Kapitulo Dos: Indonesia

1.2K 37 2
                                    

Jewel Tanoto


Tahimik habang ako'y mag isang kumakain sa aming mahabang hapagkainan. Napapalibutan ako ng mga katulong, madami ding nakahain sa aking harapan at sa gitna 'non ay may isang cake na may nakatarak na numerong kandilang '18'.

Ika-labing walong kaarawan ko ngayon subalit ni hindi magawa ng mga magulang kong saluhan ako kahit sa espesyal na araw ko lang. Puro negosyo ang nasa isip nila, ni hindi ata ako sumagi sa isip nila.

Lumapit sa akin si Talima, ang secretary na binigay sa akin ni Mama at may inilapag na pahabang kahon sa harap ko.

"Pinadala ng mama mo, Jewel, ngayon lang..." aniya. May inilapag pa syang kulay gold na card sa harap ko "...at eto naman galing sa papa mo." tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.

"What are they trying to prove? Are they being parents to me now because they gave me this?" sarkastiko kong saad. Binuksan ko ang kahon na pahaba at tama ang hinala kong isa 'yon kwintas. "Aanhin ko 'to?" inis kong sabi. Tahimik lang si Talima at ang mga katulong habang binubuksan ko naman iyong card na bigay ni Papa.

Napataas ulit ang kilay ko nang makita kung ano 'yung nasa loob ng card "Ticket trip to Paris?" natawa na akong tuluyan "Is this what they've got after working hard for how many years?" humarap ako kay Talima. "Throw them away." sabi ko sabay punas ng bibig ko at tumayo sa aking inuupuan. Pupunta akong kwarto ko, nauuyam na ako.

"P-Pero, Jewel, sayang naman i-iyon" aniya. Hinarap ko sya ulit.

"If you want take the necklace and go to Paris, Talima." ngumisi ako.

Nagulat sya sa sinabi ko. "Hindi papayag ang mama mo, Jewel."

"Ako ang bahala. Ako ang pinagsisilbihan mo, si mama lang ang nag papasweldo sa'yo. I am ordering you to take two weeks vacation, Talima. If mama fired you, don't worry, I have all the money to pay you." sabi ko. Kinuha ko ang pouch bag ko sa lamesa sabay dukot ng cash at nilagay sa kamay nya. "Now go. If I ever sees your face tonight, ako mismo ang tatanggal sa'yo!" tuluyan ko na syang tinalikuran.

Damn my life! I never want this life eversince. Ugh! I was living with our maids for eighteen years! Uuwi lang sila to check the house or may dinner sila dito with investors. They never went to my room and bid goodbye to me when they are leaving. Minsan hindi ko napmamalayan na dumating pala sila pero nung nalaman ko'y nakaalis na pala sila.

I went to my room and lay in the bed. I need some sleep. I hate it when my birthday is coming, eto na lang ang kaisa isang araw sa loob ng isang taon na dapat ay espesyal ako but no! Every birthday, I am feeling worst.

Naalimpungatan ako nang tumutunog ang cellpohone ko. Kinapa ko 'yon sa ilalim ng unan ko and then I check the clock, it's only 1 AM.

Mommy calling...

"Hello..." tamad kong sagot.

"I heard that you threw away my gift and you let Talima use the ticket, Jewel." aniya nya na may halong galit sa tono.

Pacific Ring of FiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon