CHAPTER 8

21 4 1
                                    

H A I L E Y ' S   P O V

Natanaw ko si Shela sa may front desk na hindi mapakali at kung anong kinakalkal. Paniguradong itong cellphone niya ang hinahanap niya.

"Ito bang himahanap mo?" Bungad ko at bahagyang itinaas ang cellphone.

"Lintek. Nasayo pala! Akala ko nawala na." Napabuntonf hininga siya na para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan.

"Sa susunod, wag shushunga shunga tsk." Pailing-iling kong sabi.

"Maka-shunga ang lola. Psh. Thank you." Akmang kukunin na niya ang cellphone niya ng ilayo ko ito sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"At sino ang may sabing ibibigay ko ito?" pang-aasar ko sa kanya.

"Ang daming arte. Diretsuhin mo na ako. Gusto mo akong tanungin kung nasaan si Troy dahil malamang ay nadinig mo sa ibang staff 'no?" Nakangiwi niyang sabi.

"Tss. Hindi ko kailangan ng impormasyon mo. Nagkita na kami kanina, nagkausap pa nga." Inabot ko sa kanya ang gamit niya na agad niya namang kinuha.

"Ah ganon? Alam mo ang oagdating niya? Nagkabalikan na kayo?" Diretsong tanong niya.

"Tsk. Edi sana sabay kaming pumunta dito."

"Ah so sinasabi mong destiny?" Mapanukso niyang tanong.

"Anong destiny? Baka tinext mo siya kanina?" Nagitla siya at don ko nalaman na tama ang hinala ko. "Sinasabi ko na nga ba. Bakit ba ang daldal mo?"

"Wala ka na 'don!" Sinamaan ko siya ng tingin bago siya tinalikuran. Nadinig ko pa ang paghalakhak niya. Parang tanga. Nandito na din lang ako, badtrip din ako, bakit hindi ko na lang aliwin ang sarili ko?

Dumiretso ako sa loob ng Waterpark at bumungad sa'kin ang maraming tao. Bata at matanda na lumalangoy, nagtatawanan, nagaayos ng pagkain, tulog sa nipa hut, naglalarong mga bata, nagwiwisikan ng tubig, nagi-slide, nagpapapicture at mga tumatalon sa pool. Nalampasan ko na ang tatlong malalaking swimming pool at hindi na nakita ang dalawa pa pati ang jacuzzi dahil taliwas ito sa daan ko papuntang seaside. May ibang mga staff na bumabati sa akin. May shortcut naman mula sa Royalties kaso ay gusto kong pumasok dito sa waterpark.

Nilapitan ko si Ellie na nakaupo sa bench sa may seaside na nakatingin sa kawalan. Isa siya sa tagabantay ng jetski dito sa resort, malamang ay shift niya ngayon. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.

"Oh? Ma'am, nandito pala kayo. Good afternoon. "  tumayo siya at lumapit sa akin bilang respeto.

"Good afternoon." Sagot ko naman. "Uhm, can I ride? Pampagaan ng mood."

"Of coure. Ihanda ko lang po ang sasakyan niyo." Sagot niyang nakangiti at hinanda nga ang sasakyan ko.

Ilang sandali pa ay sumenyas siya na pwede na akong sumakay. Inabot niya ang kamay niya na hahawakan ko sana para mapadali ang pagsakay ko pero nang hahawakan ko na ito ay bigla niyang ibinaba at yumuko sa akin pati sa likod ko tsaka naglakad palayo. Tumalikod ako at napaatras sa dahil halos magdikit kami ni Troy ng magkaharap.

"Ano na naman!" Hindi ko napigilang sumigaw pero sa kaloob looban ko ay masaya ako.

"Sabay na tayo." Nakangiti nanaman siya!

"Sabay na ano?"

"Diyan." Tinuro niya ang jetski.

"Ah sige. Sabay na tayo magpakuha ka pa ng isa." Kumunoot ang noo niya.

Must Date My ExWhere stories live. Discover now