Chapter 5Aglaea's Pov
Nandito ako sa Conference Room makatulala katabi ang magaling kong besty... Hindi pa rin mawala sa isip ko yong sinuggest ni Jindrick sa akin... Dapat ba pumayag ako? Dapat ba nagpadala ako sa suggestion nya? Gulong-gulo na ako...
Kaya naman kami nandito sa Conference dahil nga botohan ng Math Club... As i say earlier, sasali ako di ba?..
"Lea. Anong gusto mong position? Ino-nominate kita..." Gusto ko sanang maging president pero Editor-in-chief na ako at bawal yon...
"Hmm... Auditor na lang..." Nagsimula ng magbotohan.. Gumugulo pa rin sa isip ko yong kanina.. Ano ba yan? Hindi ako makapag concentrate...
Ano ba kasing nakain ni Jindrick at pumasok sa isip nya yon? Baka naman nagbibiro lang sya... Pero palaging seryoso yon e atsaka hindi ako bibiruin ng ganun non... At the first place naman hindi kami close...Ugh!
Kung itanong ko na lang kaya kay Lizzy mamaya.. Kasi naman..Aish!
"I nominate Aglaea Santiago for Auditor.." Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang pangalan ko...
Sakto panghuli akong ninominate..."Buti na lang umabot pa, Lea .. Ikaw ang pangatlo.." Sabi sa akin ni Lizzy... Ngumiti na lang ako sa kanya...
"Who was infavor for Kristoff Labrador?" Tanong nung Head ng Math subject .. Wait. Nandito si Kristoff? Bakit hindi ko sya napansin..
Tumingin ako sa likod at nakita ko syang nakatingin sa akin...Umiwas kaagad ako..." Lea? okay ka lang?" Nagnod na lang ako kay Liz..
"Who was infavor for Kenneth Sebastian?" Halos lahat ng babae nagsitaasan tapos tumitili... Anong meron sa Kenneth Sebastian na yon?
Tiningnan ko kung sino man yon... Pagkatingin ko, kinindatan nya ako...
Lumaki mata ko syempre... Humarap na ulit ako... ano ba yon?
"Who was infavor for Aglaea Santiago?" Tumayo na ako...
"Ma'am! Paharapin mo naman sya rito. Hindi namin makita ang mukha nya!" Walang modo naman to... Ganun ba sya makipag-usap sa mga teacher dito?
"Okay. Ms. Santiago can you face the other student at the back.." Tumango na lang ako... Pero bakit ganun? Hindi man lang sya pinagalitan nung teacher...
"Go! Lea!" Sigaw ni Lizzy. Nakakahiya naman to... Tiningnan ko kung sino yong sumigaw kanina... Ahh. Si Kenneth walang modo pala... Nakasmirk sya... Inirapan ko na lang ..
Ang ex ko ang nanalo sa Auditor.. At napunta ako sa Muse... Ang magaling ko kasing bestfriend binugaw ako...
Tapos yong walang modong lalaki sa escort... Oh di ba? Malas talaga..
Naglalakad na kami rito sa corridor nang makita kong pumasok si Jindrick sa Music Room...
"Si Jindrick oh! Tara!" Sabi ni Lizzy... Hindi lang pala ako ang nakakita...
"Bakit ba kailangan pa nating sumilip dito sa bintana.. Pwede naman tayong pumasok."
"I want to hear my cousin to sing... Hindi yon kakanta kapag nakita nya tayo..." Bakit naman? Kung may talent naman sya... Why not?
Naisip ko na naman tuloy yong kanina...
"Hi,Pogi!" Bati sa kanya nung baklang nagbabantay...
Nginitian nya lang.."Sasali ka ba sa Glee Club?"
"Yeah," Ang tipid nya talaga sumagot .. Haist!
"Ay. Sige.. Ma-upo ka muna dyan," Ang landi naman ng baklang to...
YOU ARE READING
Can this be LOVE?
Teen FictionSinira ng isang Kristoff Labrador ang puso ni Aglaea Santiago.... Kahit na anong galit ni Aglaea sa kanya hindi nya magawang magmove-on dahil mahal na mahal nya ito... Kaya dumaan sa puntong kakailanganin nya ang isang lalaking muling magpapasaya sa...