A/N: Imaginin nyo po ulit na Nihongo ang salita nila. Hehe. Aishiteru ^^
Sato Megumi
Shiiik!
Pinanuod ko ang mga dugong tumatalsik mula sa kanyang leeg. Walang emosyon ang mukha ko habang nakatitig sa nakalupasay na lalaki sa sahig habang hawak ko ang samurai na ginamit upang paslangin ito. Tumutulo pa dito ang sariwang dugo mula sa kanya.
"Megumi, misyon 23, done." bulong ko habang nakatapat ang bibig ko sa communication device na naka konekta sa kapwa ko assassins. Pero iisa lang ang hinahatiran namin ng impormasyon, ang pinuno namin.
Ako si Megumi Sato, bente tres anyos. Sabi ng nanay ko ay isa daw akong biyaya. Dahil ilang beses sya nakunan bago ako lumabas. Pero wala na sya. Wala na akong magulang, at hindi ko din alam kung paano ako napunta sa ganitong trabaho.
Pagkatapos ko ng misyon na 'yon ay dumeretso ako sa apartment ni Teiko Yamamoto. Siya ang kasintahan ko. Hindi nya alam na ganito ang trabaho ko dahil hindi ko alam kung tanggap ba nya 'ko.
"Teiko, nandito na 'ko!" masigla kong bati sa kanya. Naabutan ko syang nanunuod ng T.V. Tumingin sya sa akin at ngumiti, sinalubong nya gad ako ng mahigpit na yakap.
"Hmmm.. Miss na kita." sabay halik nya sa pisngi ko. Dalawang araw akong hindi naka uwi dahil sa misyon ko. Nagdahilan na lang ako sa kanya. Mayaman ang pamilya nya, pero wala naman sila naging problema sa akin. Gobernador ang papa nya, habang ang mama nya'y lawyer.
"Miss na din kita." sabi ko. "Kumain ka na?" naka ngiti kong tanong.
Umiling sya. "Hindi pa, iniintau kita eh." aniya. Napangiti ako.
"Oh tara kain na tayo, may dala akong noodles.." masayang sabi ko. Kumain na kami at pagkatapos ay natulog na.
Habang natutulog ako'y narinig ko ang pag tunog ng communication device. Dahan dahan akong bumangon. Para sa mga assassin tulad ko ay hinasa ang kakayahan sa pakikipag laban, ang lakas ng pakiramdam at pandinig.
Isinuot ko yung communication device sa tenga ko "Code 111.”
"Emergency mission, Megumi Sato. Reika Furukuwa." sabi sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako at tumingin sa orasan. Ala una pa lang ng madaling araw. Ayoko nang gisingin si Teiko kaya't nag iwan na lang ako ng sulat at inilapag sa beside table.
Umalis na ako at mabilis na nakarating sa kampo namin gamit ang big bike ko. Dalawa kaming pinatawag ni Reika. Hinarap namin ang pinuno namin.
"Sato..." tumingin sya sa akin "Furukuwa..." tumingin naman sya kay Reika. Inilapag nya ang folder na puti. Saka sya umalis sa harapan namin. Laman niyon ay impormasyon sa misyon namin ngayon. Ako ang kumuha noon at binuklat. Nanlaki ang mga ko nang makita ko ang sino ang papaslangin namin. Ang papaslangin ko.
Ang tatay ni Teiko. Si Mr. Yamamoto! Nanginig ang kamay ko at ramdam ko ang pag tulo ng pawis mula noo ko.
"Ayos ka lang, Megumi?" tanong ni Reika. Tumango lang ako. "Tara na nang matapos na 'to! Minsan iniistorbo na lang tayo eh. Pwede naman ipagawa bukas ng umaga!" aniya sabay sakay ng motor nya.
Sumakay na din ako ng motor at sinundan sya. Habang pinapatakbo ko ang motor ko, hindi ko maiiwasang mapatingin sa samurai na gagamitin ko upang mapaslang ang misyon namin ngayon.
Tumigil ang motor ni Reika sa pamilyar na bahay. Pamilyar kasi naka punta na ako dito dahil pinakilaka ako ni Teiko sa pamilya nya.
"CCTV both sides." aniya. Kinuha nya 'yung samurai nya at binasag ang unang CCTV na nakita nya. Nasa kabilang dulo ako ng gate at sinensyasan nya akong basagin na din ang CCTV na nandon. Nanginginig ang kamay ko habang dinudukot ko ang samurai ko sa gilid ng kaha ng motor ko.
BINABASA MO ANG
Pacific Ring of Fires
AdventureSa labing-apat na bansang may mga aktibong bulkan, may isisilang upang ito'y alagaan. Labing-apat na sanggol ang isinilang, napiling tagapangalaga, nakatakdang magkita-kita Iba't ibang landas ang tatahakin ngunit iisa ang hangarin Hindi lahat may ma...