Chapter 20
Balik na sa normal ang buhay ko... Dahil tapos na ang sportfest at nailabas na rin 1 week ago ang newspaper namin, wala ng problema... More on academics, projects, written works and test na ako ngayon...
Nagtuturo ang Math Teacher namin ng may biglang kumatok sa pintuan ng classroom namin... Lumabas naman si ma'am at kinausap yong mga estudyante...
"Supreme Student Government(SSG) Officer yun 'di ba?" Tanong sa akin ni Lizzy... Tumango naman ako at nagsmile sa kanya...
"Ano kayang pinag-uusapan nila?" Tumingin ako kay Liz..
"Malamang hindi natin alam... Sagutan mo na lang kaya dyan yong seatwork na ibinigay ni ma'am." Sabi ko sa kanya... Nagpout sya at narinig naming may tumawa mula sa likod...
"Anong tinatawa-tawa mo dyan, insan?" Iritang tanong ni Lizzy kay Jin...
"Nothing..." Natatawang sagot nito... Umirap naman sa kanya si Liz..
Pumasok na yung teacher namin kasama yung SSG Officer...
"Class, quiet! Nandito ang SSG Officer para may i-announce.."
"So..." Panimula nung SSG president. Kenneth?!
"Ahm. I am Kenneth Sebastian, The SSG president. Gusto sana naming i-announce na ibabalik na ng Sebastian Family ang JS Prom dito sa ECHS. Alam nyo namang lahat na itinigil ng parents ko ang pagsasagawa ng tradition na iyon." Mahaba nyang salaysay...
Pero naguguluhan ako... Anak sya ng may ari ng school na to? Paano?
"So, ayun nga guys! Ihanda nyo na ang mga gowns and suits nyo dahil malapit na ang JS Prom. Sa November 30, 2016 ito gaganapin ng 7:00 ng gabi." Sabi naman ng secretary...
Lahat ng mga kaklase ko ay nagbubulungan na... Nag-uusap kung ano ang mga isusuot nilang damit..
November 1 na bukas at walang pasok, so ibigasabihin. 30 days na lang...
"Pero syempre kailangan mayroon tayong King and Queen of the Night, so magbobotohan tayo." Sabi nung Vice President..
Lalong lumakas ang bulungan...
"Boto kita, bes." Bulong sa akin ni Liz..
"Huwag ka nga. Hindi ako mananalo dun noh." Sabi ko naman...
"Paano kami, boboto?" Tanong ni Angel.
"Good Question. Simula November 2 you are free to vote... May dalawa kaming box na inilagay sa bawat corridor. Color pink and blue iyon..." Sabi ulit ni Kenneth...
"Yeah.. Sa color pink nakalagay ay 'Queen of the Night'... Sa color blue naman ay 'King of the Night' ... Ilalagay nyo lang sa isang pirasong papel yong pangalan na napili nyo at ihuhulog don." Dugtong naman ng Auditor...
"So ayun lang... For more info... You're free to visit our page. 'Supreme Student Government(ECHS)'. Thank you." Tapos nagsi-alisan na sila...
"Bes? Sinong iboboto mo sa King and Queen of the Night?"
"Si Angel and Kristoff."
"Ako si Aglaea at Kristoff... Team Krilaea/Krileya/ pa rin ako."
"Ano ka ba? Mas bagay kaya si Jindrick at Aglaea, so Jinaea/Jineya/ ako."
Natatawa na lang ako sa mga comments nila. Hanggang ngayon may umaasa pa rin pala na magkakabalikan kami ni Kristoff... Hahahaha!
----------
Recess ngayon at sabay-sabay kaming kumain ni Anthony, Jindrick, Joe, Lizzy, Mario at syempre ako sa canteen... Pinag-uusapan lang nila lahat ay tungkol sa Prom...
Hindi pa rin ako makapaniwala na ang pamilya pala ni Kenneth may ari ng school na to..... Mayaman din pala sila...
"Nabalitaan nyo na ba ang tungkol sa prom?" Tanong ni Anthony sa amin. Nagnod naman kaming lahat...
"So, what's the plan guys?" Tanong ni Joe..
"Syempre kailangan namin magpa-parlor ni Aglaea para naman maayos-ayos kami." Masiglang sabi ni Lizzy..
"We need a partner to that prom." Singit ni Jindrick...
Oo nga naman. Pero, teka... Sino kayang pwedeng maging partner ko?
"Can you be my partner/Can I be your patner?" Natigil kaming lahat nang biglang magtanong si Mario at Joe kay Lizzy..
What the fvck! Natatawa ako... Ang haba ng hair ni beshi at halata mo sa mukha nya ang pagka-gulat... Hahaha! Ang epic ng mukha nya...
"Ah. Eh." Hindi nya alam ang isasagot nya...
Nagba-blush pa sya... Nakakatawa talaga ang sitwasyon nya tapos nasa gitna pa sya... ^O^
"Nevermind. Siguro free naman si Aglaea." Sabi ni Joe. Sasagot na sana ako ng 'pag-iisipan' kaso naunahan ako ni Lizzy...
"No. I'm... I'm... I'm sure ka-partner na nya si Jindrick." Sus! Ang sabihin nya gusto nyang partner si Joe kaya pinipigilan nya...
Lalo lang akong natawa... "Totoo ba? Ikaw na ang ka-parrner ng kambal ko?" Tanong ni Anthony habang naka ngisi...
"Yah. Lizzy said it right but it's up to Aglaea." Anong sinasabi nya? Hindi nya pa nga ako tinatanong about that. Luh?!
Nevermind. May naisip akong kalokohan e ...
"Alam nyo, tumigil na kayo, okay? May naisip akong paraan. Daanin natin ito sa Rock. Paper. Scissor." Tapos ngumis ako...
This is a better idea..
"Rock. Paper. Scissor?" Sabay-sabay nilang tanong...
This is going to be fun...
"A-ha." Then I nod..
↭↭↭↭↭↭↭↭↭↭
Again, Happy New Year!!!
KrisGel? KriLaea? O JinAea?
Vote and Comment...
Arymafriend08
YOU ARE READING
Can this be LOVE?
Teen FictionSinira ng isang Kristoff Labrador ang puso ni Aglaea Santiago.... Kahit na anong galit ni Aglaea sa kanya hindi nya magawang magmove-on dahil mahal na mahal nya ito... Kaya dumaan sa puntong kakailanganin nya ang isang lalaking muling magpapasaya sa...