saka itinulak. Nakita kong may lumabas na bola ng apoy sa kamay kong nag liliyab.

"Ahhhhh!" sigaw nung babae na dapat hahampasin ang likod ko. Nagliliyab ang buo nyang katawan. Luminga ako at nakita ko ang mismong may ari ng bahay. May hawak syang shotgun at agad akong binaril. Lalong uminit ang buo kong katawan.

Bang! Bang! Bang!

Sunod sunod na pag putok.

"Ahhhhhhhhhh!" sigaw ko sa galit nanginig ang buo kong katawan at mas lalo pang nag liyab ang buo kong kamay. Itinaas ko iyon at itinapat sa mag asawa. Kita kita ng dalawang mata ko kung paano sila kainin ng apoy. Napangisi ako. Susunugin ko ang buong bahay!

Amba kong susunugin ang sofa nang may maramdam akong kamay na nakapatomng sa balikat ko.

"Troy, kumalma ka..." aniya. Hindi ko alam kung anong meron pero unti unti akong kumalma. Unti unti din nawala ang apoy sa kamay ko at unti unting bumalik ang dating init ng pakiramdam ko.

Nang kumalma na akong tuluyan ay hinarap ko sya. "S-Sino ka?!" kunot noo kong tanong.

Ngumiti ito "Ako si Rapael, at ikaw ay napiling taga pangalaga ng mundo..."

Pacific Ring of FiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon