Chapter 9
"Aish! You're crying...again." Pagkasabi nya nun, pinunasan nya yung luha ko...
Tapos pumunta na sya sa likod ko, hindi nanrin naghahalikan si Kristoff at Angel...
Dumating na rin si Lizzy...
Bakit ba tuwing umiiyak ako, nandyan si Jindrick? Itinadhana ba na sya ang tumulong sa akin magmove-on?
Should I say Yes to him? Papayag na ba ako na tulungan nya ako? Sya na lng ba yung pag-asa ko?
Pero kapag pumayag naman ako. Baka sabihin ng iba Rebound ko lang siya. Pero yun naman talaga diba? Panakit butas katulad ng ginawa sa akin ni Kristoff...
Ang hirap. Napakahirap. Mas mahirap pa ito kaysa sa mga Math Problems...
"Ms. Santiago." tawag sa akin ng math teacher namin... Speaking of...
"Yes, maam?"
"Answer this equation." Pumunta na ako sa harap at sinagutan yong equation....
Haist! Palagi na lang hinahanap si X. Ano bang meron sa kanya? Sinaktan ka na nga, Hinahanap mo pa
"Very good." Nung pagkadaan ko sa upuan ni Angel, tinarayan nya ko...
Pssh! Inggit lang sya kasi nasagot ko yong math. Dukutin ko yang mata nya e...
----------
Nandito na kami ni Anthony sa Parking lot. Tatawagan ko na talaga mamaya si mama... I miss her...
Kinakabit ko na yong helmet nang maramdaman kong wala sa leeg ko yong inhaler ko.. Luh? Nasaan na yun?
"Bal? nakita mo ba yong inhaler ko?" Tumingin sya sa akin...
"Nah. Saan mo ba nilagay?" Inalala ko pero nakasabit lang talaga yun leeg ko...
"Nandito lang yun sa leeg ko e..."
"Haist! Hahanapin na lang natin. Tara?" Nagnod na lang ako... Nu ba yan? Sana mahanap ko yong inhaler ko...
Ang mahal kaya nun. At saka may sentimental value yun.
Naglakad na kami pabalik ng school ni Anthony ng may nakita akong tumatakbo papalapit sa amin...
"Pssh! Buti naabutan ko pa kayo."
"Ano na namang kailangan mo?" Kapag nakikita ko talaga sya, Nag-iinit yung dugo ko...
Paano ba naman? Napaka-hangin!
"Chill. Chill. May gusto lang sana akong ibigay." Ano naman ibibigay nya? Tss. Baka kung ano lang yan.
"Kay Anthony mo na lang ibigay." Inirapan ko sya tapos humarap ako kay Anthony. "Bukas na lang tayo maghanap Anthony."
Tapos umalis na ako ron...Pumunta na lang ako sa Parking lot at sumandal sa motor .. Ang Epal talaga nung Kenneth na yun.
Kainis!15 minutes din yung hinintay ko.. Wala namang inabot sa akin si Tony. Sabi ko na nga ba e. Niloloko lang ako nung Kenneth na yun. Tsk. Kupal talaga!
Pagkadating namin sa bahay, dumiretso ako a kuwarto... Bakit biglang tumahimik yong kakambal ko? Anyareh dun?
After kong magbihis tinawagan ko na si mama...
[Aglaea?]
"Ma. I miss you. Kailan ka po ba uuwi."
[I 'm not sure... And ofcourse I miss you too... How are you?]
Shet! Alam nyo naman na hindi pa alam ni Mama na nagbreak na kami Ni Kristoff... Itinago namin ni Anthony kasi baka mag-alala pa si mama...
Pero siguro... Sabihin ko na.
"Ma. I'm not okay. Brake na kami ni Kristoff..."
[What? Kailan pa?]
"1 month ago. I'm so sorry, ma... kung hindi ko po nasabi agad. Ayoko lang na mag-alala kayo."
[I understand. So, Nakamove-on ka na, Anak?]
"Not yet. But I'm sure makakamove-on din ako, ma."
[I know you are a brave person. Basta just follow your heart. At huwag mong kalimutan na gamitin din ang utak.]
Follow your heart? Ugh. What if your heart broke into pieces. Which way to follow?
"Okay, ma. I love you."
[I love you too. I have to go. Bye.]
*toot toot*
Finally! I sighed.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko...
"Anthony?"
Anong ginagawa nya rito...
"Here." Pagkabukas nya ng kamay nya, nakita ko yong inhaler ko... Agad akong pumunta sa harap nya at sinuot yun...
"Saan mo nakita to?"
"You should thank, Kenneth. Nalaglag mo raw nung tumatakbo ka sa quadrangle." Tapos tumalikod sya... I feel guilty...
Galit ba sa akin yung kakambal ko?
"By the way. I'm not angry." weh?
Natulog na lang ako... Na-guilty tuloy ako. Sobra ba kong sungit? Eh sobra rin naman yong kahanginan nya e.
Hindi! Hindi dapat ako nagi-guilty.
Anthony's Pov
Ang dami kong iniisip... Hindi dapat malaman ni Aglaea na hindi lang bussiness trip ang pinunta ni mama sa Korea...
Sure akong magagalit ang kakambal ko... Ayaw na ayaw nyang naririnig ang pangalan ni papa .. Haist!
Ang hirap. Gusto ko rin namang makita si papa. Ang inaalala ko lang si Aglaea. Sobra ang galit nya kay papa.
Ikaw ba naman, iwan.
Pero bakit ako?
Siguro mabilis lang talaga ako magpatawad...
YOU ARE READING
Can this be LOVE?
Teen FictionSinira ng isang Kristoff Labrador ang puso ni Aglaea Santiago.... Kahit na anong galit ni Aglaea sa kanya hindi nya magawang magmove-on dahil mahal na mahal nya ito... Kaya dumaan sa puntong kakailanganin nya ang isang lalaking muling magpapasaya sa...