Kapitulo Singko: Chile

751 28 2
                                        

Monica Gonzales

"Saan kayo pupunta, Nica?" tanong ko nang makita ko sila ng Mama nya (step-mom ko) na paalis.

Tumaas ang kilay nya sa akin.

"Well..." lumakad sya papalapit sa akin. "Mind your own bussiness na lang, alright?" aniya.

"Wawaldasin nyo nanaman 'yung pera ni daddy--" bigla akong tinulak ni Tita Ann.

"Keep your mouth shut, my dear." ngumiti sya at hinaplos ang buhok ko.

"A-Aray!" daing ko nang bigla nyang hilahin yung buhok ko na hanggang bewang ko. Straight ito at itim na itim. Namana ko sa biological mom ko.

"Talagang masasaktan ka!" tumaas na ang boses nya.

"T-Tita... Masakit p-po.." pag mamakaawa ko. Pero mas lalo nya pa 'yun hinila.

"Wala na ba kayong gagawin ng daddy mo kung hindi ang maging pabigat?" sabi nya.

Naiiyak na ako pero pinipigilan ko. Kailan 'man ay hindi ako nag pakita ng kahinaan sa harap ng step sister at mom ko dahil ayoko nilang makita na mahina ako kahit ang totoo'y natatakot ako kung anong pwedeng mangyari sa amin ni daddy.

Nadisgrasya noon ang sinasakyang kotse ni daddy, isang taon na ang nakararaan. Sa halip na ipagamot sya ng magaling kong step mom, ay pinabayaan lamang sya. Wala naman na akong magawa dahil lahat ng titulo at ari-arian namin ay ipinangalan sa kanya ni daddy.

"H-Hindi po k-kami pabigat n-ni dad-ddy.." sabi ko. Ang sakit sakit na ng anit ko.

"Baldado ang daddy mo, wala ka din namang kwenta. Edi ano ang tawag sa inyo, pabigat!" tumaas ang boses nya.

"Yeah right. You're not even do such things like laundries, bobo!" sabat ni Nica.

Oo, tama sya. Wala akong alam sa mga gawaing bahay dahil pinalaki akong spoiled ni daddy at mommy. Pero mula nang pumanaw si mommy, wala na ang atensyon sa akin ni daddy.

"Monica..." sabay sabay kaming napatingin sa itaas ng hagdanan.

"Daddy..." sambit ko.

Nandoon sya't pinipilit itayo ang sarili.

"Ann! Huwag 'mong sasaktan si Monica!"  sigaw nya. Hirap na hirap na syang tumayo pero pinipilit nya pa din. Binitawan ni Tita ang Ann ang buhok ko. Napaupo na lang ako sa sobrang sakit na idinulot nito sa akin. Parang nag init bigla ang anit ko.

"Sino ka para utusan ako?!" sigaw ni Tita Ann kay daddy.

"Isa ka lang sa pinatulan ko, Ann!" ani Daddy. Nanlaki ang mga mata ni Tita Ann at dali'y umakyat sa hagdan. Nakaramdam ako ng kaba. Agad akong tumayo pero biglang lumapit sa akin si Nica.

"Where are you going, little sis?" aniya habang naka ngisi.

"Please, don't hurt him. He's still your dad..." nakikiusap kong sabi. Anak sa labas si Nica. Halos magka age lang kami.

Sinabunutan nya ako. Nag init ang buo kong katawan papuntang ulo ko. "He's never been a father to me!" sigaw nya.

"Please, Nica!"

Biglang may malakas na tunog kaming narinig. Sabay kaming napatingin ni Nica sa tungkod ni daddy na gumugulong pababa sa hagadan kasabay nya.

"DADDY!" bumuhos ang luha ko. Hindi pa din ako binibitawan ni Nica. Nagiinit nang tuluyan ang katawan ko. Hangganh sa naramdaman ko ang ulo kong napakainit.

"Ahhhhh" napabitiw si nica sa buhok ko. Umaapoy iyon. "Demonyo ka!"

Pagkasigaw nya nun ay bigla humaba ang buhok ko papunta sa kanya. Nagliliyab ang buhok kong pumulupot sa leeg nya hanggang sa masunog ang katawan nya.

"Nica!" tumatakbong palapit sa akin si Tita Ann nang bigla humaba ulit ang buhok kong pumulupot sa leeg nya. Hanggang natupok na sya ng apoy.

Nanghihinang tinignan ko ang mag inang wala ng buhay. Patakbo kong nilapitan si Daddy pero bago ako nakarating sa kanya ay napadaan ako sa salamin namin. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Nagliliyab pa din ang buhok at ang mata ko ay ako kulay pula.

Ano bang nangyayari sa akin?!

"Ahhhhh!" Sigaw ko habang pinapalis ang apoy na nasa buhok ko. Maya maya ay biglang may humawak ng pulsuhan ko.

"Monica, sumama ka sa akin.."

"Sino ka?!"

"Ako sa Rapaelk at ikaw ay inatasang magtanggol sa mundo..."

Pacific Ring of FiresMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon