Chapter 28Aglaea's PoV
Kinakabahan ako. Nakita na ni Jindrick yung message nung unknown number. Hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito?
"Eya?" Napatingin ako sa kanya. Wala akong makitang emosyon sa mga mata nya.
"A-ano?" Nauutal ko pang tanong.
"When did this starts?" Napayuko ako sa tanong nya. Tumingin ako sa mga kamay ko na nakapatong sa hita ko.
"N-noong sportfest pa." Sabi ko sabay tingin sa kanya para tingnan kung ano ang magiging reaksyon nya.
Napaawang ang panga nya na tila ba naiinis.
"Why didn't you tell us about this?" Seryosong tanong nya. Hindi ako sumagot at nagpatuloy pa rin sa pagfi-fidgeting.
I felt so nervous.
"Face me." Mahinahon pero seryoso nyang sabi. Hindi ko sya pinakinggan at nakayuko pa rin ako.
"I said, face me." Ngayong ramdam ko na ang diin sa pananalita nya.
'Galit ba sya?'
Tumingin na ako sa kanya. Baka kasi masuntok ako nito eh..
"Better. Now tell me. Why didn't you tell us about this?"
"A-ayoko lang n-naman na mag-alala kayo. A-ayokong makadagdag pa ito sa mga isipin nyo." Kinakabahan kong tugon sa kanya.
"Tapos ano? Mag-isa kang mag-iisip kung paano lutasin ang problema mong ito?" Naiinis nyang sabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Mas mag-aalala kami kapag may nangyaring masama sa iyo! You're important to us!"
"Eh kaya nga sinabi ko to sa iyo... Kasi alam kong-- alam kong matutulungan mo ko." Medyo napasigaw na rin ako.
Bakit ba kasi sya sumisigaw? Kaya ko nga sinabi sa kanya e, para matulungan ako... Hindi para sermonan lang.
Huminga sya ng malalim at bigla na lang akong... Niyakap?
"I'm sorry. Hindi dapat kita sinigawan." Bumitaw sya sa yakap at hinawakan ang nanginginig kong kamay.
"Don't be afraid. I'm here... We're going to find out who---" Pinutol ko ang dapat na sasabihin nya.
"Jin?"
"Why?"
"Please, don't tell this to them." Mahina kong sabi. Naging seryoso ulit ang mukha nya.
"What? Why?" Nagtataka nyang tanong.
"Just like what i've said earlier. Ayokong mag-alala sila. Please." Napayuko sya pero tiningnan din naman ako kaagad. Hinawakan nya ang mukha ko at ngumiti.
"Okay. I won't tell this to anyone but change your sim."
East Celestial High School
Ano ba yan? Pasok na kaagad? Psh! Yung ibang schools naman sa Nov. 4 pa ang pasok... Tapos kami Nov. 2?!
As far as I know, holiday pa ngayon. Omo! Bakit ba ganito ang school na ito? Oh well! Hindi ko naman masisisi, siguro dahil sa nale-late na rin kami sa lesson...
Pagkapasok ko sa lobby, bulungan na kaagad ang naririnig ko...
"Sino iboboto mo sa King and Queen of the Night?"
"I don't know... Siguro... Ako at si Mr. Labrusca."
"Hahaha. That heartless guy? May gusto ka roon?"
"Slight. Hihihi."
^_^ May nagkakagusto pala kay Jindrick. Well, hindi ko naman maipagkakaila na gwapo sya... Mukha talaga syang foreigner at pansin ko naman na maganda ang pangangatawan nya.
Sa halos ilang buwan ko syang kasama... Ngayon ko pa lang napansin ang itsura nya. ~^O^~
Pumunta muna ako sa canteen para kumain. Bigla akong nagutom at nagcrave sa pancake... Sana mayroong pagkain na yun ngayon sa menu..
Pumunta ako sa counter at um-order. Buti naman at meron, I ordered two pancakes with chocolate syrup and Orange Juice.
Nagsimula na akong kumain. Saaarrraaapp! Parang ngayon na lang ulit ako nakakain ng pancake.
Napatingin ako sa Entrance ng canteen at nahagip ng mata ko si Angel na kasama si Kristoff. Nagkatinginan pa kami ni Ex ko pero agad din syang umiwas. Naalala ko tuloy yung sinabi nya sa akin last day.
I still love you...
Pakshet! Hay! Aware pa kaya sya na nasabi nya yun sa akin. Hanggang ngayon iniisip ko kung totoo ba yun or nasabi nya lang yun dahil sa lasing sya.
There's a possibility that he only said that 'I still love you' thingy because he's drunk.
"Lalim ng iniisip ah." Bumalik ako sa huwisyo dahil sa may biglaang umupo sa harap ko.
"Mark, ikaw pala." Nakagiti kong sagot sa kanya.
"I need your help."He said in a serious tone.
"Saan?" Medyo curious ako dahil mukhang seryoso sya.
Ipinagdikit nya ang mga kamay nya na parang nagdarasal habang ang siko nya ay nakapatong sa mesa.
"Kaibigan ka ni Lizzy kaya alam kong ikaw ang malalapitam ko sa bagay na ito..." Nagpuse sya saglit. Mukhang alam ko na kung ano ang gusto nyang tulong. "Tulungan mo naman akong alamin ang gusto nya. You know... I really like her." Pabulong nyang sinabi yung huling phrase.
I felt so sorry for him. Gusto nya ang kaibigan ko but sad to say, My friend likes his friend and that's probably Joe.
"I guess, I can help." Maikli kong tugon...
"Alright! First, I need your number so that I can call you." Bago na nga pala ang sim card ko. Psh! Pahirapan na naman toh.
"Oh okay. It's 0921227****." Ngumiti sya ng makuha ang number ko. Tumingin sya sa relo nya at nagulat ng unti.
"The class is about to start. I'll call you." Sa sinabi nyang yun ay napatayp na rin ako at tumakbo...
Someone's PoV
Naghintay ako sa labas ng ECHS. May kikitain pa akong isang tao. I need to wait until their class ended.
After a few minutes, I saw him.
"Nakuha mo?" He nodded.
"Inabot nya sa akin yung hawak nyang phone." Ngumisi lang ako.
Nakita ko ang numero...
0921227****
Papalapit na... Makukuha ko na ang dapat na sa akin. Mawawala ka sa landas ko Aglaea Santiago at makukuha ko si Jindrick.
Oras na para sa pagbabalik ko.
Ang nag-iisang... Magui Salvano.
※※※※※※※※※※
Thank you sa support. So, how was it? I really want to hear your thoughts so you're all free to comment.
Sana nagustuhan nyo. Ginagawa ko talaga ang best ko para matapos ang first story kung ito.
So, Bye! Please don't hesitate to share your opinion
YOU ARE READING
Can this be LOVE?
Teen FictionSinira ng isang Kristoff Labrador ang puso ni Aglaea Santiago.... Kahit na anong galit ni Aglaea sa kanya hindi nya magawang magmove-on dahil mahal na mahal nya ito... Kaya dumaan sa puntong kakailanganin nya ang isang lalaking muling magpapasaya sa...