H A I L E Y ' S P O VNandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko nang may nagbukas ng pintuan .
"Ate Hailey, mom said we're going na." That's my little sister, na nakadungaw lang sa pintuan.
"Okay!" Sagot ko na nakangiti at sumunod na sa kanya.
Nakasakay kami ng family ko ngayon sa car namin on the way to meet their business partners. I don't even know kung bakit kailangang kasama pa kami ni Hannah. It's all about business naman, we don't need to be there but mom and dad told us to come with them without even telling us why.
"Mga princess, be nice okay?" Bilin ni mommy mula sa passenger seat.
"Yes mommy!" Si Hannah na hindi nilingon si mommy sa sobrang tutok sa Ipad niya.
"Hailey?" Baling niya sakin.
"Yes ma."
Dahan-dahang pinark ni daddy ang kotse sa harap ng isang restaurant na malamang ay pupuntahan namin.
"Come here.." tawag ni mommy kay Hannah at hinawakan ang kamay nito.
"Let's go anak.." si Dad na tinanguan ko lang.
"Friendship!" sigaw ng isang babae pagkapasok namin sa restaurant. Parang ka-age lang ni mom. I guess siya yung ime-meet namin.
"Glad to see you again! Partner!" Pagbati naman ni mommy na tumatawa at nakipag beso-beso. Nakipag-shake hands naman si daddy sa isang lalaki which is asawa nung babae kanina, I think.
Nakita ko namang tinignan ako nung babae head to toe habang nakanguso kaya naman medyo nahiya ako.
"Siya ba?" Tanong niya kay mommy na tinanguan naman nito.
'Anong ako?'
"Such a lovely girl! You must be Hailey?" Ginawaran ko lang siya ng pilit na ngiti at tumango.
"Just call me Tita Janet close naman kami ng mommy mo and call him tito Lenard" masiglang sambit nito sakin at tinuro ang lalaking kakuwentuhan ni daddy.
"A-ah.. sige po." Nahihiya kong tugon.
"Why don't we sit down?" Aya naman nung Tito Lenard daw.
"Good idea. Akala ko tatayo na lang tayo dito." Biro naman ni mommy na dahilan kaya tumawa sila. Ako naman, napangiti lang. It's not that funny anyway. Ang ba-babaw ng kaligayahan.
Habang naghihintay ng pagkain, nagkukwentuhan sila na minsa'y tinatanong tanong ako kung ilang taon na ako, kung ano daw bang sikreto ko sa kagandahan ko at kung ano ano pa. Minsan nama'y nilalaro laro nila si Hannah na 7 years old pa lang.
Tahimik lang ako ng bigla silang lumingon sa likod ko at may kinawayan. Pabilog kasi ang table ng lamesa dito nakatalikod ang upuan ko sa entrance kaya napalingon ako sa likod na ikinagulat ko. Tumalikod na lang ako na parang walang nakita.
'Bakit nandito siya? Bakit nila kinawayan? Siya ba talaga yung kinawayan nila? O baka nagkataon lang na nandito din siya at iba ang kinawayan nila?'
"What took you so long?" tanong ni Tita Janet sa taong nasa likod ko. Hindi ko siya nililingon pero ramdam ko ang presence niya at naamoy ko ang isang pamilyar na pabango.
'Siya ba talaga to? O nag-iimagine lang ako?'
"Mom, it's traffic." Natigilan ako sa boses.
'Siya nga.'
'M-mom?'
"Good evening.." batid kong para kila mommy ang pagbati niyang iyon. Hindi ko siya nililingon. Kahit na gusto ko ay parang nanigas ako sa kinauupuan ko.