H A I L E Y ' S P O VMaaga akong pumasok at hindi ko pa nakikita sila mommy mula kagabi.. ayoko silang kausapin. Naiinis ako hindi sa kanila pero sa mga desisyon nila para sa'kin na wala akong kaalam-alam. Naging maayos naman ang klase ko ng umaga pero paminsan-minsan ay lumilipad ang isip ko. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Natapos ang pang-umaga na klase at kasama ko ngayon si Alyssa. Sila ang may ari ng school na pinapasukan ko ngayon. Concord University.
"Omhyghaad! Hailey Fortalejo and Troy Salvador is destined for each other!" Sigaw ni Aly habang nakaupo kami sa bleachers ng gym pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kagabi.
"Wag ka ngang maingay Alyssa Mae Gonzales!" Sigaw ko dahilan para magpout siya. Pinalibot ko ang mata ko sa buong gym at narealize ko na medyo madami din ang napatingin sa amin ngunit inalis din ang tingin. Siguro, kasi hindi naman sila intresado sadyang nag-agaw pansin lang ang maingay na boses ni Aly.
"Alam mo kasi, tigilan mo na yung paniniwala sa mga fairytales, destiny, meant to be.. tignan mo nga, tuluyan ng nilamon ng mga yan yang pag-iisip mo!"
"Hindi naman." Pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Anong hindi naman? Nagkita lang ulit meant to be agad? Eh ikaw nga araw araw kayong nagkikita nung nagbebenta ng mani sa labas. So meant to be din kayo?" Biro ko kaya napataas ang isang kilay niya habang nakapamewang.
"I'm not playing jokes with you." She said seriously.
"So do I. Yung business lang ng family namin ang partners. Not us. Not ever. " mataray kong sagot.
"Think. After long lonely years, bakit pa kayo pinagtagpo ulit?" Tanong niya na parang alam niya ang dahilan ng lahat ng nangyayari.
"Hindi kami ang pinagtagpo. Yung resort namin at hotel nila. Tsaka hindi naman lonely yung mga years ko na wala siya. Never ko siyang kinailangan para sumaya. I have my friends and of course, my family." She raised her eyebrows with a sarcastic smile matapos kong magsalita. I just looked at her with my 'what-are-you-thinking' look.
She looked away from me and stared at my phone that is placed between us. She took it and showed me the screen.
"Someone's calling.."
Hmm? Number. Sino kaya tong nakakuha ng number ko?
"Dito ka lang." I told her tsaka tumayo at bumaba ng bleachers para lumayo at sagutin ang tawag.
"He-"
"Glad you answered my call." Sabi agad sa kabilang linya. Isang pamilyar na boses ng isang lalaki ito.
"Um, may I know who this is?" I asked habang nakataas ang isang kilay na parang alam ko na kung sino to.
"Hindi mo na maalala yung boses ko? Parang kagabi lang eh, ang bilis mo namang makalimot." I heard him chuckled. Eh ikaw nga nakalimutan ko noon eh. Nakalimutan na nga boses mo pinapaalala mo pa. Parang yung sakit na pinaramdam mo sakin noon. Char! Bakit ba ang hilig mong ibalik ang mga bagay na nakalimutan na?! Tulad ng ala-ala nating dalawa?!
"Eh ikaw nga nakalimutan ko, yung boses mo pa kaya? Tsaka sinagot ko yung tawag mo kasi hindi ko alam na ikaw yung tumatawag kung alam ko lang edi sana hindi ko na sinagot." Pagsusungit ko.
"Tss."
*tut* *tut* *tut*
Pinatayan ako? Ano? Nainis na siya sa ganun? Pikon naman pala eh hahaha. Sino ba kasing may sabing tumawag siya?