PROLOGUE

2.9K 62 4
                                    

PROLOGUE

Sunod sunod na pagsabog. Walang katapusang agawan ng buhay. Isang digmaan laban sa buhay at kamatayan.. Sa 'di kalayuang kaharian, nanahan ang haring nagsilbing buhay at ilaw ng mundong ating ginagalawan. Diyos ng Araw at Buwan.

"Mahal na hari, nais ko pong malaman kung ayos lang po kayo." ani ng kaniyang taga sunod. Tumango ang hari at ngumiti ito ng mapait. Naka upo lamang sya sa kanyang trono habang ang mga kawal niya'y walang awang pinapaslang ng kawal ng Kamatayan.

"Hindi ko nais mag karoon ng digmaan laban sa buhay at kamatayan..." anito Tumingin sya sa labas ng kaharian at mula roon ay tanaw nya ang pakikipagsapalaran ng tauhan nya. "...at nararamdaman ko ding mayroon nanamang bulkang sasabog."

Nagulat ang taga sunod sa sinabi ng hari at dali'y nag angat ito ng tingin sa koronang nakasuot sa hari nya. Dumako ang paningin nya sa labing-apat na batong naka-ukit sa koronang iyon tanda ng labing apat na bansang mayroong mga aktibong bulkan. Nag liliyab ang batong nasa silangan, bulkan sa Pilipinas.

Ngumiti muli ng pilit ang hari at pumikit ng mariin at hinubad ang koronang nagsilbin nitong kapangyarihan sa nag daang libong taon. "Nais ng Diyos ng Kamatayang  mapasakamay niya ang koronang inalagaan ko." aniya. "Nais kong matapos na itong walang hanggang digmaan."

Nanlaki ang mata ng taga sunod sa kagustuhan nito. "Ngunit, mahal na hari, baka kayo'y nabibigla lamang!" lumuhod ito sa paanan ng hari at ibinaba ang ulo. "Ang pag tapos ng digmaan ay hudyat ng inyong pag suko sa Diyos ng kamatayan, paano naman ang mundo?!" nagsusumamong tugon nito.

Tumayo ang hari sa kanyang kinauupuan at lumuhod kapantay ng taga sunod. Nag angat ng ulo ang taga sunod. Nginitian sya ng pagak ng hari. "Ang sabi ko'y nais kong wakasan ang digmaan at ibaba ang korona ko." muling tumingin sa labas ang hari at muli niyang nakita ang pag hihirap ng mga tauhan nya. "Subalit hindi ko isusuko ito sa Diyos ng kamatayan.." itinayo nya ang taga sunod.

Laking pagtataka ng taga sunod. "P-Pero, p-paanong--?" nagugulahang wika ng taga sunod.

"Humayo ka, Rapael, ipagkatiwala mo ang aking labing apat na bato sa mga nararapat para pangalagaan ang mundo at tapusin ang digmaan." pinadaanan ng kamay hari ang mga batong naka ukit sa kanyang korona. Napunta lahat iyon sa kanyang palad at inabot kay Rapael.

Makapangyarihan ang mga batong iyon ngunit walang kakayahan upang tapusin ang walang hanggang digmaan. Masyado nang dumadami ang mga pagsabog ng bulkan ang nagaganap, bawat pagsabog nito ay hudyat ng kahinaan ng hari.

"Bilisan mo! Malapit nang magsara ang lagusan. Ingatan mo iyan, Rapael. Umaasa ako sa'yo..." ani ng Hari. Tumango si Rapael. Ipinatong ng hari ang kanyang palad sa ulo nito "Ibinibigay ko sa'yo ang aking basbas. Nawa'y maging tagumpay ang iyong misyon..."

"Maasahan nyo po ako, mahal na hari, sayo at sayo lamang ang aking katapatan." aniya. Nginitian sya ng hari. "Lilisan na po ako." tinalikuran nya ang hari at daling inilagay sa supot ang mga batong ipinagkatiwala sa kanya.

Ngunit sa gitna ng kanyang paglalakad patungong lagusan papuntang mundong ibabaw ay nakita sya ng isang kawal ng Kamatayan.

"Rapael!" napatigil sya sa paglalakad. Kilalang kilala nya ang boses na iyon. "Saan ka patungo?!" nilingon nya ang nagsalita.

"Bakit, mayroon ka bang pakialam?! Mula noong tinalikuran mo ang kahiraan ay nawalan ka na din ng karapatang sa akin, Talos!" galit nyang pahayag sa kapatid.

"Pero iyon ang makakabuti!" ganting sigaw ng kapatid nyang pumanig sa Diyos ng Kamatayan mula noong nalaman nyang unti unti nang nanghihina ang hari. At wala nang kasiguraduhan ang kapangyarihang taglay nito.

"Hinding hindi magiging mabuti ang pag panig sa kamatayan, Talos!" humakbang palapit si Rapael sa kapatid ngunit tinutukan siya nito ng espadang may apoy ng itim. Tanda ng pag talikod sa Buhay.

"Wala kang karaapatan!" muling iniimba ni Talos ang espada ngunit bigla na lang itong natigilan at may lumabas na dugo sa kanyang bibig.

"Ina!" tawag ni Rapael. Sinaksak ng kanilang ina ang kaniyang nakakabatang kapatid.

"Hindi na sya ang kapatid mo, Rapael." sumulyap ito sa walang buhay na si Talos at saka tumingin kay Rapael. "Narinig ko ang usapan nyo ng hari, dalian mo at malapit na malapit nang magsara ang lagusan!" aniya.

Ngunit biglang may bolang apoy na kulay itim ang babagsak sa direksyon nila. Nagdalawang isip si Rapael kung tutuloy sya o ipagtatanggol ang ina. "Bilisan mo anak! Hayaan mo na ako." kasabay ng pag tulak ng kanyang ina palabas ng lagusan ay ang pag sabog ng bolang apoy sa kinaroroonan nito.

Hindi na muling lumingon pabalik si Rapael, ngunit hindi nya din napigilang tumulo ang luha mula sa kanyang mata. Tanggap na nya, sya ang isinugo ng hari upang maibalik sa kapayapaan ang mundo nila bago pa madamay ang mundong ibabaw.

"Pilipinas, diyan ako unang tutungo..."

Pacific Ring of FiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon