Chapter 27

8 1 0
                                    

Chapter 27

After namin magluto ay nagbihis na kaming lahat. Mayroon ding dala sila na mga damit pangpalit. Nagbihis si Liz sa kwarto ni mama. Si Jin at Joe naman ay sa CR sa baba.

Simple lang ang suot kong damit. High waste na jeans, Crop top na long sleeves na color gray na may design na ●_____●… sa madaling salita Baymax, naka-suot din ako ng high cut na shoes na color brown.

Inayos ko ang buhok ko. Messy bun ang style ng buhok ko. Hilig ko ang pag-aayos ng iba't ibang hair style eh. Hinawi ko ang bangs ko sa gilid ng mukha ko and THERE... I'm done.

Kaagad akong bumaba at nakita ko sila sa may sofa. Sinalubong ako ni Liz.

"Ang tagal mo!" Singhal nya. Tiningnan ko sila isa-isa, may napansin ako.

Tiningnan ko si Joe, ang pants nya ay parehas ng kulay ng sa akin... Si Anthony naman ay naka long sleeves din... Si Jindrick ay naka gray t-shirt na may hood.

Tumingin ako kay Liz at napansin ko ang doll shoes nya na kulay brown... Naka-dress kasi sya.

"What?" Takang tanong nya sa akin.

"Pinag-usapan ba natin ang about sa attire?" Namamangha kong  tanong.

Narinig kong natawa si Joe.

"Oo nga noh! What a coincidence!" Natatawa pa ring sabi nya.

"Tara na! Tara na!" Sabi ni Tony. Psh! Init pa rin ng ulo.

Anthony's PoV

I was all alone. Walking and thinking all by myself. Nagtitingin-tingin sa mga tyangge rito sa circle. Walang masyadong tao dahil araw nga ng mga patay at paniguradong nasa cemetery ang ibang tao para dalawin ang mga mahal nila sa buhay na namayapa na.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang fountain na pabilog dito sa circle. Sumandal ako doon at huminga ng malalim. Katatapos lang namin maglunch at napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna.

Naiinis ako! Kanina pa, ang masama ay ang kapatid ko ang napagbuntungan ko ng inis. Nagulat ako e. Nagulat ako sa balitang nasagap ko.

Flashback

Naiwan sa kusina si Lea dahil nagprisinta sya na sya na lang maghuhugas ng mga pinggan. Pagka-akyat ko ay agad akong nagshower.

Pagkatapos ay agad akong humarap sa laptop para maglaro ng Legue of Legends o LOL. Nasa gitna ako ng laro nang biglang nagring ang cellphone ko.

'Badtrip naman oh! Matatalo ako nito eh.'

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag ..

Mama calling...

I answered the call.

"Yes mom?"

[I have a good news but please don't tell to your twin about this.]

Ano naman kaya ang good news na yun? Kinabahan ako bigla. Baka-- baka may kinalaman to kay dad. Geez! Damn!

[I found your dad]

Literal akong napanganga at para akong istatwa na napako sa kinauupuan ko.

'Paano kapag nalaman toh ni Aglaea? So, tutuparin nya na uuwi sya before christmas or sa mismong araw ng pasko?'

[Tony? Are you still there?]

"Y-yes, m-ma." Nauutal kong sabi.

[Please-- please, Tony... Don't tell this to Aglaea. I want to surprise her.]

Yeah. Masu-surprise talaga sya and i'm sure she'll get mad.

"Y-yes, ma." Tanging naisagot.

End of Flashback

Nabanggit din sa akin ni mama ang about sa prom na sagot nya na ang susuotin namin.

Hindi man lang sinabi ni Aglaea sa akin. Psh!

Talagang kakabahan na ako kapag pumasok ang December. Kahit anong oras ay pwede silang lumitaw at magpakita na parang kabute. Lalo na ngayon na nahanap nya na si papa. Parang nai-imagine ko na ang magiging itsura ng kakambal ko kapag nalaman nya.

Paniguradong magagalit sya. Hindi nya na gustuhan ang ginawa ni dad sa amin.

Bumuntong hininga ako. Babalik na ako doon sa pwesto namin kanina. Baka hinahanap na nila ako.

Naglalakad ako at iniisip pa rin ang nangyari para akong wala sa sari--

*Booooggssshhh*

May nakabanggaan ako. Napaatras kami pareho.

Nakita ko ang isang babae na mala-porselana na kutis... May hawak syang Gucci na bag sa kaliwang kamay at cellphone naman sa kanan na animoy may kausap.

"Can you see where you going?!" Sigaw nya sa akin. Psh! Hindi nya ako mababangga kung nakatingin din sya sa dinaraanan nya.

"Hindi ka rin tumitingin sa dinaraanan mo kaya nabangga mo rin ako." Walang emosyon kong sabi.

Aalis na dapat ako pero bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" Mataray na tanong nya.

"Why would I say that?" Walang emosyon ko pa ring sagot.

"Hah! Jerk! What a stupid jerk?!" Sabi nya at saka tuluyang umalis.

Napatawa na lang ako sa inis. May nahagip ang mga mata na kumikinang sa lapag. Dinampot ko yun.

'Bracelet?'

Sa babae siguro ito kanina. Silver ang bracelet. May pa-rectangle na design at sa magkabilang gilid noon ay may heart...

⇨ ₪₪₪₪₪♥██████♥₪₪₪₪₪

May naka-incrave sa pa-rectangle na design....

Lacey

Can this be LOVE?Where stories live. Discover now