CHAPTER 6

15 3 0
                                    

S O M E O N E ' S   P O V

How sweet.. so sweet of you Troy. Lalapitan ko sana siya sa canteen kanina ngunit narinig ko na pinapatawag siya sa backstage kaya agad akong pumunta 'don para hindi nanaman siya mainis na sinundan ko daw siya. Syempre pag nauna ako don ay co-incidence na ang iisipin niya. Matagal ko siyang hinintay. It was like 10 minutes? Pero sa halip na siya ang dumating ay si Kevin ang dumating at sinabi niya na pinapunta na niya si Troy. Tinanong ko sa ibang tao don kung saan siya pinapunta at nasagot naman nila ako kaya sinundan ko siya. Habang nagdra-drive ako papuntang Concord University ay nakita ko siya na lumabas sa isang flowershop at may dalang boquet.

Mabilis kaming nakarating sa Concord University.. hindi na ako lumabas ng kotse ko at nanatilig nakasandal sa upuan ko at tinitignan ang lahat ng dumadaan doon. Matagal tagal din akong naghintay at sa hindi inaasahan ay nakita ko si Hailey na may kasamang babae na hindi ko kilala.. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko.

'Hindi kaya siya ang ipinunta niya? So dito lang pala siya nag-aaral? Kung dito lang pala ay bakit walang balita sa kanya? Bakit sinabing umalis siya? Alam kaya ni Troy'

Nagulat na lang ako ng makita kong kasunod nila Hailey na dumaan ay si Troy na kasama si Alyssa.

'Siya nga ang ipinunta niya..'

Totoo nga ang naririnig kong balita na nagbalik na siya. Last week lang naging matunog muli ang pangaln niya sa school. Pero hindi yata tamang gamitin ang salitang nagbalik kung hindi naman pala siya umalis. Napakalapit lang nito sa NIS pero ni isa ay walang nakakita sa kanya. Si Alyssa kasi ay nakikita paminsan-minsan sa mga malls pero siya ay hindi. Kaya nakakagulat lang na nakita ko siya dito.

Lumabas ako ng kotse non at tinignang mabuti ang kasama niya baka ay nadadala lang ako ng imahinasyon. Pero hindi ako nagkamali. Ilang sandali pa akong tumitig at aalis na sana kaso ay nagtama ang paningin namin ni Troy. Wala akong intensyon na lapitan at kausapin siya.. hanggang tingin lang talaga pero siya ang kusang lumapit kanina.

Hindi ko lang matanggap na sa kabila ng tulong ko sa kanya.. ganito ang igaganti niya. Ako ang nasa tabi niya nung mga panahong iniwan siya ni Hailey. Ako ang nagsilbing panyo niya. Ako ang nandon para ihatid siya sa bahay nila t'wing nalalasing siya dagil kay Hailey. Ako na lang nagi ang nandon pero si Hailey pa rin ang hinahanap niya. Minamahal ko siya ngunit kinailangan kong umalis ng bansa dahil sa operasyong ng daddy ko. Pero nung bumalik ako ay ang sama ng ugali niya. Pinagtatabuyan niya ako. Bakit ba hindi niya maintindihan yung salitang mahal kita? Bakit ba hanggang ngayon ay mahal ko siya pero si Hailey pa rin ang gusto niya. Alam ko 'yon kahit pa pinagtatabuyan niya ako at hindi kinakausap. I just know him too well kaya alam kong si Hailey pa rin. At lalo na ngayong nagkita sila muli.. hindi ito maaari!

"Former Glee Club president and Miss NIS for three consecutive years! Miss Hailey Fortalejo!!" Agad akong bumalik sa reyalidad dahil sa sigawan ng mga tao!

'Bakit ba sabik na sabik sila na makita siya?! Hindi naman siya artista!'

Mabilis ang naging paglabas niya and I admit it. She looks gorgeous.

/Now playing: Heartbeat by Christopher\

"It's like a song, that no one hears.." sinimulan niyang ng kumanta!

"I'm screaming out, but you're not here.. All I wanna do, All I wanna do.. Is say I love you.. All I wanna do, All I wanna do.. Is say I care.."

Maingay.

Magulo.

Masaya.

Yan ang mga tao sa paligid ko pero ako nakatunganga lang dito at dinadama yung kanta.

Must Date My ExWhere stories live. Discover now