H A I L E Y ' S P O V
Tatlong araw na ang nakalipas mula nung sinabi niya sa mga kaibigan namin na 'We're back together.' Tatlong araw na din na sinisira ng katagang yan ang araw ko tuwing umuulit ito sa utak ko. I never had a chance na bawiin ang sinabi ni Troy kila Rhina, eh paano, hindi niya ako iniwan hanggang sa kaming dalawa na lang para hindi ko masabi ang totoo, at hindi pa ulit kami nagkikita dahil na siguro iba ang school ko sa kanila at sa schedule namin. And also, wala akong number nila tss.
Si Aly at Geanne-sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang may ibang lahi. Half Filipino half Chinese kasi siya. Well, some of my friends looks like half half dahil sa tangos ng ilong- Jacob, Kevin and Aly; or minsan sa mata(singkit)- Rhina, me and Troy; or sometimes sa puti- Aly, Kylie, me and Troy. Wait? Bakit nakasama si Troy? Kaibigan ko ba yun? Oh well, maybe yes, maybe no, but I don't know.
As I was saying.. si Kylie at Geanne ay nagpunta sandali sa cr at iniwan ako dito sa school canteen. Hindi pa ako kumakain dahil hinihintay ko sila na mag-order pagbalik nila. Tinatamad pa ako eh. Hehe. Naalala ko yung so called boyfriend ko kasi, hindi ko pa nakakausap mula ng ihatid niya ako pabalik dito sa SEU last three days. So it means hindi ko pa din siya napagsasabihan o nasasapak o kung ano man ang kaya kong gawin sa kanya dahil sa sinabi niya. Naikuwento ko na din kay Aly at Geanne ang nangyari pagbalik na pagbalik ko sa school, kung ano ano naman ang sinabi nila sa akin tulad na lang ng 'baka sinabi niya yun kasi yun din talaga ang gusto niyang mangyari, nagpapakipot lang' 'Oo! Parang sa wattpad diba? Ganun din yung mga twists usually sa stories!' at nasabihan pa ako ng 'hindi marunong makiramdam' hindi marunong makiramdam eh hindi naman malinaw kung ano ba talaga ang pakay ng Troy na yun kung bakit niya yun ginawa. Kung ganun nga talaga ang gusto niyang mangyari eh goodluck na lang sa kanya, wala siyang mapapala. Kung hindi naman at pinagtritripan lang niya ako, sorry siya nag-aaksaya lang siya ng panahon niya. Hindi niya na ako maloloko.
"Hailey!" Sigaw ng isang babae sa harap ko na dahilan ng pagkagulat ko.
Tinignan ko siya pero mukhang ngayon ko lang ito nakita. Pero bakit niya ako kilala? Umupo siya sa upuang katapat ko at pinatong niya ang mga elbow niya sa lamesang pumapagitna sa amin.
"I'm Jade, ikaw yung girlfriend ni Troy dati diba?" Parang nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa tanong ng babaeng to.
"Paano mo nalaman?" I asked her with a shocked expression.
"Well, hindi mo alam kasi ordinary girl lang naman ako hindi ako katulad niyo na mga populars.. I was your fan, noong 2nd yearhighschool ka, 1st year naman ako non sa NIS ang galing galing mo kasing kumanta at sumayaw! I'm one of your 18.2k followers on Ig (Instagram) and 10.1k followers on twitter, then added you on facebook kaso hindi ka na pwedeng tumanggap ng friend request sa dami ng naga-add sayo. Yun lang ang accounts na meron ako eh." Panimula niya ng kanyang explaination.
Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganitong fan, oo magaling akong kumanta at sumayaw. Ako ang nagrerepresent sa school namin pag may contest at ako ang star dancer ng group ng mga dancers at president ng music club sa school. Malaki laki din ang school so hindi imposibleng mangyari to, pero unexpected lang talaga. Magfofour years na din akong wala sa FDU kaya akala ko wala ng nakakaalala sa akin meron pa pala.
"..and?" I asked para ituloy niya ang explaination niyang hindi tapos.
"Yun nga, and knowing Troy Salvador as one of the campus hearthrob and owner of the school. There was a rumor na your in a secret relationship with him because your too young for relationships at baka malaman ng parents mo ay pagagalitan ka nila. I wanted to know the real score between the both of you so I tried to figure it out. Until I found out that it was true. But don't worry hindi ko yun kinalat." Pagtatapos niya sa mahaba niyang nobela, char! Ngumiti siya ng malapad na parang nanalo sa pacontest.
