CTBL 15

8 1 0
                                    

Chapter 15

Lizzy's Pov

Nagulat ako ng bigla akong hilain palabas ng bar ni Mario... Kanina nakita ko si Jindrick at Aglaea papuntang parking lot... Saan naman kaya sila pupunta?

Masaya ako dahil natupad na pala ang request ko... Syempre updated ako.
Naaalala nyo ba nung pumunta kami ni Rick sa field? Kwinento nya sa akin ang lahat...

Yung tungkol kay Kenneth guy, may nararamdaman akong kakaiba sa kanya e.. Hindi ko maipaliwanag, basta...

Iniintindi ko ngayon ang gabing to. Hindi ako mapakali. Kanina pa nakatingin sa akin si Mario.. Kasi naman yong 'Lizzy KO' eh... Pahamak. Kainis!

"Liz/Mario." Sabay pa kaming nagsalita. Natawa tuloy kami parehas...

"Mauna ka na/Ikaw na mauna." Natawa na talaga ako... Napahawak na ako sa balikat nya...

"Lizzy?" Naging seryoso yong boses nya
... Napabitaw ako sa balikat nya... Naging awkward tuloy yong feeling ko... Nakakatunaw yong tingin nya sa akin.. Parang hindi ako makahinga.

"A-ano yun?" Lumapit sya sa akin... As in! Lalo lang akong hindi makahinga... Feeling ko lalabas na yung puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito...

"Matagal ko na tong gustong sabihin sayo." Sabi nya... Naging husky yong voice nya. " I  really like you." Natigilan ako sa sinabi nya... Ano raw? What?! Gusto nyo ako?

"U-ulitin mo nga yong s-sinabi mo." Ngumisi sya tapos lumayo sya sa akin. Tumingin sya sa langit.

"Kikwentuhan kita ng isang story." Ano ako bata? " Nung unang araw na pumasok si boy sa school may nakita syang isang babae. Kasama ni girl ang kaibigan nya. Unang kita ni boy sa girl nagslow motion ang lahat." Huh? Ano bang sinasabi nya? "Simula non, palagi nang sinusubaybayan ni boy si girl at unti-unti na pala syang nahuhulog sa girl. The End." Tumingin sya sa akin...

"Ano ba talagang gusto mong iparating sa akin, Mario?" Tumawa sya... "Anong nakakatawa?" Naiinis na ako...

"Manhid ka ba talaga?" Hinawakan nya yung dalawang balikat ko..."Lizzy Imperial. I like you. Do you feel the same way too?"

Sa totoo lang hindi ko naman masyadong kilala si Mario. Atsaka hindi ko sya nare-recognized kaya hindi ko aakalain na magkakagusto sya sa akin. Hindi naman ako ganun kamanhid. But the truth is I don't like him...

"Mario..." Nagsmile sya at tumingin ulit sa langit kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko...

"Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo.. I know. You don't like me. Pero i will not stop to like you." Naaawa ako kay Mario.

I'm sorry, Mario. I like, Joe..

----------

"Lizzy, you look distracted. Focus on our practice." Sabi ng ka-team ko sa badminton... Naiisip ko pa rin yong yong nangyari nung Saturaday... Laban na ngayon ng volleyball...

Men's volleyball pa lang yung naglalaro. Kasunod nun yong mga babae. Nandun sa gymnasium sila Aglaea, Jindrick, Anthony at si Kristoff...

Ang awkward nun para kay Aglaea... Alam kong hindi pa sya nakakamove-on. Pero alam kong malapit na ang araw na yun... Buti nga wala yung hitad na Angel na yun... inis na inis talaga ako dun sa babaeng yun...

Sa ngayon. I need to focus... Bukas na ang game namin....

"5 minutes break!" Sigaw ng coach namin... Umupo muna ako sa bench. Dito kami sa quadrangle nagpa-practice...

Uminom muna ako ng tubig, napagod din ako...

"Lizzy." Muntik ko ng maibuga kay Mario yung iniinom ko.. Nakakagulat naman kasi sya e...

"Bakit, Mario?" Tumabi sya sa akin...

"Wala lang gusto lang kitang panoorin magpractice." Haist! Ano ba yan? Paano na to? Dapat hindi ko na nalaman na gusto nya ako e. Naiilang lang ako sa kanya...

"Ah. S-sige. Ma-upo ka lang dyan." Tumayo na ako at nagsimula na ulit magpractice....

Lalo akong hindi makapagfocus dahil nandito pa si Mario.. Kainis! Hindi naman sa naiinis ako sa kanya... Naiinis ako sa feeling na nararamaman ko... Alam ko na nagiging unfair ako kay Mario because I like his friend...

Pero ang hirap kasi sabihin e...

Enough! I'll just focus on our practice. Haist!

My Life Sucks!

Can this be LOVE?Where stories live. Discover now