CTBL 11

6 1 0
                                    

Chapter 11

Aglaea's Pov

May laro ngayon ang basketball. Buti na lang kamu sa next Wednesday pa. Sila Lizzy naman sa next Thursday... Nagdecide na lang ang principal namin na halfday lang ngayon para makapanood kami and ofcourse makapag-interview...

About the newspaper, malapit na sya matapos. Itong sport article na lang talaga ang problema ko at yong ibang pictures...

Nandito kami sa canteen ni  Lizzy at ni Jindrick... About Jindrick. I'm so happy na marunong naman pala syang  magFilipino... E di, hindi na duduguin tong ilong ko...

"Uy, Aglaea. Hindi pa ba tapos yang banner?"

Tanong sa akin ni Lizzy.. Atat lang Te? Hindi pa naman matatapos yong game. Madyadong excited to.

"Malapit na." Nung tiningnan ko yong banner, mukha naman syang okay.

'Go, KAMBAL. Go, East Celestial High School ^_^'

Okay naman 'di ba? Tss. Choosy pa ba sila. Kalaban pala namin yong Lorence High School... Magaling daw yun sa Basketball pero full support lang...

"Ahm. Girls? I have to go." Biglang singit ni Jindrick.

"Saan ka naman pupunta, cous'?"

Bahala muna sila dyan. Nagde-design pa ako e.

"At the field. I'll just take a picture." English pa sya? Marunong naman magFilipino. Pinapahirapan lang nya yung sarili nya...

"Sama ako." Sabi ni Liz. Luh? Akala ko ba gusto na nyang manood ng basketball? Tss.

"Uy. Uy. Uy. Lizzy, akala ko ba guato mo ng manood ng basketball?"

"Mauna ka na. May pag-uusapan lang kami nitong insan ko." Nagpout ako. Ano ba yan? Kasi naman e!

Tinapos ko na lang yong banner at dumiretso na ako sa gym...

Umupo kaagad ako sa pangatlong bleacher. 2nd quarter na at lamang ang kalaban. Ay! Ano ba yan? Parang ayoko ng itaas tong banner. Parang nakakahiya...

60-53... Yong score... Ano bang nangyayari? Haist!

Maayos naman ang laro ng ECHS pero bakit ganun?...Tutok na tutok ako sa game ...

Kaya naman pala e. Puro dirty moves ang ipinapakita ng LHS. Ugh! Ang daya!

At sa wakas dumating na si Lizzy at Jindrick at eksaktong nagsimula na ang 3rd game...

"Anyareh? Ba't ganyan ang score?"
Tanong ni Lizzy...
Nagshrug lang ako... Paano ba naman kasi,  70-59. Tambak kami...

Nasa  gitna pala ako nilang dalawa....

"Ano ba naman kasing silbi ng banner na ginawa mo?" Nagpout lang ako...

"E kasi---"

"Pssh! Akin na nga." Tapos inagaw nya sa akin...

"GO EAST CELESTIAL HIGH SCHOOL!" Tapos nagstop sya. Ano bang ginagawa nya? Hindi pa sya nakuntento, tumayo pa talaga si Lizzy...

Napa-face palm ako..

"WHOA! DEFEEEEENNNSEEE!" Sigaw nya.. Halos lahat ng nanonood nasa kamya yong atensyon... She's crazy...

Tumingin sya sa taas namin...

"Isigaw nyo rin defense!" Ugh!

Lahat na sila nagsisigawan ng defense..

Si Jindrick naman naka-ngiti lang...

Effective naman sya pero kasi... Ewan ko ba kung bakit...

89-77.. Kami na yong lamang..

"Liz. Tama na yan, lamang na tayo..."

Umupo sya tapos nagpout..

"Ikaw naman, Aglaea. Parang hindi ka nagkaroon ng boyfriend na basketball player." Natulala ako..

"Lizzy!" Sabi ni Jindrick...

"Opps! Sorry!" I smile. The fake one. "Okay lang. Ahm. Punta lang akong canteen, bigla akong nagutom e." Umalis na ako ron at dumiretso ako sa Field...

Buti na lang, tapos na yong game ng soccer. Umupo na lang ako sa gitna...

Paano ba magmove-on? Ang hirap. Akala ko ang dali lang. Pero apektado pa rin pala ako kapag naririnig ki yong pangalan nya. Ang bitter ko pa rin...

"You're going to smile and make them think that you're happy. You're going to laugh, so they don't see you cry. You're going to let them go in style and even if it kills you, You're going to smile..." Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Kenneth...

Totoo yong sinabi niya... Akala siguro ng lahat, okay na ako. Pero hindi, kailangan ko pa rin ng magko-comfort sa akin.... Umupo sya sa tabi ko. Nangingilid na yong luha ko pero hindi ko hinayaan na tumulo yun..

Kahit na ang bigat sa pakiramdam...

"Alam mo mas maganda kung ilalabas mo yan. Lalo ka lang masasaktan." Oo! Nasasaktan ako. E ano namang pake ng iba? Masaya nga sila sa tuwing nakikita akong ganito...

"Mahirap namang ilabas yong nararamdaman ko kasi wala namang interesado."  Tumawa sya... See? Walang nakakaintindi sa akin...

Haist!

"Ang alam ko, Nasaktan ka lang hindi ka Nabulag...." Huh? Anong sinasabi nya?

"Ano?" Tiningnan ko sya... Ngumiti sya...Tumingin sya sa langit..

"Maraming nag-aalala sayo. Sadyang bulag ka lang kaya hindi mo SYA makita." Ang dami nya namang alam ... Manhid ba ako? Sino bang nag-aalala sa akin? Si mama? Si Anthony? Si Lizzy? O si Jindrick?

"Pero masaya ako na kahit ngayong araw lang hindi ka masungit sa akin." Ay! Oo nga pala! Enemy kami.

Pero parang nawala na ang paka-inis ko sa kanya kasi ang dami kong nakuhang Word of Wisdom galing sa kanya at sinuli nya ang inhaler ko...

"Tungkol dun.. Gusto ko sanang kalimutan na natin yong pag-aaway natin."

Nagsmirk sya..

"Aba. Aba. Aba. Mukhang nagbago ang ihip ng hangin ah." Bumalik  na naman ang pagka-naughty nya..

"Tumigil ka nga, Ken! Pshh. Pero salamat sa pagbalik ng inhaler ko."

"Nice nickname! Okay lang yun." Bigla ko syang niyakap.. Nagulat sya at nagulat din ako sa ginawa ko...

"Ikaw ah! Tsumatsansing ka sa akin!"

Hala? Namis-interpret nya..

"Hindi ah!"..

" Weh?!" Tumayo sya tapos tunakbo.. Haist! Ang kulit nya.. Tumayo na ako tapos may naaninag ako sa dulo ng field...


Jindrick?!

Can this be LOVE?Where stories live. Discover now