T R O Y ' S P O V"Saan sila?" Takang tanong ko nang si Jacob lang ang nadatnan ko sa canteen, "Anong tingin 'yan?" Pagtutukoy ko sa masama niyang tingin.
"We're here!" Napunta ang atensyon ko sa paakyat na sila Geanne.
"Saan kayo galing?"
"Ah.. hinatid namin si Hailey sa taxi. May kailangan daw asikasuhin e. " si Alyssa.
"Ganon ba?" Nakaramdam ako ng lungkot.
"Gusto niyo na bang umuwi?" Tanong ko sa dalwa.
"Okay lang sayo?" Tanong ni Geanne.
"Oo naman. Tara na?"
"Sige!"
"Alis na kami ha? Kita na lang uli tayo some other time. " si Geanne.
"Sige! Text text. Nag-enjoy ako sa'yo! Haha." Si Rhina.
"Tara na Troyii!"
Hindi ba siya nauubusan ng energy? Tsaka Troyi? The f.
Naging tahimik ang byahe namin dahil nag-headset lang si Geanne sa tabi ko at busy na nakatingin sa daan. Ganon din si Alyssa na parang malalim ang iniisip. Mabilis ko silang naihatid sa Concord Academy. Nagpasalamat lang sila sandali sa paghatid ko at nagpa-alam na kami sa isa't-isa. Doon ko na nailabas ang inis ko. Nandidiri ako sa sarili ko! Mabilis ang naging pagmamaneho pauwi. Nakakainis!! Diretso agad ako sa kwarto dahil wala namang sumalubong sa'kin sa bahay. Batid kong nasa trabaho pa sila at yung kapatid ko ay malamang nasa kwarto niya! Pagsesepilyo agad ang inuna kong ginawa! Kung ano ba naman kasi ang ginawa ng babaeng 'yon! Kadiri siya! Kahit sabihin ang pangalan niya ay hindi ko magawa, nandididiri ako sa kanya!
Mabilis kong nalagyan ng toothpaste ang sepilyo ko at mabilis ko 'yon na isinubo. Hindi ko alam na magagawa niya 'yon. Mababa na ang tingin ko sa kanya at ngayin ay maslalong bumaba.
*flashback*
Pabalik na ako sa canteen ng may humila sa braso ko.
"Anong nangyari sa'yo?" Bakas ang inis sa pananalita ko ngunit may konting pag-aalala 'don. Kahit na ganito ang sitwasyon namin ay hindi pa rin nawawala ang respeto ko sa kanya dahil sa ginawa niya dati. Mugto ang mga mata niya at parang ilang oras na siyang umiiyak.
"Okay ka lang?" Umiling siya at parang bata na hinila ang dulo ng manggas ng damit ko. Hinila niya ako sa isang silid na walang tao at 'don nagsimula siyang umiyak sa harap ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo habang hawak ang dalawang balikat niya. Ilang sandali pa siyang nakatitig sa'kin habang kumukurap kurap kasabay ang pagtulo ng luha sa nga mata niya. Naiinip na ako sa tagal niyang magsalita kaya binitawan ko siya at humawak sa dalawang bewang ko at tinapunan siya ng naaawang tingin.
"Nandito na siya.." napatingin ako sa mukha niya na sumama ang tingin sa'kin.
"Sinong nandito?" Hindi ko maiwasang magtaka sa sinasabi niya.
"Nagbalik na siya.." lalong sumama ang tingin niya! Ina-ano ko siya?!
"Sinong nandito? Sinong nagbalik?" Masyado siyang paligoy-ligoy kaya nauubusan ako ng pasensya.
"Nagbalik na ang taong mahal mo.. Itchepwera na naman ako." Ngumiti siya ng mapait.
"Mula ng bumalik ka ay itchepwera ka na talaga."