CHAPTER 9

8 1 0
                                    

Author's Note:

Umabot na sa 202 reads itong story ko at para sa akin madami na 'yon. Lol. Salamat sa pag-pansin niyo dito sa Must Date My Ex. So ito na nga 'yong sasabihin ko. Pero hindi ko alam kung paano sisimulan, sisimulan ko ba sa gitna? Baka maguluhan kayo, sa dulo na lang, tss ang dami namang tanong pag 'don ako nagsimula. So sisimulan ko na lang sa umpisa, 'don naman dapat diba? Hehehe. Sorry, takot lang ako baka mabwisit kayo.

Seryoso na,

Pansin ko lang kasi na parang napakabilis masyado ng mga pangyayari dito sa istorya tsaka maiksi ang mga update. So ni-revise ko. Nadagdagan at nagbago 'yong ibang scenes. Nag-iba ang name ng school at pinahaba ko hanggang sa makakaya ko ang bawat chapter. So sa sumusuporta, pasensya na. Paiba-iba kasi ako ng desisyon at isip. Umeksena na din 'yong kapatid ni Troy na si Theo. So kung ako sa inyo babasahin ko ulit sa umpisa or kung tamad naman na kayo, maiintindihan ko naman 'yon. Pwede niyo namang ituloy na lang pero may parts lang kayo na iintindihin. Pasensya na  talaga.

PS: Thank you din sa mga nagvovote.
Na-appreciate ko. ^___^

PPS: Thank you din sa naghihintay para sa matagal kong update.

PLEASE DON'T FORGET, TO VOTE AND COMMENT!!! THANK YOU NG MARAMING MARAMI!!  HARTS KO KAYO. HEHEHE 💜💛💚💙❤

H A I L E Y ' S    P O V

NAKASILIP na ang araw ng lumabas ako sa hotel. Nakapaghanda na ako para pumasok at humabol sa mga lessons na na-miss ko. Kalahating oras na akong nagmamaneho, at kumakalam na ang tiyan ko kaya bumaba muna ako sa isang coffe shop sa daan.

"One Caramel Machiatto and one slice of blueberry cheesecake."

"Is that all ma'am?"

"Yes."

"It will be 345 pesos ma'am." Inabutan ko siya ng 500 "I received 500." Inabot na din niya ang sukli sa akin.

"It will be served in five minutes ma'am." Ngumiti na lang ako at naupo sa pangdalawahang upuan.

"Oh?" Sinagot ko ang tawag ni Alyssa.

"Papasok ka?"

"Yeah."

"Sabay tayo magbreakfast."

"On the way pa lang ako diyan, nagutom na ako kaya nag stop over muna ako dito sa isang coffee shop."

"Ano ba naman! Sige na nga si Geanne na lang."

"Oh sige. See you later."

"See ya! Byee!"

Kakapatong ko pa lang ng cellphone sa lamesa umilaw nanaman 'yon.

"Bakit?" Sinagot ko agad 'yon.

"Ang bilis mong sumagot ngayon ah! Miss mo na ako?" Bumuntong hininga lang ako, ".. bakit hindi mo ako hinintay?"

"Bakit naman kita hihintayin?"

"Para sabay tayo."

"Mag-isa kang pumunta diyan kaya kaya mo din bumalik mag-isa."

"Bakit ba nagsusungit ka na naman! Kagabi lang eh makatawa ka."

"Kalimutan mo na 'yon. Nalasing yata ako sa pagkain."

"Wala namang nalalasing sa pagkain."

"Meron. Ako."

"Ha! Tatawa na ba ako?"

"Depende sa'yo."

Must Date My ExWhere stories live. Discover now