Kyle Roberts
"Hindi ba sinabi kong bumangon ka na jan?!" sigaw ng aking ina nang nakatulog ulit ako pagkatapos nya akong gisingin kanina. "Napaka tamad mo talagang bata!" aniya.
Tatayo na ako nang sipain nya ako sa aking tagiliran, napaiktad ako sa sakit.
"Bwisit!" sumipa pa sya ng isa. Napapikit ulit ako dahil may sugat ako sa aking tagiliran na hindi pa gumagaling. "Hala! Tumayo ka na jan!"
Tumayo na ako at pinanuod ko syang nag mamartsang paalis papuntang kusina.
Kinusot-kusot ko ang aking mata at nag inat.
Ako si Kyle Roberts, siyam na taong gulang. Namatay na ang totoong ina ko at iyon ay pangalawang asawa ng tatay ko na yumao na din pagkatapos magkasakit dahil walang mapampagamot.
Simula noon ay kinatulong na ako ng aking step-mom sa pag-hahanapbuhay. Ipinasok nya ako sa isang sakahan malapit sa bahay namin.
Dumeretso akong banyo at naghilamos. Tinignan ko ang tagiliran kong sinipa niya at napangiwi nang nakita kong lalong dumugo ang sugat na nandoon. Hindi ko na iyon pinansin at lumabas na ng banyo at dumeretsong kusina upang magpaalam na aalis na ako.
"Mommy, aalis na po ako." pagpapaalam ko.
Nagtawanan ang mga kasamang iba pang babae nya sa kusina. Lima silang naroroon at pareparehong humuhithit.
"Tessa, nagpapaalam sayo ang anak ng kinabitan mong walang kwenta." sabi ng mataba sabay hagikgik.
Lumingon sa akin si Tessa. Naiiyak ako. Bakit nila ginaganon ang papa ko?
"Sige na lumayas ka na sa harap ko. Wala kang kwenta, kung gusto mo'y sumunod ka na sa tatay mong wala din kwenta!" aniya at ibinuga ang usok galing sa hinithit nya.
Umubo ako at dahil doon ay nagtawanan ulit ang mga kasama nya.
Naiyak na akong tuluyan. Nag init ng sobra ang mata ko't nanginig ang katawan ko.
"Anong nangyayari sa kanya, Tessa?" tanong ng isa nyang kasama nang mas lalo pang nanginig ang buong katawan ko.
Hindi ko na makontrol ang panginginig nito at tumirik na ang mata ko.
Narinig ko ulit nagatatawanan sila. Na para bang ang saya saya nilang nagkakaganto ako.
"Aba, malay ko sa batang iyan." sagot ni Tessa.
"Baka naman mamatay yan?"
"Edi mamatay sya!"
Hindi pa din tumigil ang panginginig ng katawan ko at pag tirik ng mata ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko makontrol ito ngunit alam ko pa ang nangyayari sa aking paligid.
Sinipa ako ni Tessa. Nakita ko kahit tirik ang aking mata. Natumba ako sa sahig at tumayo ang iba pa nyang kasama at pinagsisipa ako. Sa ulo, sa binti, sa kamay. Sa buong katawan ko, ngunit wala akong nararamdamang sakit.
Naramdaman ko ang isang malakas na pukpok sa aking ulo, dahilan na mawalan ako ng malay.
NANG magising ako'y parang lumulutang ako sa hangin.
Idinilat ko ng buo ang aking mata. "Sino ka?!"
Ngumiti sya sa akin. Buhat buhat ako ng isang lalaki.
"Saan mo ako dadalhin?"
"Sa lugar kung saan ka nararapat."
"Sino ka ba?"
"Ako si Rapael..."

BINABASA MO ANG
Pacific Ring of Fires
AdventureSa labing-apat na bansang may mga aktibong bulkan, may isisilang upang ito'y alagaan. Labing-apat na sanggol ang isinilang, napiling tagapangalaga, nakatakdang magkita-kita Iba't ibang landas ang tatahakin ngunit iisa ang hangarin Hindi lahat may ma...