Chapter 24

14 1 0
                                    

Chapter 24

Mahigit apat na oras kaming nanood ni Anthony. Katatapos lang ng Barcelona. Nagkatinginan kami ng kakambal ko at...

O______O

Whoaaaa. Hindi man lang nabahiran ng luha yung mata nya. Tsk. Tsk. Tsk. Wala talaga tong puso! Psh! Hindi man lang sya naiyak?

"Uy! Lea! Umakyat ka na sa kwarto mo. Tingnan mo nga yang itsura mo. Tatawagin na lang kita kapag ready na yung dinner." Seryoso nyang sabi. Sabay tayo.

"Ikaw magluluto?" Tanong ko habang naka-ngiti sya..

He nodded. "Para matikman mo naman ang luto ng kambal mo." Nakangisi nyang sabi.

"Ayusin mo, Tony ah." Pagbibiro ko. Dumiretso na sya sa kusina. Ako naman ay umakyat na sa kwarto.

Naghalf-bath lang ako at nagsuot ng pajama at t-shirt. In-open ko ang laptop ko para magfacebook. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagfacebook.

Kristoff Labrador ▶ Its Me Angel
14mins.

Let's date tom.♥♥♥♥

31 likes        8 comments

Like           Comment        Share

Sheena Lorieta
16mins.

Whoooaaa! Puro Lucia laman ng News feed ko. Sno ba yun??? Sabi nila multo raw.O_O psh!

15 likes       10 comments

Likes       Comment       Share

Bhoxs Marvin ▶ Cyntiah Lima
21mins.

H4qqy 1St 4n!vERsary... !kw lng s4p4t n4 poews. Jejejejeje! Luv qou.♥♥♥♥♥

5 likes         16 comments

Like          Comment       Share

Wahahahahah! Laughtrip mga post ngayon ah. Yung una magdi-date si Angel at Kristoff sa araw ng mga patay. Wahaha! Pangalawa, nagtatanong pa. Alam naman pala.. Pangatlo! Wahahaha! Mas LT. Jeje ang putek! Hahahaha!

*Ting*

May nagmessage. Tiningnan ko sa chatbox kung sino.

Jindrick Kyle Labrusca •
Wanna come to us...
7mins.

Lizzy Imperial 📱
Hahahaha...
1week ago

Anthony Santiago📱
Take care...
1month ago

Kristoff Labrador 📱
Yeah. Nice. I Love...
5months ago

Si Jin lang pala. Akala ko naman kung sino.

Jindrick Kyle Labrusca
Wanna come to us tom. with Liz. Let's bond. :)
7mins.

Aglaea Santiago
Where? Araw ng mga patay bukas. May mapupuntahan kaya tayo?
6mins.

Jindrick Kyle Labrusca
Sa circle raw sabi ni Liz. Let's try there. :)
5mins.

Aglaea Santiago
Okay. Okay :) Tanong ko si Anthony kung sasama sya. Is that okay?
4mins.

Jindrick Kyle Labrusca
Yes ofcourse. Actually, kasama rin si Joe. Si Mario kasi pumunta sa province nila.
3mins.

Aglaea Santiago
Sige. That's great. Bye! I'll text you :)
2mins.

Jindrick Kyle Labrusca
Okay. Bye! :)
1min.

Naglog-out na ako at dumapa sa kama. Haist! Sa circle? Maganda-ganda naman doon. Keysa naman nasa bahay lang ako. Wednesday pa lang bukas.

Kainis kasi eh. Sa ibang school... Nov. 3 pa ang balik tapos kami sa 2 kaagad. Badtrip!

*Ting*(parehas ng sound yung messenger nya atsaka yung SMS)

May nagtext. Baka si Jindrick toh. Kinuha ko agad yung cellphone ko sa maliit na table na nasa tabi ng kama ko.

From: Unknown Number

Sana patay ka na lang din para madalaw kita bukas ;) hahahahaha! Don't worry. You'll meet me soon.

Nabitawan ko kaagad ying cp ko. Watdapak? What's that? Parehas yun nung number na nagtext sa akin nung sportfest. Why is she keep texting me? Akala ko si Angel yun. Fvck!

'Sana patay ka na lang din para madalaw kita bukas.'

Sana patay ka na lang din para madalaw kita bukas.'

Sana patay ka na lang din para madalaw kita bukas.'

Sana patay ka na lang din para madalaw kita bukas.'

'Sana patay ka na lang din para madalaw kita bu---'

*tok tok tok*

"Aglaea? Dinner is ready."

*tok tok tok*

"Aglaea?!"

Natauhan ako sa pagsigaw ni Anthony.

"Y-yeah. B-baba na a-ako." Nauutal kong sabi at huminga ng malalim. What the?

Sino ka bang babae ka? Huh? Bakit mo ko ginugulo? Anong ginawa ko sa'yo? Akala ko tumigil ka na? Akala ko si Angel ka lang. Pakshet! Naman oh! Tiningnan ko ulit ang cellphone ko ay pinatay yun.

'Who ever you are. Face me! Hndi yung tinatakot mo 'ko ng ganito.'








Can this be LOVE?Where stories live. Discover now