Kapitulo Syete: Guatamela

655 24 3
                                    

Carmela Ortiz

I worked hard to give my family a decent and beautiful life. Hindi ko na nabigyan ang sarili ko. Pero bakit parang kulang pa din?

"Ate, kinausap ako ng doctor kanina." Maggie approached me as I open our door. "Umuwi lang ako dito para maka usap ka't kumuha na din ng damit, alam ko naman na hindi ka na makaka deretso sa hospital dahil pagod ka."

That true. Araw araw akong nag o-over time para lang may pampa-ospital ang mama at matustusan ang bisyo ni Papa.

Napapikit ako ng mariin at tinignan si Maggie na ngayon ay naghihintay ng sagot ko.

"Just let me in and change my clothes first, then let's talk." sabi ko at dumeretso sa kwarto ko. Tumango sya't pinilit ngitian ako.

Nang makapagpalit ako ay binalikan ko sa sala si Maggie.

"Ate, about dun sa sinabi ng doctor..." napayuko sya at nag angat din ng tingin sa akin. May nag babadyang tumulong luha sa kanya mga mata. "Mama needs an operation right away. They sa-said that if Mama didn't take that operation she will die eventually." tumulo na ang luha nya.

"G-Ganoon ba..?" parang nanghina ang sistema ko. Sa loob ng dalawampu't tatlo kong nabubuhay sa mundo, si mama ang naging sandalan, karamay, at naging kaibigan ko.

Sunod sunod ang ginawa nyang tango "Ate... Ate... Ayokong mawala si Mama! Just do everything! Ako, ano bang magagawa ko?! Tutulong ako ate!" hagulgol niyang sabi.

Naiyak na din ako. Maggie's still young and innocent. She's just fifteen this year and had to stop her studies due to Mama's condition.

"No, stay at Mama's side. I will do everything, alright? Kailan kailangan operahan sya?" tanong ko.

"Bukas daw..."

"Okay. Bukas maooperahan na si Mama. Bumalik ka na sa ospital, mama's waiting for you." tumango sya. "Heto..." dumukot ako ng bente sa bulsa ko at inabot sa kanya. "Pamasahe mo. Magiingat ka."

Sabay kaming napalingon nang biglang bumukas ang pinto.

"Pa!"

"Ay puta, bakit nandito yang batang yan?!" sumugod si Papa kay Maggie. Lasing sya at alam kong hindi nya titigilan si Maggie dahil sya daw ang sumusolsol sa akin para ipagamot si Mama.

"Papa, tama na!" hinarang ko ang katawan ko kay Maggie. "Aalis na sya."

"Hindi, huwag mo ipagtanggol 'yang batang yan!" itinulak nya ako. Tumama ang kanan kong braso sa kanto ng lamesa namin.

Nanghina ang katawan ko ngunit nag-init ang kanan kong braso. Hindi magawang tumayo.

Nakita kong hinawakan ni Papa ang braso ni Maggie na ngayon ay umiiyak lang.

"Putangina kang bata ka! Dapat ay hindi pinag-aaksayan ng pera ang nanay mong walang kwenta! Wala na tuloy nabibigay na perang sapat sakin ang ate mo!" niyugyog nya si Maggie at saka sinampal ng malakas.

"Maggie!" humampas ang katawan ni Maggie sa tabi ko sa lakas ng pagkakasampal ni Papa.

"Ate! Ang sakit!" sigaw nya nang humampas ang likod nya. Kasabay noon ay nawalan sya ng buhay.

"Buti nga." nginisian lang ni Papa si Maggie na nakalumpasay at saka umakyat.

"Maggie?!" nilapitan ko sya. "Maggie gising na, sasamahan kita pumunta kay mama." tinampal tampal ko ng mahina ang pisngi nya.

"Mag?" inihiga ko sya sa hita ko. "Maggie!" yinakap ko sya at nagsimulang nag unahan ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Maggie, huwag mo naman akong iwan." niyugyog ko ang katawan nya. "Maggie naman..."

Maya-maya ay naramdaman ko ang pag tulo ng dugo mula sa kanyang batok. Nanginig ang kamay ko habang tinitignan ko iyon na punong puno ng dugo.

"MAGGIE!" hagulgol ko.

Paano nagawa sa kanya ito ni Papa? Wala syang kwenta. Nirespeto ko sya buong buhay ko pero anong ginawa nya sa kaisaisa kong kapatid?!

Naginit ang katawan ko.

Nanginig ang kalamnan ko.

Unti unti akong tumayo at dahan dahan inilapag ng maayos si Maggie.

Wala sa sarili'y umakyat ako at nagtungo kung saan naroroon si Papa. Habang palapit ako ng palapit ay nagsisimulang magliyab buong kanan kong braso at tinutubuan ng malilit na bato.

Binuksan ko ang pinto at nadatnan kong nakahiga si Papa. Nilapitan ko sya't sinakal gamit ang kanan kong kamay. Pahigpit ng pahigpit ang sakal ko hanggang sa mawalan sya ng buhay at kainin ng apoy ang buo nyang katawan.

Nakatitig lang ako sa kamang nag-aapoy habang nilalamon ang katawan ni Papa nang may maramdaman akong humawak sa balikat ko.

"Carmela..."

Tila bumalik ako sa aking katinuan.

"APOY!" napatingin ako sa kanan kong balikat "B-Bakit may apoy?!" binalik ko ang tingin sa kamang nagliliyab.

"Papa?" lumapit ako doon. "Papa!" hagulgol ko.

"Carmela..."

napalingon ako sa tumawag sa akin. Naka ngiti sya.

"Sino ka?!"

"Ako si Rapael."

"A-Ako ba ang may gawa nito?" turo ko kay Papa.

Tumango sya. "Kakaibang kapangyarihan ang taglay mo at kailangan mong sumama sakin dahil isa ka sa napiling taga pangalaga ng mundo..."

Pacific Ring of FiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon