Kapitulo Sais: Peru

773 29 3
                                    

Jonas Gomez

"FIRE!!!" 

Pinaulanan namin ng putok ang kampo ng kalaban. Ako si Jonas Gomez, isang sundalo. Pangarap ko ito mula noong bata pa ako pero nangako ako sa asawa ko na magreretiro na ako pagkatapos ng misyon na ito.

Magkakaroon na kasi kami ng unang anak. Natatakot sya na baka wala daw itong masilayan na ama pag silang kung ipagpapatuloy ko pa ito. Kaya nakapag desisyon na ako, alalang alang sa magiging anak ko.

"May bombang naka tanim, hanapin mo Gomez bago pa sumabog at madamay ang mga na hostage nila." ani General.

"Sir, yes, sir!" tumbakbo ako paatras habang sila'y sumusugod sa harapan ng warehouse kung saan nagaganap ang malaking transakyon ng droga. Hinding hindi basta ang misyong ito, malalaking tao ang mga nasa likod ng mga transakyong nagaganap nang hindi nalalaman ng gobyerno.

Tumingin ako kaliwa't kanan. Dahan dahan akong nag lakad papunta kung nasaan ang bomba.


Kong mag ingat lalo na't napaka mapanganib ng gagawin ko -- ang pahintuin ang naka tanim na bomba.


Toot... Toot... Toot...


Natunton ko na ang bomba. Tumakbo ako patungo doon ngunit may patibong! May lubid na halos hindi mo makikita kung hindi mo titigan iyon. Napatid ako doon at natumba.


Tootoootoootoootoot!


Nanlaki ang mga mata ko! Napaka utak talaga ng mga iyon! Nang napatid ko ang lubid na naka konekta sa bomba'y biglang bumilis ang oras nito. Kailangan ko tong gawan ng paraan!


Ngunit kahit ikaila ko'y natatakot din ako. Nasa bingit ako ng kamatayan, pero may oras pa ako para lisanin ang lugar at iwan ang grupo ko.


Napailing ako. Mali ang iniisip ko! May pamilya din sila tulad ko. Kailangan ko itong gawan ng paraan. Tumayo ako mula sa pagkakadapa at tinungo ang bomba.


Pero napatigil ako nang makita kong nalaglag ang litrato ng asawa kong malaki na ang tiyan doon. Pinulot ko ito. Kailan kong makaligtas.

Nang makalapit ako sa bomba ay dali ko iyon hinawakan at inekspeksyon kung paano ito magagawan ng paraan. Wala nang oras!

02:54:23

Napakabilis tumakbo ng oras.

Inilabas ko ang susi na pwedeng makapagpatigil at sinusi doon. Ngunit mali ang akala ko.


00:00:00

BOOM!




Napadilat ako. Naalala kong sumabog ng bomba sa mismong kamay ko, bakit wala akong natamong galos?! Tumayo ako't luminga linga. Nanlumo ang buong sistema ko at nag init ang kalamnan ko.

Ang mga sundalo kong kasamahan. Lahat sila'y nakahandusay at walang malay. Nakita ko si general, tumakbo ako patungo sa kanya. Lahat ng madaanan ko'y ginagalaw ko pero wala na silang buhay. Lalo akong nag init.

Nang malapitan ko si General...

"AHHH!" malakas kong sigaw nang makit kong halos mawalan sya ng mukha sa natamong pinsala. Kasalanan ito ng mga iyon!

Nag init ang mata't kamay ko! Hindi namalayan na nag liliyab na iyong kamay ko. Napatitig ako sandali't napatawa ng pagak. May kapangyarihan ako.

May kapangyarihan ako!

Narinig kong may umandar na sasakyan sa di kalayuan. Sila yon! Ang mga sindikatong kumitil ng mga inosenteng buhay!

Tinakbo ko iyon at nang maabutan ay hinarang ko ang sasakyan nila.

"Putangina! May nakaligtas pa?!" Sigaw noong driver kaya bumababa ito. "Tibay mo ah-- AHHHHHH!" pinaliyab ko ang buong katawan nya sa apoy. Tumingin ako sa ibang kasamahan nya na tatakbo ngunit inabutan sila ng nagliliyab kong mga kamay!

Pinapanuod ko silang matupok. Napaupo ako. Hindi pa din sapat iyon! Kailangan kong--

"Jonas..."

Napatingala ako sa tumawag sa aking pangalan. Nginitian ako nito at sinabing

"Tama na iyan, Ako nga pala si Rapael at ikaw ay napailing taga pag alaga ng mundo..."

Pacific Ring of FiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon