CHAPTER 10

23 0 0
                                    


T R O Y ' S   P O V

MAAGA AKONG GUMISING para pumasok ulit at walang gawin. Huling araw na bukas ng foundation day kaya malapit ng bumalik sa normal ang lahat. Madaming special numbers, contest at labanan ng sports ang nagaganap kaya ang tagal tagal. Sa Biyernes din daw sasabihin ang lahat ng mga nanalo at 'yon ang ilalaban sa iba't-ibang school next month. Wala akong sinalihan dahil wala ng basketball dito pag college. Pag-singles o doubles na laro lang tulad ng badminton, table tennis ganon.

Nang malapit na ako sa NIS I felt the urge to continue driving. Napalampas ko na ang NIS at napadpad sa Concord Academy. Alam ko sa sarili ko na nandito ako dahil hindi ko kayang manatili sa school, knowing that Zach is around Hailey. Don't get me wrong, I have no plans on courting Hailey or telling her that my feelings for her never changed because I'm not ready. I have this feeling that Rhina knows something because of her weird words but I can't afford to know the truth. Marahil dahil natatakot ako na malaman kung ano man yon. Hindi ko kasi kailanman inalam ang panig ni Hailey. Kahit binigyan niya ako ng pagkakataon na magtanong nung isang araw, tinanggihan ko dahil hindi ako handang malaman. Madami talaga akong tanong tulad ng:

Bakit niya sinabi sa akin na ang lahat ng ginawa ni Hailey ay para sa akin?

Bakit hindi niya ipinaglaban ang pagmamahal niya sakin noong nakipaghiwalay ako?

Ano ang ginawa niya sa kanya?

Anong totoong meron sa kanila nong lalaking pinagselosan ko noon?

Bakit wala siyang sinabi?

Bakit siya umalis?

Paano niya nagawang magtago?

Anong koneksyon nilang dalawa?

Madami pa akong gustong malaman pero yan talaga ang mga gustong gusto kong masagot pero natatakot akong malaman ang sagot dahil hindi pa man ako nagtatanong, alam kong ako yong mali. Hindi ko pa nga nalalaman alam kong ako yung naging mahina..

Tinignan ko ang relos ko at alas-otso na. Ano kayang ginagawa ni Hailey?

Tinawagan ko siya at nakaka-ilang ring pa lang ay sinagot niya na.

"Ano?"

"Where are you?"

"Nagkaklase ako!"

"Oh?" Napangiti ako, "nag-excuse ka talaga para sagutin ang tawag ko?"

"Kung wala kang sasabihin mamaya ka na lang tumawag!" Halatang hinihinaan niya ang boses niya, marahil ay nasa labas siya ng classroom nila at pag sumigaw maririnig ng prof niya.

"May sasabihin ako.."

"Ano nga!"

"Anong oras ang free time mo ngayon?"

"Kung balak mong pumunta dito wag na dahil fifteen minutes lang ang freetime ko ngayong umaga."

"Eh mamayang hapon? Tsaka lunch?" Nakangiti ako ngayon at diretso ang tingin sa labas ng kotse.

"Bakit ba? Busy ako."

"Nandito ako ngayon sa Concord. Kaya sabihin mo kung anong oras yong fifteen minutes break mo." Naguutos kong sabi.

"Ano?" Bakas ang gulat sa boses niya na mas-nagpapalawak ng ngiti ko.

"Dali na busy ka diba?"

"Matagal pa! Mamayang quarter to ten pa!"

"It's okay, diretso ka sa canteen mamaya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Must Date My ExWhere stories live. Discover now