Chapter 26

9 1 0
                                    

Chapter 26

Dumiretso sila sa kusina para tingnan kung kumpleto ang gamit namin.

"Nasaan si Anthony?" Tanong ni Joe. Tumingin ako sa kanya. "Pababa na rin yun." Pagtingin ko sa entrance ng kusina ay nakita ko si Bal na papasok na ang sama ng tingin sa akin.

'Hindi pa rin makamove-on. Psh!'

"Andyan na pala eh." Sabi ni Liz.
"Mukhang wala sa mood ah." Sumingit si Joe. Tumingin sa akin si Tony. Ano ba to?! Parang ang laking kasalanan naman ng ginawa ko.

"Joe and Liz are going to cook while Anthony is going to make our drinks, me and Eya? We're going to the grocery store so we can start." Nakangiting sabi ni Jin.

"No." Walang emosyong sabi ni Tony. Lahat kami napatingin sa kanya. Problema na naman nito. "Ako ang sasama maggrocery." Dagdag nya pa.

"Ayoko. Hindi ako papayag." Sabi ko sa kanya. "Ako ang pinili nyang kasama and besides magaling akong pumili ng fresh meats kung kinakailangan. So, you'll stay here." Dagdag ko. Tiningnan nya akong ng masama at ganoon din ako sa kanya.

"Uy! Ngayon pa ba kayong magkambal mag-aaway? Haist! Umalis na kayo 'insan at Lea." Naiinis na sabi ni Liz.

Lumabas na ako sa kusina at sumunod naman sa akin si Jin. Binuksan nya ang pinto sa passenger seat at pumasok na ako sa kotse nya. Malapit lang naman ang grocery store at baka wala pang 5 minutes ay nandoon na kami lalo pa at naka-kotse kami.

Napapansin kong panay ang lingon sa akin ni Jin.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Nag-away kayo?" Tanong nya. Sino pa ba ang tinutukoy nya? E di yung kambal ko.

"Nope. I don't know kung masama lang talaga ang gising nya or what?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Humarap sya sa akin saglit at ngumiti.

Kagay ng sinabi ko ay wala pang limang minuto nang makarating kami. Pi-nark nya ang kotse at bumaba na kami. Pagkababa ay may naalala ako.

"May listahan ka ng bibilhin?" Tanong ko sa kanya.
Tumango sya at sumagot. "Of course." Pumasok na kami. Kumuha muna sya ng cart at tinulak na. Dumiretso kami sa meat station.

Habang pumipili ako ay nagsasalita sya ng kung anong lulutuin namin habang tinutulak pa rin ang cart.

"We're going to cook Afritada. Ayun ang ulam natin. Medyo uuntian lang natin kasi para lang naman yun sa pananghalian natin. We're going to buy fresh fruits for our drinks. Ayaw ni Liz ng artificial flavor lang." Tumango-tango akp at pinagpatuloy pa rin ang pagpili.

'Yun! Nakahanap din ng pinaka-fresh.'

Tinuloy nya ang pagkukwento habang ako ay nilalagay ang meat sa isang transparent na plastic. Pagkatapos ay nilagyan ni kuyang nagbabantay ng tag price.

"May desserts tayo." Napatingin ako sa kanya, ganoon din sya. "Cookies and cupcakes." Seryoso nyang sabi. Napangiti ako. "Tayo ang magbe-bake." Lalong lumawak ang ngiti ko.

'Makakapagbake ulit ako!'

Pumunta kami sa bandang likod ng store dahil nandoon ang fruit station. Pumili kaming dalawa ng dalandan. Bale dalandan juice ang gagawin namin.

Sinundan ko sya ng bigla syang lumiko. Nakita ko syang pumipili ng flour, sugar at kung ano-ano pang gagamitin sa pagbe-bake.

Nakita kong kumuha sya ng strawberry powder.

'Oh no. Bawal ako dyan.'

"Ah. Jin?" Tumingin sya sa akin na nagtataka.

"Strawberry flavor ang cupcake?" Tanong ko sa kanya.
"Yes. Why?" Takang tanong nya.

"Allergic ako s-sa strawberry." Napa 'oh' naman sya.

Binalik nya ang strawberry flavor at pinalitan ng chocolate. Napangiti ako. Sumabay ako sa paglalakad nya at nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

Hinila nya ako at kinulong sa dalawang braso nya na nakahaw sa cart. Nasa harap nya ako.

TUG. DUG. TUG. DUG.

Putek! Ano yun?!

Huminto sya sa paglakad. Tumingila ako para tingnan sya. Medyo nakasandal ako sa kaliwa nyang braso. Nakangiti lang sya at tumaas ang kilay nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya.

Humarap ako kaagad at humawak na lang sa cart. Napakagat ako sa labi ko. Naiilang ako! Taena!

TUG. DUG. TUG. DUG. TUG. DUG.

Taena! Ano ba yun?! Putek! Watdapak!

Can this be LOVE?Where stories live. Discover now